sabi nga ni Keen, everyday na niya kong susunduin para sabay kaming papasok sa school. madalas naglalakad lang kami hanggang palabas ng village. ewan ko, nakasanayan na namin ee. madalas pa rin niya kong kulitin, ako naman madalas ko pa din siyang sungitan.
eto, pauwi na kami ngayon sa bahay.
galing kami sa McDonald's dahil McDo day ngayon at ang saya saya kasi nilibre ako ni Keen.napakakuripot kasi ng lalakeng 'to eh. kaya inorder ko lahat ng masasarap kanina AT wala siyang angal. HAHA!
“Pa.” -ako
“oh?” -keen
“sa'n ka ba nakatira talaga?” -ako
“sa katapat na village lang.” -keen
“ahh, kaya pala naglalakad ka lang lagi. wala ka ng wheels?” ayan, medyo bumait bait naman na ko kay Keen.'pag kaming dalawa na lang, matino 'yung mga conversations namin. pero kapag kasama namin 'yung iba, madalas nag-aasaran saka nagbabarahan pa din kami.
“meron pero ayaw ko pang gamitin, nakakatamad magdrive eh.” -keen
“tss, kelan ka ba sumipag? haha.” -ako
“kapal neto, masipag naman ako sa bahay noh. 'di tulad mo, laging nakahiga kaya ka tumataba ee.” -keen
“oy oy! ang seksi ko nga oh. haha. kasama mo sila mama at papa mo sa bahay?” -ako
“minsan lang.” -keen
“bakit minsan lang?” -ako
“madalas silang wala sa bahay dahil sa trabaho eh.” -keen
“ano bang trabaho nila?” tanung ko
“si papa, engineer tapos si mama, architect.” -keen
“ang cute naman, magkasama pa din sila sa work. ikaw lang mag-isa sa bahay kase?” -ako
“oo, kaya nga nagagawa ko lahat ng gusto ko ee.” -keen
“WEH. parang si kuya.” -ako
“hindi noh, si kuya mo andyan ka pa para bawalan siya ee. ako, wala talaga.” -keen
“oh tama na. iiyak ka na oh.” -ako
“kapal mo talaga Ma! 'di ako iyakin ah.” -keen
“HAHA, oo na lang!” -ako
hanggang sa pag-uwi namin sa bahay eh nagkukulitan kami. oo nga pala, feel at home na din siya sa bahay namin. close na nga sila ni Babes at ng Baby ko ee. kaya niya din nasabi na lagi lang daw ako nakahiga sa bahay. eh syempre, buhay prinsesa ako noh. pero hindi naman ako tamad!
“Babes, nagliligawan ba kayo nitong si Parekoy?” muntikan na kong mabilaukan sa tanong ni babes. ano ba 'yan! Parekoy na nga pala ang tawag niya kay Keen, sabi sa inyo close na sila ee.
“hin --” sabi ko
“hindi PA Parekoy.” aba't! anong hindi PA? sinipa ko siya sa paa.
“ARAY!”- keen
“anong pinagsasabi mo dyan? patayin kita eh. 'wag kang maniwala diyan Babes, lakas tama na naman siya.” -ako
haynako Ma, nagjojoke lang naman ako ee. ang highblood mo tumataas na naman! natawa naman kami sa sinabi niya, ang korni talaga ee.
“HAYNAKO kayong dalawa. sige, paniniwalaan ko 'yang sinasabi niyo KUNWARE.” sabay talikod sa 'min. lokong babes, kung ano ano pinag-iisip. TSK.
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Teen Fictionbakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...