“Sure ka ba diyan sa sinasabi mo?” tanong ni Pierre kay Tommy mula sa kabilang linya ng telepeno.
“Oo. Ito na nga ako eh. Di ko na ako magkandaugaga sa gagawin ko,” pag-aalala ni Tommy.
“Baka naman dati pa yun?” sabi ni Pierre.
“Sana nga dati pa yun eh pero hindi Pierre. May iba, fresh pa yung sugat, may ibang naghilom na. Pierre, matagal nating di nakita si Macario. Di natin alam kung ano ang mga nangyari sa kanya noon,” pag-aalala pa ni Tommy.
“Teka, teka, maski ako, di na mapakali kung anong gagawin eh. Sige, pupunta ako diyan. Sasama ko asawa ko ng makilala mo narin at magkaroon naman ng babaeng kausap si Nanay Merly. Di mo ba kasama diyan si Raisa?” tanong ni Pierre.
“Di eh. Iniwan ko siya kaninang umaga habang tulog pa. Siguro, maya-maya, pupunta rin yan dito,” sabi ni Tommy.
“O sige, kita nalang tayo mamaya,”
Huminga ng malalim si Tommy pagkatapos niyang ibaba ang kanyang cellphone. Di parin siya mapakali kahit na naibahagi na niya sa lahat ng kaibigan niya ang mga natuklasan niya ngayong araw. Di niya alam kung saan ba galing ang mga sugat sa mga kamay ni Macario. Kahit na puwede niyang tanungin si Aling Merly ay di parin siya sigurado kung gagawin niya ito.
Pumasok ulit sa loob ng kuwarto ni Macario si Tommy. Natanaw niya si Aling Merly na kakagising lang habang nakaupo ulit sa tabi ng anak. Lumapit sa kanya si Tommy at hinaplos ang likod.
“Ayos na po ba kayo Nay?” tanong ni Tommy.
“Ayos lang naman Tommy. Salamat,” malambing na sabi ng ale.
“Uhmmm, Aling Merly...” sabi ni Tommy. Gustong-gusto na niyang tanungin sa puntong ito ang tungkol sa sugat.
“Ano yun Tommy?”
Pinag-isipan muna ni Tommy ang sitwasyon. Inisip niya kung anong gagawin niya sa kung anong malalaman niya. Pinaghahandaan niya rin ang sarili sa kung anong puwedeng mangyari. Ang importante ay malaman niya ang katotohanan, dahil kaibigan niya rin si Macario.
“Nay Merly, puwede po bang magtanong?”
Tinitigan lang siya ng ginang. Halatang naghihintay siya sa sasabihin ni Tommy.
“Uhmmm...”
“May tatanong ka ba Tommy?” tanong ni Aling Merly.
“Wala po, pasensiya na po,” biglang sabi ni Tommy. Mukhang di pa nga niya ata kayang kumuha ng lakas ng loob para itanong sa ginang ang kanina niya pang gustong malaman.
“Ay, gutom po ba kayo? Bibili lang po ako meryenda,” sabi naman ni Tommy.
“Sige lang Tommy, ikaw bahala,” ngiti sa kanya ni Aling Merly.
Bigo si Tommy na malaman ang katotohanan. Siguro nga’y di pa siya handa sa isa na namang sikretong mabubunyag. Pero ang kanyang curiosity ay di mapipigilan. Di man siya handa’y gustong-gusto na malaman ng puso niya ang totoo.
Nagring ang kanyang cellphone. Nag text sila Armand, Orli at Pierre na papunta na raw sila. Pumunta naman si Tommy sa cafeteria para bumili ng pagkain at paglakad niya pabalik ng kuwarto ni Macario ay may nakita siyang lalaking mga edad 22 ang nasa tapat ng information counter. Guwapo ito, matangakad at nakasuot ng Polo at slimfit na pants. Unang beses ay di ito pinansin ni Tommy pero inagaw nito ulit ang atensyon niya nang may di siya inaasahang marinig.
“San po dito si Macario Sandoval?” tanong ng lalaki.
“Saglit lang po sir,” sabi ng nurse. “Uhmmm, room 617 po sa may 6th floor. This way nalang po tayo sir,” sabi ng nurse.
BINABASA MO ANG
Tropa
Teen FictionIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...