Chapter 20 - Ako Ang Salarin

129 8 0
                                    

“Hi Armand!” sabi ng isang babae nang mapadaan ito sa fountain kung saan nakatambay ang buong tropa.

“Hello,” ngiting sagot pabalik ni Armand.

“Wow! Pang labing limang ‘hi’ na sa’yo yan ng mga babaeng dumadaan dito ah,” sabi ni Orli na medyo halata sa boses ang pagkairita at pagkainggit.

“Ano ba kayo? Hayaan niyo na si Armand. Matuwa nalang kayo dahil kasama na ulit natin siya. Baka mamaya...,” pag-aalalang sabi ni Tommy.

“Oy, oy, oy...hindi ah! Di na ako ganun. Wala na akong pakialam sa THE S.W.A.G TEAM na yun’ diba?” sabi ni Armand.

“Saglit nga lang, nasan na naman ba si Macario?” tanong bigla ni Pierre.

Sa dinami-raming minuto nang nilagi nila rito at sa tagal ng kanilang pag-uusap, di ulit nila napansin na biglang nawala si Macario. Di ulit kasi nila maintindihan ang nangyari sa kaibigan dahil mukhang nagbago ito bago pa man mangyari ang isyu sa kanila ni Armand.

Ang hindi alam ng tropa, ang dahilan ng mga pagbabagong ito ay tungkol parin sa nalamang sikreto ni Macario kay Joey; ang sikretong tanging si Macario, si Joey at Tita ni Joey lamang ang nakakaalam. Ang sikreto tungkol sa nanay nitong nagdurusa bilang katulong.

“Tara, punta muna tayo sa library at magreview nalang muna tayo at exam na bukas!” sabi ni Pierre at dali-dali silang nag-impake ng gamit para pumunta sa library.

˜˜˜

“Ok class, please keep your notes for our final exam is about to begin...”

Sa oras na narinig ito ng mga estudyante, dali-dali silang naghagol na ayusin ang kanilang mga nakakalat na gamit, libro, notebook, at kanilang mga reviewers at inilabas ang kanilang mga lapis, ballpen at erasers. Pagkatapos nun, inutusan sila ng guro na ilagay ang mga gamit nila sa labas ng classroom.

Pero di pa nakuntento ang guro. Sinuri niya pa ang kanilang mga bulsa at kanilang mga sapatos kung mayroon silang mga tinatagong kodigo na maari nilang gamitin sa pagkopya.

“Please get one and pass,” sabi na ng guro pagkatapos hatiin at ipamahagi ang mga testpapers sa bawat rows.

Nakaugalian na ng Don Diego’s Academy na pagsama-samahin ang buong batch tuwing may Final Exam. Ibig sabihin, halo-halong section ang magkakasama sa bawat rooms. At bilang halo-halong section nga ang mga ito, napakaimposibleng magsama ang tropa.

Pero hahangaan mo ang tropa sa oras na ito. Wala sa itsura nila lalo na nila Orli, Pierre, at Armand ang pag-aalala. Mukhang kampanteng-kampante silang masasagutan ng maayos ang exam dahil magkakasama silang nagreview kinagabihan nun.

Nang pinatunog na ang bell, sabay-sabay ibinaba ng mga estudyante ang kanilang mga pansulat at nagsimula ng magsagot. Tutal at Filipino ang unang subject sa araw na ito, di masyadong nahirapan ang iba.

Patuloy na umikot ang orasan. Habang pahirap ng pahirap ang tanong, pabilis ng pabilis ang ang takbo ng malaki at maliit na kamay ng oras. Habang mas naguguluhan ang estudyante, mas lalong umiiksi ang tsansang masagutan ito ng buo. Pagkalipas ng isang oras, ay pinalitan na ang testpaper at sumunod na ang math.

Di katulad ng mga kalimitang eskuwelahan, ang exam sa eskuwelahan na ito ay matatapos lamang ng isang araw. Ang walong subjects ay pagkakasyahin sa buong magdamagmag. Kaya’t di imposible di umuwi ng bangag at hilo ang lahat ng mga estudyante.

At pagkatapos ng sobrang nakakapagod na araw, sa wakas ay natapos na ang sobrang nakakapagod at nakakaantok na exam. Hawak-hawak pa nga ni Pierre at Orli ang kani-kanilang mga ulo nang magkita silang lima sa isang abandonadong hagdan sa may fourth floor.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon