ILYMAC//1

3.5K 62 8
                                    

MHISSY: Ang quota para ma-post ko na yung next chapter ng PVP fanfic, 20 COMMENTS at 10 VOTES para sa chapter na ito! ^___^v Pagbigyan ninyo na ko guys. HAHA, xD 

CHAPTER ONE 

JESSICA’S POV

“WHOOO! AISHITERU COUPLE!! WAAHHH!” Sigaw ng mga students habang paakyat kami ng stage ni Takeru. Huminga ako ng malalim. Okay, game!

Matapos ang malagim lagim na katotohanan na nabunot nga ako, wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Aba, malay ko bang mabubunot ako? Eh ‘di sana wala akong responsibilidad ngayon? Naman kasi eh, dapat pala talaga hindi na ko um-attend nung event na yun.

Nakita ko nalang na nilahad ni Takeru ang kamay niya sa harapan ko habang paakyat kami ng stage. Pareho naman kaming naka-cosplay ngayon—siya bilang si Usui Takumi at ako naman bilang si Ayuzawa Misaki.

“May I?” Umarte akong nahihiya at kinuha ko naman ang kamay niya. Yes, we’re acting. Iyan ang trabaho naming Cosplay Couples, we have to act like real couples. Actually, hindi naman talaga namin kilala ang isa’t isa. Para saan pa kung nagka-screen name kami diba?

Nagtilian naman ‘yung ibang students dahil kinikilig siguro sa amin. Yuck, kinikilig? Asus, hindi lang nila alam na hindi ko talaga kilala ‘to eh.

“Thank you.” Sabi ko in my sweetest voice, ‘yung pinaka-sweet talaga. Kailangan umarteng sweet eh, trabaho. Buti nga at may sahod kami dito. Wahaha, mukhang pera ako eh, Joooke!

“You’re always welcome, my dear love Aishie.” Sabi niya sabay haplos ng pisngi ko. Feeling ko namula naman ako sa ginawa niya. Pero at the same time, feeling ko nanlamig ang buong katawan ko nung hinawakan niya ‘yung pisngi ko.

Lalo namang nagtilian ‘yung mga students.

“Kyaah!! Grabe na itooo! Kinikilig na talaga ako!”

“Hoo! I need air!! WAAAAHHHHH!!!”

“Gosh, hihimatayin na ko! Ang gwapo talaga ni Takeru! Ang swerte ni Aishieee!”

“Akin nalang si Aishie pre! ‘Wag mong angkinin Takeru!”

Humarap kami sa audience at kumaway pagka-akyat ng stage. Nagulat naman ako sa sumunod na ginawa ni Takeru.

“Sorry guys but...” Bigla naman niya akong inakbayan at lalong inalapit sa kanya. “... this girl is mine.” At nabingi na naman ako sa lakas ng sigaw ng mga estudyante.

₰ ♥ ₰

Hay sa wakas natapos na din ang event na iyon! Medyo nabingi ako sa sigaw ng mga estudyante eh. Hindi pa rin kasi ako sanay sa malakas nilang tilian. Feeling ko nagvi-vibrate ‘yung eardrums ko sa loob eh.

Nasa likod na kami ng stage ngayon at nag-aayos na ng gamit. Naka-cosplay pa din ako. Siyempre, mamaya nalang ako magpapalit kapag wala na si Takeru.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon