Bilis ng tibok ng puso, kaba at takot. Ito ang pangunahing emosyon na nararamdaman ni Tommy ngayon. Sa lakas ng sampal na ito, di niya mawari kung nasira na ba ang pisngi ng kapatid o may nawalang ngipin sa bibig nito. Pero ano man ang sagot, di niya ito maipaliwanag dala narin ng madilim na panahon.
“Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita sa kapatid mo tapos tatraydurin mo lang ako!” sigaw ni Mrs. Acas. Kahit na may pagkadismayado ang tono nito, bakas na bakas naman sa mata niya ang galit at inis kay Henry dahil di ito makapaniwala na tatraydurin siya ng pinakatitiwala niyang anak.
“Akala ko pagkakatiwalaan kita! Bakit mo ako tinraydor ha! Tapos sinigurado mo muna akong tulog para matuloy niyo yang balak niyo! Sino ka ba ha! Sino ka ba ha!” dagdag pa ng ginang habang sinusuntok ang dibdib ni Henry na may kasamang luha.
Madilim man, tanaw parin kahit kaunti ni Tommy ang mukha ng kapatid. Kita nito ang mapulang pisngi ni Henry at ang maluha-luhang mata nito. Kita niya rin na buong loob na sinasalo ng kanyang kuya ang mga malalakas na suntok mula sa magulang.
“Walang kang kuwenta!” paulit-ulit na sermon ni Mrs. Acas.
Patuloy pa ang pananakit ni Mrs. Acas kay Henry hanggang sa unti-unti ng namanhid ang katawan nito sa malalakas na suntok. Ilang saglit pa’y biglang nalipat ang galit ni Mrs. Acas kay Tommy. Gagawin na niya sana ang ginagawa niya kay Henry kanina pero iaangat pa lamang nito ang kamay nito nang biglang hinarangan na siya ni Henry.
“Ma, tama na!” sigaw agad ni Henry.
“Ma, ako ang may kasalanan dito ‘di si Tommy. Ako ang sumaway sa utos niyo. Pinagbigyan ko lang naman siya sa gusto niya dahil naniniwala akong di naman masamang impluwensiya ang mga kaibigan ni Tommy. At kung kailangan mo ng patunay ma, ako na ang magpapatunay sa’yo. Nakilala ko sila ngayon at lahat sila mababait. Ma, walang kasalanan si Tommy at maski ang mga kaibigan niya walang kasalanan,” paliwanag ni Henry.
“HA! At ngayon nasira narin ang utak mo Henry? Naano ka narin ba ng Macario na yan HA?! Kaya mo ba ako sinasagot-sagot dahil narin ba sa Macario na yan?!” galit na sigaw pa ni Mrs. Acas.
“Di ma. Maayos pa pag-iisip ko. Wala ring ginawang masama si Macario sa akin. Alam mo ba ma kung anong problema? Ang problema, akala mo mangyayari rin kay Tommy ang nangyari kay Kevin. Ma, ibahin mo si Tommy sa kanya dahil matino si Tommy! Ako na mismo ang nagsasabi nun ma. At naniniwala akong malayong mangyari sa kanya ang nangyari sa kuya niya,” sabi ni Henry.
Nabigla si Tommy. Nabigla siya dahil bukod sa ngayon niya lang nakita si Henry na pinagtanggol siya ng ganito, ngayon niya lang din narinig ang pangalan na Kevin.
Si Mrs. Acas naman ay dali-daling nagbago ang emosyon nang marinig naman ang pangalang ito. Litong-lito man si Tommy pero nakikita niyang prarang importanteng tao ito sa buhay ng ina.
“WAG NA WAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NI KEVIN DITO DAHIL WALA KANG KARAPATAN!” sabi pa ni Mrs. Acas.
Di naman sumagot si Henry pero bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa kanyang sinabi.
Tumalikod ang kanilang ina, galit, pero umiiyak na umakyat papunta sa kuwarto nito. Nang tuluyan na itong mawala, napatigil naman sa kinatatayuan si Henry at biglang yumuko. Agad nag-alala si Tommy at hinaplos ang likod ng kapatid.
“Kuya,” malungkot nitong tono at imbes na pansinin ni Henry ay bigla rin itong umalis at umakyat. Naiwan si Tommy na gulat na gulat parin sa mga nangyari.
Buong umaga nasa kuwarto si Tommy. Di niya alam kung may nagluto ba ng almusal dahil sa nangyari kagabi o kung kumain man lang ang kanyang kuya o kanyang ina. Buong araw lang siyang nasa kuwarto dahil di niya alam kung anong mukha ang kanyang ihaharap. Dito’y naglaro na lamang siya ng mga laruang binigay sa kanya ni Macario.
BINABASA MO ANG
Tropa
Teen FictionIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...