Chapter Two: Happy Birthday

58 2 0
                                    

sino ba 'tong lalaking 'to at umepal pa sa 'min. at ang lakas ng loob sabihin na bagay kami nitong katabi ko na nagngingitngit sa galit. pero agree naman ako sa sinabi niyang, maganda ako! haha. walang bawian, maganda ako. haha!

pero deadma lang kami ng katabi ko sa lalaking umepal na iniluwal ng epal ding pintuan.

“ano? sagutin mo kaya!” -ako

“tumigil ka na nga. ba't ka ba nandito? ha?!” -kuya

“hindi mo alam?” -ako

“magtatanong ba 'ko kung alam ko?” -kuya

“sh1t. nakalimutan mo?” -ako

“ang alin?” -kuya

“ano bang meron miss? monthsary niyo ba? ano ba 'yang kelangan tandaan ng pare ko?” –epal na lalaki

“nakalimutan mo?” inulit ko na lang 'yung tanong at hindi ko pinansin ang epal na lalaki mula sa epal na pintuan.

tae. tae talaga. nakalimutan nga niya. sabagay, ano pa nga bang bago. ako lang naman lagi ang nakakaalala. simula ng -- ay basta. nagbago na nga talaga siya. pati ba naman kung anong meron sa araw na 'to, nakalimutan niya. kung hindi ba naman isa't kalahating engot. lahat na ata ng meron sa amin dati, kinalimutan na niya.

ganu'n na lang 'yun? haaay.

dahil mukhang clueless pa rin ang katabi ko kung anong meron sa araw na 'to. ee nagwalk-out na ang beauty ko. 'di ko na kaya e. ang sakit kaya.

“teka miss, sa'n ka pupunta?” –epal na lalaki

deadma pa rin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

“uy miss ganda! teka lang, ako na lang date mo. hayaan na natin 'tong pare ko.”

pambihira! mga lalaki talaga, basta babae, nakakalimutan ang barkada. haha.

at dahil sa sinabi niya, ee napatigil ako. hindi ako date ng katabi ko kanina. hindi niya ako chick. hindi niya ko girlfriend.

“ano miss? tara?” with matching killer smile at kindat pa 'yan a.

inirapan ko na lang siya at may kinalkal ako sa aking mahiwagang bag. and finally, nakita ko na din. bumalik ako sa kinauupan namin ng lalaking katabi ko kanina. sabay abot ng isang box.

“ano 'to?” -kuya

“buksan mo.” -ako

at binuksan nga niya. ang laman lang naman ng box ee isang susi na may keychain na volkswagen. 

[singit ang author: pasensya na, adik kasi ako sa mga volkswagen e! haha.]

nagulat siya. obvious naman e, nanlaki kaya mata niya noh. pero mukhang clueless pa din siya e. ghaa. 'di niya pa din naaalala. 

“'di mo pa din maalala?” -ako

“…...” -kuya

“wala ka bang idea kung anong meron sa araw na 'to?” -ako

“ee teka miss, ba't 'di mo na lang kasi sabihin? pambihira. ang daming arte e. anniversary niyo ba? monthsary niyo ba? birthday mo ba, miss?” –epal na lalaki

nanlaki ang mata ng pinagbigyan ko ng kahon na may lamang susi na may keychain na volkswagen sa huling tanong ng lalaking epal. alam niyo ba kung para sa'n yun? para sa kanya. pareho kasi naming paborito ang volkswagen e. ang cute kasing tignan. ang sarap pang sakyan ng ganu'n kotse kahit manual lang, cute pa din!

“naalala mo na?” -ako

“......” -kuya

“'di pa rin?” -ako

“.......” -kuya

“alis na 'ko.” -ako

nakatingin pa din siya sa 'kin. walang kibo. nakatitig lang. i'm expecting him to talk in 3 seconds. 'pag wala, walk out na talaga 'ko.

3.. 2.. 1!

“Wii.” pronounce as "we" as in "tayo".

“ano? naalala mo na ba? alam mo na ba kung bakit binigyan kita niyan?” -ako

“sorry pero hindi ko talaga maalala. ano ba'ng meron ngayon?” -kuya

aray. akala ko naman naalala na niya. akala ko lang naman pala e. 'wag kasing assuming!

“miss, We ba ang pangalan mo? sa'n galing 'yun? ang cute naman.” at umepal na naman ang lalaking epal.

“akala ko naalala mo na. sorry sa abala. sige alis na 'ko.” -ako

“Wii, teka lang..” -kuya

'di ko na siya pinansin at tuloy tuloy na 'ko sa paglalakad.

akala ko hahabulin niya 'ko, akala ko nga eepal na naman 'yung lalaking epal e. pero hindi. nanunuod lang siya. parang wala din pakialam kung aalis ako at babiyahe pauwi ng mag-isa. grabe. ang sakit na talaga.

pero bago ko tuluyan buksan ang epal na pintuan, tumingin ako ulit sa kanya, not noticing na pati 'yung tatlong lalaki ee curious na talaga kung magkaano ano kami ng pare nila.

“btw, HAPPY BIRTHDAY KAMBAL.” Sabi ko, then off i go.

---------------------------

nasa right side nga po pala yung picture ng kambal ni wii :)

Ano po masasabi niyo guys :) hehehe boring po ba :) churry!

-mariaxen

The Opposite's GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon