“Ang daya mo naman eh!” -keen
“Hindi ako madaya noh, mahina ka lang talaga.” -ako
ayan, kanina pa niya ko tinatry i-beat sa basketball pero sorry siya. eto fave kong game sa arcade ee.
nagtataka kayo natuloy ang paglalaro namin sa arcado noh?
well, ganun talaga, maganda ako ee.
FLASHBACK.
Lalapitan na sana ni Keen ang mga pangit na gangster pero pinigilan ko siya.
ako ang lumapit, oh ha, tapang ko diba?
“hindi ako basta-basta pinahihiram.” sabay eye-to-eye sa pangit na 'to.
“ah, bayaran ka?” tanong niya with matching smirk pa.
“hindi din.” sagot ko.
“sus, isa ka din naman sa kanila. magkano ka ba?” aba aba. hindi ako papipigil. kaya kong patayin 'tong pangit na 'to ora mismo noh.
“Wii, tama na. 'Wag mo na patulan mga 'yan.” pigil ni Keen sa 'kin. nako, hindi mo 'ko mapipigilan.
“Priceless ako, alam mo ba 'yun?” sabi ko sa gangster na 'to sabay smile sa kanya.
“ee ikaw, alam mo kung ano ka?” tanong ko sa mamang 'to at titig ng matagal. takte, puro yabang lang ang itsura neto ee. like all other rebels, may reason din behind his angst and rebellion.
“ano?” tanong niya pero mukhang nawala na ang kayabangan at curiosity ang nakikita ko sa kanyang pangit na face. actually, hindi naman siya panget eh, kung tutuusin, parang sila Keen lang din.
“worthless. walang kwenta.” sabay hila kay Keen at walk out na.
haha, panalo ako. mukhang natae ang mukha ng gangster ee.
kasi naman, kung ayaw niya sa prangkahan 'wag ako kausapin niya.
END OF FLASHBACK.
“Ma.” -keen
“wala ka pala eh! tsk. daig pa kita, pangit mo maglaro.” haha, yabang ko eh noh? ganun talaga, maganda naman ee.
“Ma, nagugutom na 'ko. Kaen na tayo.” teka nga, sino ba kausap neto at nagsasalita siya mag-isa?
“Sinong kausap mo? andito nanay mo? asan?” tanong ko kay Keen.
“hala, wala ka na naman sa sarili. ikaw kaya kausap ko.” sagot niya na may kasamang hampas sa braso.
“anong ako? nanay mo ba ko? MA ka dyan!” syempre, may kasama ding hampas 'yun.
“ayaw kitang tawaging BABY eh, kasi hindi ka naman mukhang baby.” tignan mo 'tong taong 'to, nangaasar pa!
“ah, so mukha akong nanay? ganon? ha ganon?” sabay hampas ng maraming beses na may kasamang batok at suntok pa. haha. brutal talaga ee. hanggang sa makarating kami sa McDo.
“Ma, anong order mo?” tanong niya sa 'kin habang ako naman eh naghahanap ng vacant seats.
“ha? Cheeseburger na lang tapos pa-change mo 'yung drinks ng monster float.” sagot ko ng seryoso dahil nakaramdam na ko ng gutom.
“ayie! HAHA.” loko 'to, ang lakas tumawa. na-catch niya tuloy attention ng ibang mga tao.
“tinotopak ka na naman. problema mo?” tanong ko nang nakapamaywang pa at nakataas ang isang kilay.
“sumagot ka ee! diba MAMA?” haynako. 'yun lang pala, big deal na sa kanya 'yun? SUS.
“so? ano, gusto mo tawagin din kitang PAPA?” sakyan na ang trip ng epal na 'to.
“ay ay! gusto ko yan. ikaw si Mama, ako si Papa! tapos tapos may Baby na tayo, si Trick! HAHAHA.” ang saya naman netong taong 'to. ang babaw ng kailgayahan oh.
“WHATEVER. um-order ka na nga.” iniwan ko nga. lakas ng topak ee. wala na naman sa sarili, gumagawa ng instant family ang bruho.
haha, asa naman siya noh. kumaen na lang ako ng bongga at deadma na siya.
sabi sa inyo ee, pag nasa harap ako ng pagkain, di mo ko makakausap!
papunta na sana kami sa parking lot ng biglang may humarang sa dinadaanan namin.
eto na naman sila, haynako 'di pa siya na-hurt sa sinabi ko kanina?
tsk tsk.
“sandali lang, 'di pa tayo tapos eh.” pigil nung gangster na sinabihan kong worthless kanina.
“oh talaga, pake ko naman diba?” barado! haha.
“kanina ka pa ah.” aba aba. pumapatol sa byuti ko.
“babae 'yan, papatulan mo? bakla ka ba?” singit ni Keen. hay nako, kala ko naman 'di siya magsasalita.
“tss. humanda kayo.” aba, nagthreat pa. ASA ka pang natakot ako.
“sige lang, always ready naman kami ee. GSP at BSP kami noh. ee ikaw, anong napupulot mo sa school mo, babae?” pang-asar ko sa lalaking to.
“Wii, 'wag mo na patulan 'yan. Worthless nga diba?” ay oo nga pala, galing mo Keen.
“Tara na Keen. excuse me lang mister, hindi ako natatakot sayo, okay? i can actually do what you CAN do.” walk-out uli sa harap nila. nakita kong nagsmirk 'yung isa niyang kasama na para bang hindi naniniwala sa 'kin.
aba, they do not know me. they don't even know my name, skills ko pa kaya? ASA pa sila.
ayun, lakad uli papunta sa kotse. gusto ko ng umuwi, excited na kong i-display 'yung mga toycars na nabili ko.
na-iimagine ko na din 'yung magiging reaction ni Trick sa pasalubong ko sa kanya.
naputol 'yung thoughts ko nang biglang hinawakan ni Keen ang aking precious hand.
btw, siya pala 'yung nagda-drive, siya naman daw kasi talaga dapat ang nagda-drive kasi lalaki siya. PSH.
“Ma.” -keen
“Oh bakit PA?” panindigan na natin ang endearment. haha. kunwari pa ee.
ang hilig niyang mambitin. parang si author lang! haha.
kanina ko pa siya hinihintay magsalita ee.
“next time, pabayaan mo na lang ako. pwede?” pambihira. ano ba naman klaseng tanong 'yan. ay hindi pala siya tanong, UTOS siya. psh.
---------------
welcome mga readers :) yehey! nadami na nagbabasa ng story ko :) keep reading :)
-mariaxen
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Fiksi Remajabakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...