SCHOOL THEFT, FINALLY REVEALED.
“TROULBOY” turns “THEFTBOY”.
Ito ang ilan sa mga lumalabas na title sa kahit anong article sa diyaro ng Don Diego’s Academy isinulat man ni Rona Mabini o ng ibang mga writers noong Miyerkules matapos ikumpirma na si Macario ang matagal nang hinahanap na magnanakaw.
Mas madali tuloy itong kumalat sa buong eskuwelahan maski sa ibang mga magulang ng mga estudyanteng di naman nagdodorm sa Don Diego’s. Ang dating pagsikat ni Macario, nawasak. Kung dati ay pinupuri ang kanyang katapangan, ngayon sinisira na ang kanyang dignidad. Naging mainit tuloy ang ulo ni Armand recess time ng araw na ito habang binabasa ang diyaryo. Nasa isang hagdanan sila ngayon ngayon sa 4th floor na walang masyadong dumaraan at di muna kumain sa canteen dahil nabubuwisit sila sa mga taong nagbubulungan sa harapan nila mismo.
“Bu—wisit na balitang yan! Wala nang ibang ginawa kung hindi ipakalandakan sa lahat kung gaano naging magnanakaw si Macario kahit di naman! Buwisit!” sabay tapon ni Armand ng diyaryo.
Tumawa ng malakas si Macario. “HAHAHAHA! Di ko alam kung sino ba talaga ang sinabihang magnanakaw. Ako ba o ikaw? Bakit parang mas buwisit ka pa kesa sa akin?” tumawa pa si Macario. Akala mo walang iniintinding bagay.
“Pe—ro, di ka naman talaga magnanakaw diba?” tanong naman ni Orli kay Macario.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, humahanap lang yan si Mr. Abuyen ng ibabato sa akin... di parin niya siguro matanggap yung ginawa ko sa kanya,” sabi ni Macario na may kasamang pinakapayapang ngiting meron siya.
“Whatever you do, whatever you say, people will find something to say,” dagdag pa niya.
“Di sana mangyayari yan kung nagsalita lang yang si Tommy eh,” sabi ni Armand na may matigas na pagbigkas sa “Tommy.”
Mag-isa nanahimik si Tommy sa hallway di masyadong kalayuan sa pinaglalagyan nila Armand habang nakatingin sa malayo. Nang marinig niya ang pangalan niya, agad siyang napalingon at nagbago bigla ang kanyang mood.
“AH? Sinisisi mo pa sa akin ngayon kung bakit nangyari to?!” galit na tanong ni Tommy.
“OO! Alam mo naman ang totoo diba? Bakit di ka pa nagsalita?!” galit na sagot ni Armand.
“Bakit may sinabi ba akong masama?! Si Mr. Abuyen agad ang nagconclude diba?!” galit pang sabi ni Tommy habang humihigpit na ang kanyang kamao; handa na siyang manuntok. Napatayo si Armand na may buong kumpiyansa. Napatingin naman sa kanya sila Orli, Pierre at Macario.
“Problema mo ba Tommy?! Kung gusto mo, maraming paraan, kung ayaw mo talaga, maraming dahilan! Bakit ba kasi di mo pa sabihin kay Macario lahat ng hinaing mo sa kanya?! Bakit? Takot ka bang malaman ni Macario na nahuli mo sila ni Raisa na nagyayakapan?!”
Namuo ang tensiyon sa dibdib ni Macario at Tommy. Nagkatinginan pa nga sila sa isa’t-isa. Hinawakan naman ni Orli at Pierre ang magkabilang kamay ni Armand nang marinig nila ito. Sa isang napakalambing at maaliwalas na tono, sinabi ni Macario, “Yun ba ang dahilan kung bakit ka galit sa akin?” na may kasama pang ngiti.
Mas lalong humigpit ang kamao ni Tommy. Sa mga oras na ito, gustong-gusto na niyang manuntok sa kahit na sinong makikita niya. Nang di siya makasagot kay Macario, napayuko nalang siya ng kanyang ulo. Ang mainit na si Armand, unti-unti nang huminahon at napatitig kay Tommy na may kasamang curiosity. Ganun rin naman sila Orli at Pierre pagkatapos bitiwan ang mga kamay ni Armand.
Walang nang kung ano-ano’y dinampot agad ni Tommy ang kanyang bag. Sa sobrang pagmamadali, naisuot niya lamang ito sa isa niyang balikat. Tumakbo agad siya pababa ng hallway at iniwan ang mga kaibigan nakatingin sa kanya. Sa pagmamadaling tumakbo ni Tommy, dalawang level ng hagdan bago siya lumapag sa ground level ay bigla siyang natisod. Napatingon siya ng diretsyo habang kinakain ng sahig ang kanyang katawan at nakita niya ang mga taong paakyat na biglang napatingin sa kanya. Nang makilala siya, agad nagsimula ang mga bulung-bulungan sa kanyang paligid, “Diba yan yung kaibigan ni Macario?”, “Kaibigan ng magnanakaw yan” at maski ang nakaraang isyu kung saan siya nadawit ay nasama sa bulungan, “Yan yung baliw na biglang sumigaw sa classroom diba?”. Nadagdagan ang galit ni Tommy sa kanyang mukha. Pinilit niyang tumayo at nang magawa niya ay pinagpatuloy niya ulit tumakbo.
BINABASA MO ANG
Tropa
Teen FictionIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...