Chapter 12 - Tommy's Secret Admirer

194 12 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Here comes Part 2! Sorry, medyo natagalan sa update kasi marami akong ginagawa. Start na ulit kasi ng pasukan at marami na ulit trabaho. Pero, katulad nga ng sinabi ko, ito na ang part 2! Just keep reading at mas lalo pa kayong maiinspire. More Characters to come, more secrets to reveal, and more reasons to understand. Enjoy!

----------------------------------------------------------------------------

Umagang-umaga ay nagising agad si Tommy sa kanyang higaan. Sa tabi niya, malalim pa ang tulog ng kanyang asawa na si Raisa. Nagising si Tommy di lang dahil sa lamig kung hindi pati narin sa pag-aalala at pag-iisip tungkol sa kaibigan niyang si Macario na nakaratay parin sa hospital. Puyat man dahil sa nagbantay sila buong gabi, pinilit parin ni Tommy na tumayo at isuot ang kanyang salamin para makaligo na at makapagbihis narin para bisitahin ulit ang kaibigan. Maingat siyang lumabas ng kuwarto para dumaretso na sa kanyang banyo.

Nang makaligo na at makapagbihis, bumalik ulit si Tommy sa kanilang kuwarto. Tulog na tulog parin si Raisa at mukhang wala ng pag-asang magising pa ng maaga. Gusto sana magpaalam ni Tommy pero imbes, hinalikan niya nalang ang amoy oras na mga pisngi nito at nagbanggit pa ng “I LOVE YOU” bago lumabas ulit para makasakay ng kanyang kotse.

Gabi palang kahapon bago sila makauwi ni Raisa, tumawag na si Tommy sa manager ng kanyang factory na hindi siya makakapasok ngayong araw. Ilalaan niya kasi ang araw na ito para bantayan si Macario dahil gusto niyang siya ang unang makita ng kaibigan sa oras na imulat na nito ulit ang kanyang mga mata. Kaya imbes na kumanan si Tommy papunta sa bakery na lagi niyang pinupuntahan, dinaretso niya nalang ang takbo ng sasakyan niya.

Mahaba ang biyahe mula sa bahay nila Tommy papunta sa hospital. Mahigit isang oras rin ang ginugol niya sa kalsada. Mabuti nalang at walang trapik kung kaya’t makinis ang takbo ng kanyang sasakyan. Pagpasok niya ng hospital, pumunta siya agad sa counter.

“Macario Sandoval,” sabi ni Tommy. Tumango naman ang nurse at hinayaan na si Tommy na magpatuloy sa kuwarto ng kanyang kaibigan.

Pumasok ulit si Tommy sa parehas na kuwarto na pinuntahan nila kahapon matapos nilang matanggap ang kagulat-gulat na balita mula kay Aling Merly tungkol sa kalagayan ni Macario. Doon, naabutan niya nga ito na natutulog sa sofa katabi ng higaan na kinararatayan ng kanyang kaibigan. Mukhang napagod rin ang ginang sa pagbabantay ng kanyang anak. Lumapit naman si Tommy kay Aling Merly para ipaalam rito na nandito siya.

“Nanay Merly,” sabi ni Tommy.

Dahan-dahan namang minulat ni Aling Merly ang kanyang mata ng marinig ang boses ni Tommy. Nagising siya ng makita niya ito. Napaupo siya at nagpunas ng mata bago sumagot sa tawag sa kanya ni Tommy.

“Oh, Tommy... magandang umaga—Anong ginagawa mo dito?” tanong ng ginang.

“Gusto ko lang po sanang bisitahin si Macario,” sabi naman ni Tommy. Napangiti si Aling Merly.

“Suwerte talaga ng anak ko sa inyo,” 

“Uhmmm, gusto niyo po bang magkape muna tayo?” anyaya ni Tommy.

“Ay wag na Tommy. Ayos lang ako... tsaka walang magbabantay kay Macario.” tanggi naman ni Aling Merly.

“Sa tingin ko pong kailangan niyo munang magrelax at maglakad-lakad. Baka po maging pumurok po yung hita niyo niyan... tsaka wala naman po sigurong magnanakaw kay Macario po eh,” biro ni Tommy.

Natawa si Aling Merly sa sinabi ni Tommy. “Ikaw talagang bata ka, mahilig ka talaga magbiro... sige na nga,” 

Sabay silang lumabas ng kuwarto at dumaretso sa cafeteria. Habang naglalakad, nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap sa isa’t-isa. Nagtawanan sila at binalikan nila ang mga bagay na ginagawa nila Tommy at Macario noong nag-aaral palang sila sa Don Diego’s Academy. Di naman makapaniwala si Aling Merly sa mga narinig na sikreto kay Tommy tungkol sa kanyang anak pero naisip niya ring matanda na ito sa ngayon para pagalitan pa.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon