ILYMAC//13

942 46 4
                                    

A/N: Cheongmal mianhe for the delayed updates. T^T Nakakamatay po kasi ang final terms namin. LOL. XD College life is... <//3

***

Chapter 13

JESSICA'S POV

“Okay, get ready.” Sabi nung babae sakin matapos niya ko lagyan ng eyedrops sa mata. Kasi kailangan ‘to para sa kukuhanan naming scene ngayon na may kasamang luha, kaya para masigurado nagpalagay na ko ng eyedrops.

            “1...2...3.... ACTION!”

            Mangiyak-ngiyak kong tinitigan si Daryll. Hinayaan kong malaglag ang luha ko sa pisngi ko saka ako nagsalita, “I’m sorry.”

             Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita at tinitigan ko siya diretso sa mata. “I won’t bother you anymore. Katulad ng gusto mo, hinding hindi na ko ulit magpapakita pa sayo. But will you promise me one thing?”

            “What is it?” Sabi ni Daryll.

            “Please don’t forget about me.” Tuloy-tuloy ng bumagsak ang luha sa mga mata ko. Nadadama ko ang sakit na nararamdaman ng character ko ngayon at sinusubukan kong ilabas ang emosyon na gusto niyang ipahiwatig.

            Hinawakan ko ang kamay ni Daryll at inilapit ito sa sarili ko. “Please,... Before, I thought you’re mind might have forgotten me, pero alam kong ang puso mo, hindi pa ko nakakalimutan. Pero ayoko ng kumapit pa sa pag-asa na yun, kasi natatakot ako na baka pati ang puso mo nakalimutan na din ako. Kaya sana, kahit ang pangalan ko lang ang tandaan mo, just don’t forget about me completely.”

            I cried harder. Binalik ko ang tingin ko sa mga mata niya at pilit na ngumiti. “I love you, Terrence. And I will never stop loving you.” Puno ng sincerity ko yung sinabi. Gamit ang linyang ‘to, alam kong kahit papano, nasabi ko kay Daryll ang tunay kong nararamdaman. Dahil iisa lang ang isinisigaw ng puso’t isip namin ni Cindy.  I love you, Daryll.

            Binitawan ko na ang mga kamay ni Daryll at tumalikod. Dahan-dahan akong naglakad papalayo. “Cut! Very good, now let’s move on to the next scene.”

            Gumaan naman ang pakiramdam ko ng marinig ko yun. Pumasok ako sa tent at magbibihis sana para sa next scene nung may humawak ng kamay ko. Pagkalingon ko kung sino ang may hawak nun, bumilis ang tibok ng puso ko saka ako nagsalita, “Daryll,”

            Hinawakan niya ang pisngi at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ko na naman mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang dahil sa kanya.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon