grabe naman. nakalimutan niya na birthday ko ngayon. meaning, nakalimutan din niya birthday niya! pambihira naman o. ganu'n lang kadali sa kanya 'yun?
teka lang. magpapakilala muna 'ko.
ako nga pala si Jhoiee (Joey) Trice Ocampo. nakuha niyo ba kung bakit Wii? Wii short for Jhoiee. hindi ko alam sa'n nakuha ng parents namin 'yun e. so 'yun. at ang nakakatanda ko namang kambal, ay si Trip Joseff.
o-kay. kwento ko na ang history kung bakit 'di niya maalala.
wala siyang amnesia. sadya lang niyang kinalimutan ang masalimuot na nakaraan.
my family four years ago was very different to my present life.
we were four in the family, Mom, Dad, and us, the twins. si kuya, mommy's boy ako syempre daddy's girl. we were very happy then, idagdag mo pa na magkakaroon kami ng baby brother ni kuya. ang saya-saya namin habang pinagbubuntis ni Mommy si Trick Johann. but when Trick was born, Mom left us. She died. She died after she held Trick.
right there and then, hindi lang si Mommy ang namatay. pati si Kuya. Kuya, until now, blames Trick for our Mom's death. hindi niya kayang makita si Trick kasi naaalala niya si Mommy. so he decided to move away.
every chance i get, pinupuntahan ko si Kuya to check on him only to find out na sinisira na niya buhay niya. he smokes, he drinks, he fights. i dunno kung ano ang pumasok sa utak ng gwapo kong kuya at bakit niya naisip gaguhin ang buhay niya. the only thing i know is, until now, in pain pa rin si Kuya. hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na si Mommy.
o-kay. this would be the last time na pupuntahan ko siya sa condo niya at maabutan siyang nagyoyosi at umiinom. this would be the last time to ask him to change, if not for me, at least for Mom.
i parked the car infront of our house. haha, don't ask how a sixteen year old beautiful gorgeous lady can drive without a license. well i do have, connections of course. need not say, we're born rich. but i live a normal life. oh well, 'yun naman ang gusto ni Daddy e. para cute daw. tama ba 'yun, para cute?
“i'm home!” eh? ba't walang ilaw? naputulan na ba kami ng kuryente?
“Dad? Trick? 'Nay? 'Tay?” waaaah. ba't walang sumasagot?
“HAPPY BIRTHDAY!!!” sigaw nilang lahat
“Babes, Happy Birthday!” –daddy, babes ang tawagan namin
“Dad! ano ba, tinakot niyo 'ko!!” -ako
“Mama, Happy Birthday!” -trick yan
“Happy Birthday Anak!” –‘nay
“Babes, hindi lang ako ang may birthday ngayon.” sabi ko ng seryoso dahil baka nakalimutan nilang birthday din ni Kuya.
“Alam ko babes, pero sinabihan ko naman siyang pumunta eh. Kung sumama siya sa'yo edi sabay sana kayong nasurprise diba? Hayaan mo na si Kuya mo, alam na niya ginagawa niya. Four years na natin siyang hinihintay umuwi, hanggang ngayon naghihintay pa rin tayo e.” -daddy
haaaaay. kelan nga ba uuwi 'yung impaktong 'yun? Ma, pauwiin mo na nga. one time lang ma, magpakita ka sa kanya. haha.
“Ang haba ng speech mo, Babes. Kain na lang tayo.” sagot ko para hindi na maging madrama ang birthday ko ay namin pala. tama na 'yung sakit na pinaramdam ni Kuya kanina.
“Mama, sa'n ka galing?” tanong ni Trick. ako na ang tumayong mama niya, okay lang naman. ang sarap kaya magkaroon ng baby sa bahay!
“Ah eh. Sa ano, Kina ano—” naputol bigla ang sasabihin kong palusot ng biglang may umepal na naman. i was expecting na si Kuya 'yun, mali, 'yung epal pala kanina sa condo ni Kuya.
“Good Evening po.” Sabi nung epal
Oh, hijo, may kailangan ka? Manliligaw ka ba nitong si Babes? -daddy
“Babes!” -ako
“Oh teka, baka boyfriend ka na niya? Ikaw naman babes, ba't mo naman iniwan sa labas ang boyfriend mo? Halika hijo, samahan mo kami, kaen ka na din. Birthday ng mga anak ko ngayon e.” -daddy
“Dad! hindi ko siya kilala!” -ako
“Tignan mo, dineny mo pa.” -daddy
“eh—” –epal na lalaki
“Hin—” -ako
“'Wag niyo ng ikaila, okay lang naman sa 'kin 'yun babes. Hindi naman ako magagalit kung magkaboyfriend ka na. Ganyan din naman ang edad ko nung niligawan ko ang Mommy mo.” -daddy
“per—” –epal na lalaki
“Okay—” - daddy
“Dad! ang kulit mo. Hindi ko siya kilala! Kaibigan lang 'yan ni Kuya.” –pasigaw ko
“Ha?” -daddy
“Sabi ko babes, kaibigan 'yan ni Kuya. pero hindi ko siya kilala, okay.” Sabi ko ng mahinahon
“ay. ako nga po pala si –” sabi nung epal na lalaki
“Dad?” -kuya
---------------------
c trick po yung nasa right side :) hehe cute. yan po yung nakakabatang kapatid nina wii at trip
Anu po masasabi niyo sa update ko? Comment please :)
-mariaxen
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Ficção Adolescentebakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...