ILYMAC Book Two//1

1.2K 34 10
                                    

Chapter 01

JESSICA’S POV

“Okay, that’s good!”

“Marvelous!”

“Like a goddess! Now turn around.”

“Okay, we’re done! Good job guys, that's a wrap!”

‘Yan lang naman ang kanina pang sinasabi ng photographer sa ‘kin habang nagp-pose ako sa camera. At infairness, kanina pa ko kating-kati sa suot na ‘to kasi ang daming kung anong abubot ‘yung nakatahi sa damit. Tapos sumasabit pa ‘yung buhok ko doon sa damit kaya nakakaasar.

Agad naman akong nagpalit ng matinong damit pagkatapos ang shoot. Phew, kahit ilang beses ko ng ginagawa ‘to hindi pa rin ako sanay. Biruin mo ‘yun, two years na akong professional model pero parang naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyayari?

Ay! Oo nga pala ano, nakalimutan kong i-kwento sa inyo kung anong nangyari sa akin for the last three years.

Normal pa naman ang buhay nung unang taon ko sa London. May connection pa din ako sa mga kaibigan ko sa Pilipinas lalo na kay Daryll at pati na din sa fans. Hindi naman ako naka-attend nung premiere night nung movie kasi nga nasa London ako at may pasok pa ko nun kinabukasan. At in all fairnesses, hindi nila ako pinalitan as partner ni Takeru. Instead, nagkaroon ng bagong couple at naging solo si Takeru/Daryll.

Ang akala ko nga hindi effective pero lalo pang sumikat si Daryll  dahil nagkaroon siya ng commercials, roles sa dramas at ibang movies pati na rin sa guestings sa talk shows. Kakaiba din ang gwapo niya eh ano? Kasi isa rin siya sa mga top models at fashion icon sa pilipinas. Grabe, bakit parang mas sumikat siya kaysa nung kasama niya ako? So ano ‘yun, dapat ba kong masaktan doon or what? Hays.

Anyways, moving on. So ‘yun nga, habang nags-shopping kami nung isang friend ko sa mall sa London, may lumapit na scout sa amin at inalok akong mag-model sa isang brand. Nung una, akala ko scam lang(Huwag kayo, pinaimbestigahan pa talaga ni Kuya ‘yung scout.) hanggang sa napatunayan naman naming totoo iyon at napapayag nila kaming mag-model ako sa brand na ‘yon.

Actually, hindi talaga ako ‘yung type ng taong kilala ang mga sikat na brand sa buong mundo kaya after nung photoshoot at mai-release ‘yung poster, nagulat nalang ako na biglang naging hot topic kung sino ‘yung nasa poster.(During this time ko lang na-discover na sikat pala ‘yung brand ng clothing line na ‘yon. Told ya’ so.)

Eventually, nakatanggap ulit ako ng mga projects sa ibang brands. Naisip ko naman na hindi bad idea kung ipagpapatuloy ko muna ang trabahong ‘to since akala ko once in a lifetime or hindi naman magtatagal ‘to, tinanggap ko ‘yung ibang projects.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon