hindi lang dahil sa schoolmate ko na ang apat kaya wala ako sa mood.
kundi, masama na talaga pakiramdam ko umaga pa lang.
maulan pa kasi ee. June pa lang kaya noh.
“Wiiiiiiiiii!” hala, ba't andito na naman 'tong mga to.
pambihira, lagi na lang silang andito sa bahay! si Kuya lang naman ang bumalik ah.
ba't pati 'yung tatlo eh lagi na lang niyang kasama.
ay nako, malamang barkada sila eh, noh?
“bakit?” ang hina ng boses ko, sama talaga ng pakiramdam ko eh.
“oh, napano ka? ba't ang tamlay mo? may sakit ka kambal?” -kuya
“ewan. wala wala. eh ba't kayo? ba't ganyan itsura niyo?” -ako
“ano? gwapo pa rin kami diba? ^.^” -keen
“asa'n ang gwapo? ba't may pasa kayo?” -ako
tinignan ko si Kuya at hindi siya makatingin ng diretso sa 'kin.
i knew it. nakipag-away na naman siya, sila pala.
“nakipag-away na naman kayo? hindi ba kayo nagsasawa?”
hindi sila makasagot. nako, guilty as charged.
bahala sila sa buhay nila, buhay naman nila 'yung sinisira din nila ee.
“bahala nga kayo.” ayun, 'di rin naman sila makasagot kaya iniwan ko na sila.
---------------
ang sarap talaga magplay ng piano 'pag 'di maganda 'yung pakiramdam.
nako naman. namimiss ko tuloy ulit si Mommy.
sana okay lang siya.
“Wii?” -keen
napatingin ako sa pinto ng music room.
aba, si Mr. Epal number 1 nandito.
“ano'ng kailangan mo?” -ako
“wala naman. namiss lang kita.” ay, feeling close talaga 'to. tumabi pa sa 'kin.
“tss.” -ako
“Wii. seryoso, ba't ang tahimik mo?” napatingin ako sa kanya, wondering why he wants to know.
“ano bang meron kung tahimik ako o hindi?” -ako
“wala lang naman.” -keen
“eh ba't kayo, ba't pa kayo nakikipaglaban? pasa lang naman inaabot niyo dun ee.” -ako
aba'y ang loko, nginitian lang ako. umusug pa siya sa 'kin at inangkin ang piano.
“ano'ng gagawin mo?” -ako
“pangingitiin kita.” -keen
“huh?” -ako
tapos tumugtog sya sa piano
“tingin mo sa 'kin, bata?” -ako
“'di ka pa rin magsmile?” -keen
“hindi.” -ako
“pambihira ka naman. eto lang alam kong tugtugin sa piano ee.” -keen
“kasalanan ko ba 'yun? ba't ba kasi kailangan pa 'kong pangitiin?” -ako
“gusto ko lang, masama ba?” -keen
“tss.” -ako
“Wii.” -keen
“ano na naman?” -ako
“smile ka nga.” -keen
syempre hindi ako uto-uto kaya hindi ako nagsmile. ASA pa siya diba?
“alam mo kasi, hindi naman tayo close. bukod sa pangalan, ang alam ko lang sayo eh pinanganak kang epal.” -ako
“correction, GWAPONG epal.” -keen
“tss. 'yun nga, kaya 'wag kang magtaka kung tahimik ako sa'yo o sa inyo. don't get me wrong, pero maghintay ka na lang na masakyan ko din trip mo, pwede?” -ako
“wow.” -keen
“anong wow?” -ako
“ang haba ng sinabi mo eh.” -keen
“hay nako.” -ako
“eto na lang, may proposal ako sa'yo.” -keen
“hindi ako interesado.” -ako
“sige naaaaaaaaaa.” -keen
“ayaw ko. kalokohan lang 'yang nasa isip mo eh.” -ako
“hindi, ano ka ba. pareho naman tayong magbebenefit dito e.” -keen
“tss.” -ako
“ano? payag ka na?” -keen
“teka, ano ba 'yun?” -ako
“deal tayo.” -keen
“ano ngaaaaaa? ang kulit ah. dali mo na, gusto ko na magpahinga ee.” -ako
“eto na eto na.” -keen
“…………”-ako
“pasisiyahin kita.” -keen
“teka, napag-usapan na natin 'yan e.” -ako
ang kulit naman neto.
hindi naman na kasi kailangan ee. ba't ba hindi siya makapaghintay na magsmile na lang ako bigla sa kanya?
hindi naman ako emo para hindi ngumiti noh.
sadyang hindi lang ako basta basta nakikiclose hanggat hindi ko pa kilala talaga.
“teka lang, hindi pa tapos.” -keen
“eh ano?” -ako
“patinuin mo lang ako.” O.o patinuin? titino pa ba 'toooooo?
----------------------
Nagustuhan nyo po ba? Welcome nga pla mga readers :)
-mariaxen
BINABASA MO ANG
The Opposite's Gamble
Teen Fictionbakit nga ba Opposite? kasi baligtad. ee bakit Gamble? kasi may susubukan, may laro, may susugal. ahh, OK. ----------------------------------------- tahimik ako. ako maingay. friendly ako. ako suplada seryoso ako. ako loko loko. tatawa ako. ako wal...