“Kumusta ka na Wii?” -kuya
“Ok lang.” -ako
“Namiss kita.” -kuya
“.........”-ako
“Happy Birthday ulit.” -kuya
“Same to you.”-ako
“Galit ka pa rin?” -kuya
“Hindi.” -ako
“Ba't ganyan ka? ang cold mo.” -kuya
“Ewan? bakit ikaw, ganyan? ang pangit mo.” -ako
“Gwapo ako. :P”-kuya
“Pangit, naninigarilyo ka na.” -ako
“Gwapo pa rin.” -kuya
“Hindi, nakikipag-away ka pa lagi sa kung sa'n sa'n.” -ako
“..........”-kuya
“Tapos, tignan mo nga itsura mo. mukha kang gangster.” -ako
“..........”-kuya
tuloy tuloy lang sa pagtetest drive. nasa luob lang naman kami ng village eh. test drive lang naman. maya-maya, nakabalik na din kami sa bahay. wala na sa labas yung mga kaibigan ni Kuya pati mga bespren ko.
pababa na 'ko nung biglang nagsalita si Kuya,
“Andito na 'ko ulit. 'Di na 'ko mawawala. Bumalik na 'ko Wii.” -kuya
hindi ko alam kung ano magiging reaction ko sa sinabi ni kuya, matutuwa ba 'ko kasi bumalik na siya sa 'min o maasar ako dahil ngayon lang siya? haaay. tuloy tuloy naman ako sa bahay. dedma na lang kay kuya. haha.
“andito na kami.” -ako
“Mama!” -trick
“oh, ba't gising ka pa?” -ako
“intay tita ihh.” -trick
“tara na, tulog ka na.” -ako
“tata. nadtutbrat na to mama. hihi.” -trick
“haha, o tige tige. halika na, punta na tayo room. sleep na tayo.” -ako
ayun, pinatulog ko na ang anak ko. haha. andun pa pala 'yung mga epal, nagvivideoke sila nila Daddy kasama 'yung mga bespren ko sa Entertainment room.
“oh, Bru! ikaw naman!” –Honey
“ha? ayaw ko nga noh.” -ako
“sige naaaa, Paps! 'yung favorite natin.” -Gin
“tae ka paps, ang ingay mo. ayaw ko nga.” -ako
“sige na!” aba duet pa ang dalawa ah!
“A.YO.KO.” sigaw ko
“ako na lang! ako na lang!” -keen
“o sige, siya na lang daw oh. hilig talagang umepal.” -ako
“hindi ako epal. hindi lang ako KJ! :P” -keen
at 'yun, kumanta nga siya. hay nako. epal pa rin siya kahit anong gawin niya. umupo na lang ako sa sofa habang pinapanuod ko silang magkatuwaan. nakakatuwa kasi ngayon, mukhang masaya talaga si Daddy. nakita naman niya kong nakatingin sa kanya kaya kinindatan niya 'ko. ang sweet talaga ni Babes. tapos, si Kuya, mukhang crush si bespren Honey ko. nako naman. si Gin Paps naman, sayaw sayaw pa. nakakatuwa sila nung epal na si Keen, nagkasundo ang dalawang epal. haha.
“ayaw mong kumanta?” -ishan
“ayaw ko, sila na lang.” -ako
“bakit? maganda naman boses mo ah.” -gikko
“thanks, pero wala lang. ayaw ko lang.” -ako
“ang kj mo naman!” narinig pala 'ko nung epal.
“paki mo kung kj ako? at least 'di ako epal.” -ako
“at least, may napapasaya ako. :P” -keen
“oh talaga? hindi naman ako nasisiyahan sa ginagawa mo eh.” -ako
“owwwws? tumatawa ka nga kanina eh.” -keen
“hindi man.” -ako
“tumatawa ka. aliw na aliw ka nga eh.” -keen
“nakita mo ba?” -ako
“oo!” -keen
“ahhhhhh, so, tinitignan mo pala 'ko?” -ako
at natigilan siya. ayun, nahuli!
“eh, ba't mo ko tinitignan? crush mo 'ko noh? :P” -ako
“hi-hindi ah!” -keen
“eh ba't nabubulol ka? kinakabahan ka noh? tsk.” -ako
“hindi kita crush! napapatingin lang ako sayo kanina!” -keen
“eh ba't ka sumisigaw? ^.^” -ako
inisnab na lang ako ng epal. hay nako, barado naman pala siya sa 'kin eh! ayun, tuloy lang sila sa ginagawa nila habang ako, nanunuod lang at nakasmile lang. smile lang, hindi laugh. haha. baka ano na namang sabihin nung epal eh. mahirap na.
hanggang sa matapos ang araw, ay, birthday pala namin. so far, nag-enjoy naman ako kahit papano. masaya na din, kasi at least, bumalik na si Kuya. bumalik na si Trip. bumalik na si Kambal ko. 'yun na ang gift niya sa 'kin, ayos na 'ko dun.
“masaya ka ba, babes?” tanong ni dad sabay akbay habang pinapanuod ang mga sasakyan paalis. 'yung isa kay keen, 'yung isa volks ni kuya. ihahatid na ni kuya sila bespren. nako, pumorma na ata siya sa bespren ko. hindi maaari! dapat masabihan si bespren Honey na loko-loko 'yun at hindi naman siya seseryosohin. hahahaha.
bago pumasok sa kanya kanyang kwarto, kiniss ko muna si babes. at saktong nasa tapat na 'ko ng pinto ng kwarto ko, sinagot ko 'yung tanong niya.
“Oo Babes, bumalik na sa Labbs eh.”
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Teen Fictionbakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...