ILYMAC//9

1.8K 55 3
                                    

Chapter 09

JESSICA’S POV

            Hindi ako makapag-concentrate ng maayos sa pagbabasa ng lines ko habang inaayos ng stylist yung buhok ko. Hindi ko kasi maiwasang maalala yung nangyari kagabi tuwing napapatingin ako kay Daryll. Lalo kaya akong hindi nakatulog kagabi pagdating sa bahay matapos nangyari yun!

            Waaaah! Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako or matutulala dahil sa nangyari eh.  Nahihiya tuloy akong harapin siya. Paano na ‘to? Magsisimula na kaming mag-shoot mamaya eh!

            Kasalukuyan na kasi kaming nasa location ni Daryll. Magkahiwa-hiwalay kasi kami ng location nina Winter at Rafael at nina Venice at Kriss.

            “Action!” Sigaw nung Director #2 samin. Meron kasing tatlong director sa movie na ‘to kasi magkakaiba ng story ang ipapakita at hectic ang schedule kaya ayun.

            Umarte akong nagbabasa ng libro habang nakaupo sa isa sa mga bench. Bigla namang may nagtakip ng mata ko kaya napangiti ako at hinawakan ang kamay nung taong nagtakip ng mata ko. “Terrence?” Sabi ko.

            Mula sa mata ay lumipat ang kamay nito papunta sa bewang ko at niyakap ako patalikod. Kahit na acting lang ‘to, hindi pa rin nawawala yung pagiging abnormal ng puso ko tuwing yayakapin niya ako at yung parang makukuryente ako tuwing magkakadikit kami.

            “Na-miss ko agad ang maganda kong girlfriend.” Sabi ni Daryll pagkatapos ilapat ang mukha niya sa kaliwang balikat ko. Lumingon naman ako sa kaliwa at pinisil ang pisngi niya na katulad ng nakalagay sa script.

            “Na-miss ko din naman ang mambobola kong boyfriend. Pero nako Terrence, wag mo kong simulan.” Sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at inakbayan ako sa balikat. Nararamdaman ko ang mga titig niya sakin habang sinasabi ko ang linya ko.

            “Sabi nga pala n—”Naputol ang sasabihin ko nung bigla akong halikan ni Daryll sa pisngi na ikinagulat ko. Kasama ba yun sa script?

            Kahit na namumula na ko at kinikilig na ko na parang ewan, nag-isip agad ako ng ad lib na sasabihin ko.

            “Y-yah! Tsansing ka na ha.” Sabi ko sabay hampas sa kanya ng mahina. Tumawa naman si Daryll at niyakap ako.

            “I love you, soon-to-be Mrs. Cindy Denise Gutierrez-Stanford.” Bulong nito sakin pero rinig naman ‘to sa mic na nakakabit samin.

            “And cut! That’s good. Let’s move to the next scene.” Sabi nung director. Humiwalay agad ako kay Terrence saka nagsilapitan ang mga make-up artists at stylists namin para ayusan ulit kami at punasan ang pawis namin.

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon