hindi na namin pinatulan si Jed. saka pagkasabi niya nung err, "bye MHIE" eh umalis na din siya agad. mukhang nakutuban niya atang matatamaan siya ng lintek sa 'ming dalawa ni Keen.
“amin na kamay mo.” tinignan lang ako ng loko. aba, serious pa rin siya oh.
“amin na sabi.” kinuha ko 'yung kamay niya na naka-close fist pa din. mukhang gigil na gigil si Keen oh.
binuksan ko 'yung kamay niya tapos minassage ko ng konti. alam kong nagulat siya sa ginawa ko. aba, ako din naman nagulat ee. tapos nung tinignan ko siya, naka-smile na siya ulit. 'yung smile niya, nakakaloko pero nakakamiss. sanay kasi akong masayahing tao 'tong si Keen, kaya kapag nagiging seryoso siya medyo hindi ako sanay.
“tingin mo dyan?” -ako
“Ma, ba't ba kasi ayaw mong sabayan kita pauwi kanina? tapos buong araw mo pa 'kong hindi kinakausap. ano ba'ng meron Ma?” -keen
“eh kasi, may mga dinaanan pa 'ko.” -ako
“ano naman 'yun?” -keen
“err. uhm. 'yung mga dati kong dinadaanan nung mag-isa pa kong naglalakad pauwi. ayun, namiss daw nila ko. HAHA.” -ako
“ano ka ba, pwede naman nating daanan mga 'yun eh. eh 'yung isa? bakit buong araw mo kong di kinakausap?” -keen
“wala lang. namiss ko lang besprens ko! lagi kasi ikaw kasama ko ee.” -ako
“sus! namiss daw. lagi pa din naman natin sila kasama eh.” -keen
natawa na lang ako sa kanya. para kasing bata kung magtampo eh. wala lang, nakakaaliw siya. so tumuloy na ko sa kwarto ko and did my rituals. nagulat ako pagkababa ko, andun pa rin siya. sitting pretty pa nga ang loko habang nagkukwentuhan sila ni Babes eh. feel na feel at home siya.
“Babes, si Trick ba nainom na niya 'yung vitamins niya?” -ako
“oo, check mo nga kung tulog na siya.” lately kasi eh nagiging sakitin ang kapatid ko. pumapasok na kasi siya sa school, ang cute nga niyang tignan sa uniform niya ee.
pagkalabas ko ng kwarto ni Trick eh andun si Keen. mukhang hinihintay ako lumabas kasi nakasandal lang siya malapit sa pinto. nakayuko pa at nakacrosslegs pero nakasandal sa wall. shet. kundi lang 'to si Keen, baka crush ko na siya. HAHA.
busy siya sa pagsandal sa wall at pagtitig sa floor kaya di niya ko napansin. ang ginawa ko, tinabihan ko siya tapos ginaya ko 'yung position niya.
“gaya gaya ka, Ma.” -keen
“nag-eemo ka kasi dyan. problema mo? di ka pa uwi? o dito ka ulit kakain?” -ako
“syempre, dito ako kakain. pero since hindi pa naman tapos 'yung niluluto ni nanay eh, kelangan nating mag-usap.” hinila na niya ko papunta sa garden. ang hilig niyang nanghihila pansin ko lang.
“ba't sabay kayo ni Jed umuwi?” nako po. serious mode na naman ang bruho. grabe, kung makatanong parang nasa korte kami eh.
dahil gusto kong bumalik sa masayahing Keen itong si Keen, eh kinwento ko ng DETAILED 'yung mga ginawa ko. kung pano ako nakipag-usap sa mga taong pinuntahan ko, kung pano ako niyakap nila Aling Nena kasi namiss daw nila ko. ayun, nagtataka ako pero nakikinig siya kahit medyo nonsense na 'yung mga pinagsasabi ko. tapos kinanta ko pa 'yung bulilit song saka ko pinasok 'yung kay Jed. kasi dun naman talaga siya umepal nun.
“kantahin mo nga.” -keen
“ay, ayaw ko na. si Jed na ang naalala ko kapag kinakanta ko yun e.” -ako
“dali naaaa. kantahin mo na Maaaa.” kinanta ko nga with actions pa. ang loko, tawa ng tawa! tignan mo 'to, pagkatapos akong pakantahin, tatawanan lang ako.
“ayaw ko na, tinatawanan mo lang ako eh.” sa totoo niyan, natutuwa akong makita siyang tumatawa. ewan ko lang ah, kasi kung tutuusin sa 'min dalawa, mas siya 'yung dapat pasayahin hindi ako. oh ha.
“Ma, sa susunod nga kung gusto mong daanan 'yung mga dinaanan mo kanina isama mo na ko.” -keen
“Niyeh, bakit pa? asungot ka lang noh! mamaya tanungin nila kung anong klaseng pet ang dala ko eh.” -ako
“ay! anong pet? pet ka dyan! ang gwapo kong 'to, magiging pet lang?!” -keen
“HAHA. ewan ko sayo. tara sa loob na tayooo, dilim na oh.” -ako
dumeretso na kami sa dining room kasi kakain na daw. pero napansin ko may kinuha pa si Keen sa bag niya, cellphone niya ata.
“Uy Ma! nagtext 'yung crush ko oh?” pinakita niya sa 'kin 'yung phone niya pero tinutok niya sa mukha ko kaya di ko din mabasa. pero ang bruho, kilig na kilig pa. EWW.
“oh? sino ba yan?” -ako
“si REA!” taena. sa dami ng pwedeng maging crush si Rea pa.
“ah, si Rea. OK.” -ako
tumahimik ako ulit, 'yung parang kaninang umaga. 'di na ko umimik hanggang sa natapos na kaming kumain at paalis na din si Keen. medyo hindi ko pinahalatang tumahimik ako, kunwari lang antok na ko kaya hindi naman napansin ni Keen 'yun.
“Babes, akyat na ko ah? antok na ko eh.” -ako
“Ma?” di ko siya pinansin. behlat niya. :P
kinabukasan, maaga akong pumasok para di ako maabutan ni Keen. ewan ko lang, naasar na naman kasi ako kapag naalala kong katext niya na pala si Rea. TSS. sa dami ng babae, si Rea pa?! si Rea na puro ajlskjlksjlkjg. nagets niyo? ako hindi. hindi naman dapat iniintindi 'yung babaeng 'yun eh.
nakatingin ako sa labas ng bintana ng jeep ng mapansin ko na may tumabi sa 'kin. as in tabi. eh ang luwang luwang kaya ng jeep sa 'kin pa tumabi 'to. panira ng araw!
“excu--” sasabihin ko sana pero pagkaharap ko, nagulat ako sa kung sino 'yung tumabi sa 'kin.
“good morning Mhie. :)” siya ulit? problema netong g@gong to?
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Ficțiune adolescențibakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...