Chapter 14
JESSICA’S POV
.FIRST DAY.
Lumipas na ang isang linggo at nailibing na si Papa katabi ng puntod ni Mama. Isang linggo na din akong hindi pumasok at pinagbigyan naman ako ng staff na hindi muna ako makakasama for one week. Tatapusin ko na din ang shooting bago pa kami umalis ng Pilipinas. Mag-isa ding umaattend ng event si Daryll this past whole week. Madalas naman kapag hindi siya busy, nagpupunta siya dito at dinadamayan kami. Madalas din magpunta yung iba dito.
“You have three days to say goodbye to your friends here in the Philippines.” Sabi ni Mamita. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya habang patuloy kaming nag-aayos ng agahan.
“Yes, Mamita.” Sabi ko. And I know that three days, will be the most awful days that I will face in my entire life.
₰ ♥ ₰
“What’s this?” Sabi ni Manager Keisha habang tinitingnan ang envelope na nasa ibabaw ng table niya.
“Resignation letter? But Jessica,...”
“Alam ko pong hindi pa tapos ang contract but,... kukunin na po kami ng grandparents namin and we need to leave the country three days from now. Tatapusin ko nalang po ang shooting for two days, and I will attend the final event with Daryll.” Sabi ko.
“Then how about the CCC?” Yumuko naman ako nung sabihin ni Manager yun.
“About CCC,... I don’t think I can participate in it anymore.” Sabi ko. I’ll leave,... everyone, everything, including him.
Niyakap naman ako ni Manager Keisha. “I understand,... ako ng bahala kausapin ang board of directors about this.”
“Thank you, Manager. Salamat sa lahat-lahat!”
Nginitian niya naman ako. “Tinuring ko na kayong mga anak ko! Pero Jess, nasabi mo na ba sa kanila ang about sa pag-alis mo?” I stopped. Hindi pa ko handa sabihin sa kanila ang tungkol sa pag-alis ko. Hindi pa ko handang iwan silang lahat.
Three weeks, three weeks ko palang sila nakakasama at sapat na ang tatlong linggong yun para masabing hindi pa ko handang iwan sila. I’m so sorry.
₰ ♥ ₰
“Cindy,” Lumingon ako at umarteng nagulat pagkakita kay Daryll. “T-Terrence? Bakit ka nandito?”
BINABASA MO ANG
(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)
Romance(Completed)(JaDine - Nadine Lustre and James Reid) This ain't your typical cosplayer story, coz' this is a cosplay story with a twist of romance. Enjoy~! ^_^