CHAPTER 13: POOL PARTY

23 1 0
                                    

BRIZZA POV

Ngayon na pala ang pool party at balik naman ako sa pagluluto. Ang tagal ko ding hindi nagluto dahil sa pagiging leader ko sa dance guilt. At syempre nakakamiss yun talaga.

Kanina paglabas ko ng pintuan may nakasulat sa isang sticker note na ' SORRY ' at surely kay Mika yun galing. Pero natawa na lang ako kasi biro ko lang naman yun eh. Yung galit galitan mode. Kaya hindi naman talaga ako galit sa kanya.

Nandito ako ngayon sa may garden katabi ang aso kong si Soshi. Syempre sinama ko na siya dito kasi naging part na rin siya ng buhay ko.

" Soshi nagkakaroon ka rin ba ng problema katulad ko?" Nababaliw na tanong ko sa kanya.

" Kasi ako sobraaaang dami!!" Dagdag ko pa.

" Bakit kaya ang dami kong problema sa buhay noh?"

Kung siguro itong aso nakakapagsalita kanina niya pa ako nabatukan. Ewan ko ba bakit inaalala ko na naman ang mga iyon...

" Pero di nga Soshi, nagkakaproblema din ba kayong mga aso?" Baliw na talaga ako.

" Lahat ng may buhay ay may problema. Di lang halata sa iba dahil magaling silang magtago nito, parang katulad mo magaling magtago ng nararamdaman. " Nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Yohan.

" Ano na naman ba ang ganap mo sa buhay?" Takang tanong ko.

" Ako na ang sasagot sa mga tanong mo kay baby Soshi, kasi hindi ka niya masasagot. Diba baby Soshi?" Baliw din siya, kasi kinausap niya si Soshi.

* ARF! ARF ! *  luh~ sumagot sa kanya.

" HAHAHAHA. Tanda mo pa pala ako baby soshi. " tuwang tuwa na kinakausap ni Yohan si Soshi.

" Hmp! Ang daya naman talaga. Bahala na nga kayong dalawa. " sabay tayo ko.

Kahit kailan talaga ang aso ko hindi loyal at masunurin saakin.

" Hoy payat saan ka pupunta? " Tanong nung tulog. Humarap muna ako sa kanya bago magsalita.

" Pupunta ng Market para sa party mamaya. Hmp!"  And I flip my hair.

" Ay taray!?" Yell.

" Hoy pera nga pala para sa mga bibilhin ko. ?" Tanong ko sa kanya.

" Ay oo nga pala. " sabi niya at kinuha ang wallet niya.

" Here! Magpasama ka na lang kaya kay Yohan ?" Pag alok niya.

" No thanks. Peram na lang ng car. " sabi ko at inilahad ang kamay para hiramin ang susi.

" Ingatan mo yan ah!" Pagpapaalala saakin ni Yell.

" Oo na po. Marunong naman akong magdrive ng kotse eh. " pagkasabi ko nun ay agad na akong lumakad palayo sa garden.

Sana ang party na ito ay maging masaya. Kahit na konti lang kami dahil kami lang magkakaibigan and ang mga boyfie nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakakaantok naman kapag ikaw lang mag-isa ang bumabiyahe. Baka makatulog ako , nagdadrive pa naman ako. Ma open nga ang radio.

~ Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing that I know

When it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel

Passenger On A JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon