ILYMAC Book Two//3(1st half)

623 21 2
                                    

Chapter 03

JESSICA'S POV

Medyo maaga ako gumising para tapusin 'yung nail art ko na hindi ko natapos kagabi. Inabot din nang halos 2 hours 'yung magazine interview at thirty minutes for the picture.

"You're former manager called you in awhile ago. She says it's urgent. You have no schedules aside from the interview today so you may go." Sabi ni Lian.




I nodded. Hinatid naman niya ako sa agency.

"Text me if I have to pick you up, okay?"




"Okay." Saka ako pumasok sa loob at dumiretso sa office ni Mana—Miss Keisha. Hindi ko na nga pala manager si Miss Keisha ngayon.  Okay, that still hurts. Bumalik tuloy lahat ng pangyayari bago ako mag-decide umalis sa Cosplay Couples.




"Good morning," I greeted. Pagkakita ko sa loob, nagulat naman akong makita ang ilang pamilyar na tao. Pero bago pa ko makapagsalita ng kahit ano, bigla nalang akong inatake ng yakap ng dalawang babae.




"JESSICAAAAAA!!!!!!!!!!" Bulalas ni Venice at Winter habang mahigpit nalang nila akong yakap.

"Ack... T-teka... wait..." Buti nalang at lumapit Rafael at inawat 'yung dalawang babae.




"Kalma lang girls, papatayin ninyo yata ng maaga si Jessica bago pa siya makausap ni Manager. Nako." Agad naman napabitaw 'yung dalawa sa akin at napahawak ako sa dibdib ko habang hinihabol ang hininga ko.

I mean it. Hindi ko alam na kapag niyakap ka pala talaga ng mahigpit ay mahihirapan kang huminga. Feeling ko nga pati buto ko naipit eh.




"Thanks, Raf." Sabi ko. Napa-peace sign nalang sa akin sina Venice saka nila ako hinila papunta sa sofa at umupo sa tabi nila.

Napansin ko naman si Kriss saka ko na-realize na Cosplay Couples ang kaharap ko ngayon kaya naman awtomatikong napalibot ang tingin ko sa kwarto.





"Hindi makakarating Prince Charming mo kasi busy pa siya sa pagp-prepare ng upcoming single niya." Sabi ni Winter.

Namula naman ako doon dahil mukhang nabasa nila ang nasa isip ko. "... I know."




Siniko naman ako ni Venice. "Hay nako Jess, don't worry. Ikaw pa rin naman ang prinsesa nun kaya huwag kang mag-alala."

Kinurot ko naman siya ng mahina sa binti dahil doon. Nang-aasar eh.





"Yiee! Kilig siya!" Asar nilang dalawa.

"Hindi ah!" Pag-deny ko. Pero patuloy lang sila pang-aasar nung bumukas ulit 'yung pinto.

"Sorry, I'm late." Sabi nung kakarating lang. Napalingon naman ako sa likod kasi nasa likuran ko 'yung pinto. Nanlaki naman ang mata ko nung makilala ko kung sino 'yun.




"Kristopher!" Bulalas ko.

Agad naman akong tiningnan nung apat. "Kilala mo na pala siya, Jess?" Tanong ni Kriss.

"Uh, sort of. Na-meet ko lang siya kahapon kasama 'yung kakambal niyang si Krystal."

"I see."




"Tof! Si Lyza?" Tanong ni Venice kay Kristopher na nakaupo na ngayon sa tabi ni Rafael.


"Called. Family Emergency daw." Tipid nitong sabi.

"Awts, sayang. Wala si baby doll." Malungkot na sabi ni Winter.

Naguluhan naman ako dun sa sinabi niya. "Baby doll?"




"Yeah! Siya ang pinaka-bunso sa ating lahat so as her older sisters, we often go shopping and dress her up!" Sobrang energetic pa ni Winter habang sinasabi 'yon. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako or mawe-weirduhan doon sa sinabi niya. Barbie doll?

Tiningnan ko naman 'yung mga lalaki na nasa kabilang sofa. "They've been all over her since makilala nila si Lyza so we're quite used to it." Sabi ni Kriss.




"We pity her for knowing Winter and Venice." Sabi naman ni Rafael kaya agad siyang binato ng unan nina Winter at Venice.

"Grabe ka, Raf!" Sabi nilang dalawa habang binabato siya ng unan ng sofa. Natawa naman ako. Poor Raf. Haha. Sabi nga nila, don't anger the girls or you'll fall to their wrath.




Naputol naman 'yung pagsasalita nila nung biglang pumasok si Miss Keisha. Agad naman naglapag ng mga folder si Miss Keisha sa table saka namin iyon kinuha isa-isa. Parang nangyari na 'to before ah?

Binasa namin ang laman nun at inintindi ang laman. Wait,... this means...



"Special Album and Concert?" Wika ni Kriss. Tumingin naman kami lahat kay Miss Keisha at pinakinggan siya.

"Since ngayon lang ulit nakabalik si Jess from abroad at madaming nagre-request ng special service from the former and current Cosplay Couples, the board has decided to do these projects."



"Pero Manager, paano po 'yung mga naka-scheduled activities na namin? And hindi rin po matagal mags-stay dito." Sabi ni Venice.

"We also have to do the Special Magazine for CC." Dagdag ni Kristopher.

I agree. Mukhang hindi magiging madali ang activity na 'to for us. Una, mahirap mag-record ng kanta especially shooting the MV. Tapos preparations and practice for the Concert. Tapos may shooting and interviews pa for the CC Magazine.



So deadly schedule na ang peg namin sa mga susunod na mga araw?

"Pero kung kasama pati ang former Cosplay Couple member..." Wika ni Venice habang nakatingin sa akin. Bigla na naman niya akong sinunggaban ng yakap.





"... then AishiTeru is baaaack!!!!"

W-we're back...?

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon