ILYMAC Book Two//4

305 12 1
                                    

JESSICA'S POV


"Don't talk to him again." Ang tanging sambit ni Daryll habang hila-hila nya ako ngayon to somewhere.

"Why?"

"Coz' I said so." Napakunot naman ang noo ko. So parang inuutusan nya ko? Medyo nakakainit ng ulo.


"Eh paano kung ayoko?" Napatigil sya sa paghila sa akin at humarap sa akin. Nababasa ko naman sa mukha nya na hindi maganda ang vibes nya today. Damang dama ko pa nga. But that doesn't give him the right to order him around.

"Hyoj, please? Just... just listen to me. Ayokong mag-away tayo." Sabi niya, pleading. Nilipat nya ang kamay nya sa balikat ko.



"Eh bakit nga kasi? Masama ba sya? Magkaaway ba kayo?" 

"No... hindi naman sa ganun. Baka lang kasi may balakin sya na kung ano sayo. And I don't want that." Tumingin na sya nang diretso sa mata ko this time at ramdam ko naman ang sincerity sa mga sinabi nya. Napakagat ako sa labi ko at nagisip. Fine.

"Okay, iiwasan ko sya." Nagliwanag naman ang mukha nya sa sinabi ko.



"Really?"

"Really." I smiled when I saw him smile at me. Napatitig ako sa mukha nya at naisip bigla na ilang taon ko ding hindi nakita ang mga ngiti nya. Tanging sa mga videos at pictures lang. Hay grabe, namiss ko ang lalaking to ng sobra. Ang hirap naman kasi mainlove. Haha.

Nagpunta kami sa coffee shop na exclusive for the staff at artists na nasa taas ng building matapos nyang itext sina Venice na maguusap lang daw muna kami sandali. Syempre kailangan ko pa bang ikwento ang reply nila samin? Alam nyo na yun! Haha!




"So, how's life?" Tanong ko sa kanya pagkabigay nya sa akin nung coffee. 

"Still the same. Mas nakakapagod nga lang unlike nung nagc-cosplay tayo. Ikaw?" 



Naalala ko ulit tuloy ung cosplay years ko. Haaay, namiss ko din magcosplay. I started cosplaying just for fun at hindi ko naman expected na yun pala ang magbubukas ng pinto para sa akin sa showbiz. Kahit na nung una hindi ko naman talaga gusto, I fell in love with my job. Kaya kahit papaano napakahalaga sa akin nung mga panahon 'yun. 



At kung hindi siguro dahil sa Cosplay Couple Segment, hindi ko makikilala si Takeru. Kung hindi rin dahil sa Cosplay Couple Channel, hindi ko makikilala si Daryll. Ang Daryll na mahal na mahal ko ngayon. 

Teka nga! Ang cheesy ko na, anubayan! Hahahahaha ano ba 'tong mga sinasabi ko. Kung naririnig to ngayon ni Daryll panigurado sasabihin nun ang senti ko masyado. 



"Well, nakakapag na mabilad sa ilalim ng ilaw at harap ng camera. Haha, mababaliw na yata ako. Jusko." Pabiro kong sabi at nakita ko namang napangiti sya. Natahimik kami sandali. Okay, anong pwedeng pagusapan na topic?

"So...." Pagsisimula ko pero nagsalita si Daryll.



"Are you free tomorrow?" Diretsong tanong nya. Jusko, wala man lang bang liko-liko? Okay corny.

Inisip ko bigla lahat ng schedule ko for tomorrow. "Hmmm... mga bandang five tapos na ung isang shoot ko. Why?"

"Hindi ba ang sabi ko kapag nagkita ulit tayo, we'll have a date?" 

Ah? Kailan 'yun?



"Kakasabi ko lang sayo kagabi." Suot nya ngayon ang pokerface nya para lang maipakita ang nakalimutan-mo-ulit-face. 

Kagabi? "AH! Sa tawag? OMG, sorry nakalimutan ko!" 

"Anyways, I'll pick you up. Saan ang shoot mo bukas?" 

"Teka, seryoso ka?" Grabe ang bilis naman. Bukas agad? 



"Sa tingin mo nagj-joke ako?" Ang sungit talaga ng lalaking 'to kahit kailan. Bakit ba ako nainlove dito? 

"Sabi ko nga. Tss. Nasa Dy Park ako bukas kasi sabi doon nga daw ang shoot."

"Okay, be ready. I'll take you somewhere." Sabi nya saka sya tumayo.

"Saan?" Sumunod naman ako habang papalabas na sya ng coffee shop.



Nilingon nya ko at ngumiti. "It's a surprise, Mrs.Cruz." 

...Shems, huwag ganyan. 

Natameme ako saka sya dumiretso sa paglalakad. Ang bigat nung sinabi nya 'fre. 

Teka lang, nag-stop yata ang utak ko. Oxygen nasaan ka na? SHEEEEMS KINIKILIG AKO ANO BA. DARYLL HUWAG KANG GANYAN SASAPAKIN KITA. SHEEEEEMS. 



Patuloy pa rin ako sa pagpapakalma sa puso ko hanggang sa bumalik kami sa practice room kung saan sinalubong kami nung buong tropa. 

And well, kailangan ko pa bang ikwento ang mga asar na inabot namin? 


(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon