ILYMAC//7

1.5K 52 2
                                    

Chapter 07

JESSICA’S POV

“Please, Jess. Forgive me. I was just... I was just jealous, okay?” Napa-‘waah’ na naman yung mga tao sa gym samantalang nabablanko na ang utak ko ngayon.

            Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at todo na ang pamumula ko. Feeling ko nga ilang elepante ang tumatakbo ngayon sa dibdib ko at sa sobrang bilis ng tibok nung puso ko, parang hihiwalay na sa katawan ko.

            Wala akong masabi sa pinaggagagawa ni Daryll. Naguguluhan at kinikilig ako at the same time. Totoo ba ‘to or acting lang? Yan ang ang tumatakbo sa isipan ko. Paniniwalaan ko ba ang sinasabi niya or hindi? Hanggang sa may sumagi sa isip ko.

            Teka, jealous? N-Nagseselos si Daryll? Saan? Kanino?

            “S-Selos?” Sambit ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sakin ng diretso.

            “Yes, jealous. Kaya ako nagkakaganun nung isang araw, I... I don’t like other guys hanging around you.” Mahina niyang sabi sakin na tanging ako lang ang nakakarinig. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at niyakap ako.

            “I’m really sorry, please don’t be mad.” Bulong nito sakin. Naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko nung niyakap niya ko at ng dumampi yung hininga niya sa pisngi ko. His body is so warm. Isip ko. Ay ang landi! Ba’t ba yun yung iniisip ko ngayon?

            “O-O-Okay.” Nauutal ka pang sabi. Lalo kasing humigpit ang pagkakayakap niya sakin at feeling ko bibigay na din yata ang mga tuhod ko sa lambot. Napakapit ako sa balikat niya kaya parang nakayakap din ako sa kanya. “I forgive you.” Dagdag ko.

            Naghiyawan naman ang mga tao sa gym matapos nun. Pero merong tanong na nagpapagulo sa isipan ko. Haaay, naguguluhan na ko. Am I falling for him?

₰ ♥ ₰

            Napagdesisyunan kong i-open ang mga social networking sites ko pagdating sa bahay. Hindi kasi ako masyadong mahilig mag-online or mag-open ng facebook at twitter ko. Masyado akong busy sa school at schedules ko o kaya naman, busy ako sa kakapanood ng mga anime at pagbabasa ng manga.

            In-open ko muna ang facebook ko. Pagkabukas ko, as always, flood ang notifications, messages at friend requests ko. Simula nung mabulgar ang tunay na identity naming cosplay couples, lagi nalang akong gini-GM nina Kaori at Mayu na ang dami-dami na daw na nagpo-post sa wall ka sa facebook.

            Binuksan ko muna ang friend requests ko at hinanap ang pangalan nina Venice. Ayun! In-add pala nila akong lima?

            Matapos kong i-open ang mga messages at notifications, nagpunta naman ako dun sa Cosplay Couples page naming anim.

            “Waah, ano ‘to? Grabe, ang haggard ko dito!” Bulalas ko sa sarili ko habang tinitingnan ang mga naka-tag na pictures samin sa page na kuha pa galing sa school. Kinuha yata ‘to ng mga estudyante dun at in-upload.

Waaah! Grabe lang, kahit yung picture ko nung nadulas ako nung isang araw nandito din! Huhuhuhu. Nadulas kasi ako sa hagdanan nung isang araw sa pagmamadali ko. Galing kasi akong library tapos hindi ko na namalayan ang oras at mala-late na ko nun sa next subject namin kaya tinakbo ko na ang hagdanan hanggang sa ayun, epic fail na pagdulas ang inabot ko. Akala ko nga walang nakakita, meron pala. Ayan tuloy, pahiya dot com ang drama.

***: Grabe, ang ga-gwapo nina Naoki, Akira at Takeru sa personal! Mas gwapo sila pag hindi nagco-cosplay!*__*

(My thoughts: Weh? Haha, joke. Nadali mo, ‘te!)

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon