Chapter 03
JESSICA'S POV
Sumapit ang breaktime namin at bigla nalang akong itinakwil nina Mayu at Kaori. Taksil yung dalawang yun eh, ni hindi man lang ako inisip na ilayo mula dito. Ang labas tuloy, parang binubugaw nila ako. Anyways, imagination ko lang naman talaga yun. Hindi yun totoo, pero yung part na hindi nila ako sinasama sa kanila, yun totoo.
Gustong gusto ko na kasi talaga makalayo sa cameras na kaliwa’t kanan ay sinusundan ako. Kulang na nga lang yata ay pati sa CR ay i-film nila ako. Jusmiyo.
Dahil nga iniwan ako nina Mayu at Kaori, no choice ako at napasama ako sa limang ‘to. Nandito kami ngayon sa may cafeteria ng school at para bang isa kaming artista (hindi ba?) na pinapalibutan at pinapanood ng mga estudyante ngayon.
Idagdag niyo na din ang lagpas sa lima na camera na naka-standby samin at palaging binabantayan ang mga galaw namin. Oh diba ang taray lang? Taping na ba ‘to for the movie? Charot!
“Naghanda nga pala ako ng baked cookies para sa lahat.” Naglabas ng isang box na punong puno ng homemade cookies si Venice. Feeling ko naglalaway na naman ako.
OMG, paborito ko kaya ang cookies! Anak ng tofu, gustong gusto ko na tuloy sunggaban yung pagkain kung hindi lang nakakahiya sa harap ng camera at mga estudyante.
Nagsikuhaan na sila ng mga cookies kaya pati ako gumaya din. Siyempre aarte ako na kunwari hindi ako ganun ka-adik sa cookies. Mahirap na, masabihan pa kong matakaw.
Pagkakagat ko dun sa cookies na gawa ni Venice, feeling ko nasa heaven na ko at naririnig ko na ang background music ng mga anghel na kumakanta. Ang sarap! Grabe lang, ang hirap magpigil ng crave!
“Gusto mo pa, Winter?” Biglang sabi ni Rafael kay Winter. (Meika and Akira couple)
Napatingin ako sa kanila pagkatango ni Winter. Kumuha naman si Rafael ng isang cookie at sinubuan si Winter. Narinig ko naman na napatili yung mga estudyante sa loob ng canteen.
Ah grabe lang, lakas maka-PDA! Pero waaah! Kinikilig ako!!! Oh edi sila na sweet! Nakng, ang galing talaga nilang dalawa! Pag-Oscars na eh! Approve na approve!
“May cookie crumbs ka pa sa labi oh, Kriss.” Sabi naman ni Venice kay Kriss. Naglabas naman si Venice ng panyo at pinunasan ang labi ni Kriss. (Saichi and Naoki couple)
Kumuha ako ulit ng isa pang cookie. OMG, grabe na talaga ‘to. Kiligness overload! Lumakas ulit yung tili ng mga estudyante.
Natigilan naman ako sandali. Teka, tapos na yung dalawa, ibigsabihin...
Bago pa ko makalingon kay Daryll ay bigla nalang may humawak ng baba ko at hinarap ako sa kanan kung saan nakaupo si Daryll.
Pero ikinagulat ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko na naging sanhi ng pamumula ko. Bumibilis na naman ang kabog ng dibdib ko at lalo pa itong lumakas nung halos 3 inches nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
Hahalikan niya ba ko? Ay grabe lang, ang assuming ko naman.
CRACK.
Biglang nakarinig ako ng malutong na tunog. Kahit na naco-conscious ako sa tingin ni Daryll sakin, napatingin ako sa baba.
.....Kinagatan niya yung cookies ko! Kumagat siya sa cookies ko habang nasa bibig ko ‘yun! Waaah! Lintek na puso ‘to oh! Gustong gusto na tumalon palabas ng dibdib ko. Lintek lang ‘tong si Daryll, pinapakilig ako!
Pinigilan ko naman ang sarili ko na itulak siya at umatras nalang ako ng konti para maging malayo ang mukha niya mula sakin habang ngumunguya siya.
Lalong lumakas ang tili sa loob ng cafeteria dahil sa ginawa naming tatlong couples. Bakit ba parang ang PBB teens namin?
₰ ♥ ₰
“OMG ‘te, ang haba haba haba haba in a major major way ng hair mo! Makahingi nga kahit isang hibla lang at gagawin kong hair extension.” Pabulong na sabi ni Kaori pagkapasok namin sa comfort room.
At talagang hinila pa nila akong dalawa papasok sa restroom nung napag-isipan ng mga staff na mag-breaktime. Nakahinga naman ako ng maluwag ngayon dahil ang totoo? Magkakahiwalay kaming anim na landas. Well, kaming dalawa lang talaga actually ni Daryll. Nandun kasi siya sa pwesto namin, tahimik na nakikinig ng music.
“Aba mukhang pag-eexperimentuhan niyo pa yata ang buhok ko. Yung totoo, scientist ba kayo o mangkukulam?” Sabi ko habang nagreretouch.
Haggard na haggard kasi ang beauty ko dahil sa stress na nakuha ko kanina. Feeling ko matutunaw na ko sa titig ni Daryll sakin! Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa sinasabi ng teacher. Kapag ako talaga bumagsak ang grades ngayong school year, sasapakin ko talaga siya. Kasalanan niya ‘to eh.
“Jessicaaaaa!” Biglang sigaw ni Venice pagkapasok nito sa CR. Nagulat naman ako sa bigla niyang paglitaw, para naman kasi siyang kabute na biglang susulpot sa pintuan. Narinig ko pa naman na may ghost story din sa loob ng CR na ‘to. “Simula na daw ulit ng filming, tara!” Sabi niya.
Huh? Agad-agad? Hala teka, ano yun, 30 minutes lang ang break ng staff? So ano ‘to, PBB talaga ang drama? Idodocument ang lahat ng mangyayari sa araw na ‘to?
BINABASA MO ANG
(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)
Romance(Completed)(JaDine - Nadine Lustre and James Reid) This ain't your typical cosplayer story, coz' this is a cosplay story with a twist of romance. Enjoy~! ^_^