EPILOGUE
JESSICA’S POV
“Ayan, sino ba kasing nagsabi na i-broadcast mo nationwide ang pag-alis natin? Ikaw ang sisisihin ngayon ng security ng NAIA eh.” Sabi ni Kuya habang nasa loob kami ng kotse. Hindi kasi kami makahanap ng tyempo para makalabas dahil ang daming tao na nakaabang sa labas.
“Pasensya ha, pasensya! Tss.” Sabi ko sa kanya.
Halos fifteen minutes na kami sa loob at buti nalang talaga thirty minutes pa bago ang flight namin. Nauna na ding pumasok si Mamita sa loob dahil inaayos niya lahat ng kailangan ayusin bago umalis.
“Ah, alam ko na!” Biglang sabi ni Kuya na ikinagulat ko. May hinalungkat siya dun sa bag niya na cap at shades tapos iniabot yun sakin. “Anong gagawin ko diyan?”
“Kainin mo. Try mo kung masarap, tss.” Sabi ni Kuya. Inirapan ko lang siya at kinuha yung cap at shades. “Common sense kasi, Jess.” Sabi niya pa. Eh kung sipain ko kaya ‘to palabas? Itutulak ko siya mamaya palabas ng eroplano kapag nasa ere na kami eh. Nako.
Sinuot ko nalang yung shades at cap at dahan-dahan kaming lumabas ng kotse. Pahirapan naman kaming makapasok sa loob dahil nakipagsiksikan pa talaga kami sa dami ng tao. Pero buti nalang talaga at nakapasok ako sa loob ng buhay. Hoo!
Fifteen minutes nalang bago kami umalis. Chi-neck ko yung phone ko kung may nag-text ba or tumatawag pero tanging ang text lang mula sa mga kaibigan ko ang natatanggap ko. Talaga bang hindi ko na siya makikita?
Hindi ko na kasi pinapunta dito sina Venice pati na rin sina Kaori, Mayu at Justin. Alam kong busy din sila at mahihirapan silang makapasok dito sa loob katulad ko. Hindi naman ako mapakali dito sa kinauupuan ko habang hinihintay kahit isang message man lang mula sa kanya.
“Huy Jessica, tama na yan. Tara na, sasakay na tayo.” Tawag ni Kuya saka siya nagsimula maglakad. Nagaalinlangan naman akong tumayo at umalis kaya di-nial ko muna ang number ni Daryll habang naglalakad ako papunta sa gates.
“Sagutin mo na please.” Bulong ko sa sarili ko habang nagri-ring yung phone niya. Tatlong beses ko na siyang sinusubukan tawagan pero hindi niya ito sinasagot hanggang sa hindi ko namamalayan, nasa tapat na pala ako ng hagdan ng eroplano. Nakaramdam naman ako ng lungkot saka ako lumingon sa likod bago ako umakyat papasok.
Nagsisimula na naman mangilid ang luha ko pagpasok ko sa loob at hinanap ang upuan ko. Nasa may tabi ako ng bintana habang si Kuya at Mamita ay nakaupo sa harapan ko.
Ang daming bagay ang naglalaro ngayon sa utak ko.
Talaga bang hindi ko na siya makikita?
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magtake-off ang eroplano.
“Excuse me, may nakaupo ba dito?” Tanong nung isang pasahero. Hindi na ko tumingala pa para tingnan kung sino yun habang tinuturo nito ang upuan sa tabi ko. Umiling ako.
“Wala po.” Saka ko binaling ulit ang atensyon ko sa phone ko tapos sa bintana.
“Ma-mimiss kita,...” Bulong ko sa hangin habang nakaharap sa bintana. Naalala ko tuloy lahat ng pinagdaanan ko kasama siya simula nung naging Cosplay Couple kami hanggang sa nakilala ko siya kung sino talaga siya. Marami akong firsts na naranasan na kasama siya.
First time kong maka-encounter ng isang taong napakatipid magsalita na katulad niya. First time ko ding maranasan na may kakagat ng cookies ko habang nasa bibig ko. First time kong mag-alaga ng may sakit. First time ko lang din mag-acting kasama siya. Oh, and my first kiss.
Nagsimula na namang dumaloy ang luha ko habang inaalala lahat ng nangyari na parang kahapon lang.
“Oops, I’m sorry.” Biglang sabi nung katabi ko. Napatingin ako sa may binti ko dahil may nalaglag na kung ano dun. Pagtingin ko, isa itong sobre na parang nakita ko yata noon. “Ah, okay lang, ito o’.” Sabi ko habang kinukuha ko yung sobre na nasa ibabaw ko. Habang inaabot ko sa kanya yun, biglang nahagip ng mga mata ko ang nakasulat sa likod.
From: Aishie
To: Takeru
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang mabasa ko yun. Ito yung nakasulat dun sa likod ng sulat na nilagay ko sa locker ni Daryll kanina eh. Paanong...?
Napatingala ako sa pasaherong nakalaglag nito at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko ang mga luha ko na hindi maubos-ubos at nagsimula na namang maging tambol sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Parang na-yelo ako sa kinauupuan ko habang kinukuha ng pasahero yung sobre na inaabot ko sa kanya.
“Salamat.” Sambit nito saka niya tuluyang kinuha yung sobre mula sa mga kamay ko. Sunod naman nun ay ang pag-angat niya ng suot niyang shades at nginitian ako. Napuno ng pagtataka ang puso ko pero hindi rin mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Akala ko.... akala ko hindi ko na siya makikita.
“Daryll...”
I love you, my Takeru.
I love you too, my Aishie.
***
AUTHOR'S NOTE: HUHUHU don't kill me pleeeeaasseee. Book 2? Uhh... hahaha kung sipagin siguro hahahaha.Super Duper Mega Ultra Thanks sa lahat ng nagbasa~ <3 Till nex time~ :D
BINABASA MO ANG
(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)
Romance(Completed)(JaDine - Nadine Lustre and James Reid) This ain't your typical cosplayer story, coz' this is a cosplay story with a twist of romance. Enjoy~! ^_^