OKAY. hindi totoong magiging kami kapag 'di ko siya napatino within a month.
actually, ililibre ko lang siya sa starbucks at magiging close friends as in CLOSE friends na daw kami.
ituring ko daw siyang bestfriend din.
okay naman ang offer, pwede din naman siyang gawing alalay nu'n ee.
“Babes, alis muna ko ah.” -ako
“oh, sa'n ka punta?” -daddy
“kay kambal lang.” -ako
“sama mo si bunso.” daddy
“oks!” -ako
on the way na 'ko papunta sa condo ni kuya nang magtext si Bru na sasama siya.
nako naman, gusto lang makita kambal ko eh!
akala niyo ba kami lang ang iniinis ni Keen sa klase?
syempre, hindi pahuhuli ang kambal ko noh.
“ba't sinama mo pa 'yan?” tanong ni Kuya pero nakatingin kay Trick.
“pinasama ni Babes eh.” -ako
“pa'no 'pag nagdumi 'yan dito?” -kuya
“bakit, malinis ba dito ha?” -honey
“Honeeeeeey! andyan ka pala?” -kuya
“duh.” -honey
“tara dali, nagluto ako, tikman mo kung masarap.” tss, pumorma na. pero ayaw ko talaga si Kuya para sa bespren ko ee. kung katulad siya ni Keen, !@#$ na mabisyo pa. tsk. hindi pwede!
“Mama, andami din tars ni tuya ohh.” tinignan ko 'yung tinuturo ni Trick. He's referring to the toy cars of my dear big brother.
kung ako, hilig ko lang eh volkswagen babies. si Kuya, pati sports car trip niya din.
“pwede ba to maglaro mama?” hindi ko alam kung hahayaan ko siya. Kuya never let anybody touched his things. mas maarte pa 'yun sa 'kin e.
“ask Kuya Trip first, baby.” ayan, para safe. haha! pinuntahan naman niya si kuya sa kitchen na kasama si Bru. ang ingay nila, nilalandi ng kuya ko si Bru! haha. kailangang mapigilan ko siya nako, baka mainlove pa bespren ko dun. hirap na.
alam niyo kasi, si Bespren Bru ko ee mabilis lang mainlove. ewan ko ba sa babaitang 'yan!
but the good thing about her is, kahit na ilang beses siyang masaktan dahil sa love she never stops.
kahit ilang heartbreaks na, hangga't kaya niyang magmahal, magmamahal pa siya.
“Labbs! Bru! Hey Gikks! Ui Shan!” nasa kitchen pala sila lahat.
“Baby!” -ako
“Babyyyyyyyyyyy!” huh? ba't may kasamang yakap 'to? saka ang baby na tinutukoy ko eh 'yung anak ko noh este kapatid pala!
“Mama! tsalap. yumyum!” aba, sarap na sarap ang kapatid ko sa luto ni kuya ah.
“bitaw ka nga! chansing ka ah! di kita anak noh.” -ako
“eh sino ba 'yung baby mo?” -keen
“ayan oh, 'yang batang gwapo sa tabi mo.” -ako
“ano?!” -keen
“ano ka dyan. alangan namang ikaw noh. pwede ba!” -ako
“nako, kunware ka pa. ako naman kasi 'yung baby mo eh.” -keen
“tapon kita dyan ee. Baby, ano ba 'yang kinakain mo?” -ako
“yumyum, Mama!” -trick
“masarap ba Trick? luto ko 'yan!” marunong magluto si Keen? tsk. baka malason ang baby koooooooo.
“hala, iluwa mo baby!” -ako
“ayaw ko nga!” -keen
“hindi ikaw!” -ako
“mama, tsalap ee.” -trick
“sabi sayo ayaw e. hayaan mo na, masarap naman luto ko ee. tikman mo pa baby!” aba't nakatutok na sa 'kin ang kutsara na punong puno ng luto niyang pochero. actually, favorite ko ang pochero eh.
“ahh, Labbs patikim ng luto mo.” -ako
“ayaw ko nga!” -kuya
“bakit?” -ako
“para kay Honey, My Loves, So Sweeeeeeet lang 'yun eh.” aba, kinanta pa talaga 'yung part na Honey, My loves, So Sweeeeeeet eh.
“uy.” -keen
“ang daya mo naman Kuya.” -ako
“uy.” -keen
“Baby, dito ka muna kay Kuya ha.” deadma lang ako kay Keen.
err, ayaw kong subuan niya ko e. saka, ayaw ko din kumaen. haha.
“oh Bru, sa'n ka pupunta?” -honey
“dyan lang.” -ako
“ano ba? nangangawit na 'ko ah!” -keen
“ay sorry.” -ako
“ano?” -keen
“busog pa 'ko ee.” -ako
“gusto mong tikman 'yung kay Trip pero kanina pa ready 'tong hawak ko. tss.” -keen
“alis muna 'ko. Bru, bantayan mo baby ko ah. baboosh!” -ako
actually, gusto ko lang magshopping ngayon. pero hindi shopping ng damit.
alam niyo ba kung ano?
nako, toy cars lang naman! hahaha.
nakakainggit si Kuya ee, maghahanap ako ng mga volks na miniture o kaya toy cars na lang din.
magko-close na dapat ang elevator nang biglang may pumasok na creature.
joke, tao 'yun syempre.
“Baby!” -keen
NR lang habang nakatingin sa kanya.
“sa'n ka pupunta?” aba, may balak pa atang sumama neto.
“dun.” -ako
“sa'n?” -keen
“dyan.” -ako
“sa'n ngaaaaa?” -keen
“doon nga.” -ako
“gulo mo naman kausap ee.” -keen
“haha.” tawa lang, nakakatuwa siyang tignan ee. pati di ko na din siya pinansin, kung ako sa kanya sasama na lang ako basta ee.
“Wii.” -keen
“oh bakit na naman?” -ako
nasa tapat na kami ng kotse ngayon.
loko 'to, sasama nga.
pa'no ako makakapagshopping niyaaaaaan?
eto na naman siya, ang tagal na naman niyang nakatunganga lang sa mukha ko.
nako naman, alam kong maganda ako 'di na kailangan pang titigan ang aking byutipul peys noh.
“err, date tayo?”
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Teen Fictionbakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...