Kinagabihan pagkatapos ng pangyayaring yun ay halos di matigil sa kakaiyak sa higaan si Joey. Mabuti nalang at tulog na tulog na ang isa pa niyang kasama sa kuwarto kaya tanging si Macario lang ang nakakarinig sa kanya. Hirap kasing makatulog sa oras na yun si Macario dahil bukod sa sakit ng mukha niya dahil sa sapak ni Joey ay dahil pati narin sa di matigil niyang awa para sa binata.
Kinaumagahan naman—sabado—ay dali-daling nagising si Macario. Siya ang unang nagising dahil kailangan niya ngayong umalis papunta ulit sa sikretong lugar na madalas na niyang puntahan lagi tuwing weekends. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan, pagkatapos niyang ayusin ang kanyang kama, ay nakita niya agad si Maylin na nakapangsuot ng pang-alis habang naglalakad papunta sa kuwarto nila Tommy. Napansin niyang malungkot ang itsura nito kung kaya’t agad niya itong tinawag.
“Maylin!” sigaw ni Macario sa napakatahimik na hallway. Agad namang lumingon si Maylin at napahinto sa paglalakad. Lumapit naman sa kanya si Macario.
“Kamusta ka na? Iniisip mo parin ba kung ano yung nangyari kahapon?” tanong ni Macario.
“Gusto ko lang sanang humingi ng tawad kay kuya kasi mukhang nasaktan ko siya eh,” malungkot na sagot ni Maylin.
“Ah ganun ba? Kung di ka man niya ulit kausapin, wag kang mag-alala. Alam kong di galit sa’yo ang pinsan mo. Nagtatampo lang siya sa nagawa mo,” sabi naman ni Macario.
“Eh ikaw, di ka ba galit sa akin?” tanong ni Maylin.
“Ah? Bakit naman ako magagalit sa’yo? Di ako galit ah...di rin ako nagtatampo. Naintindihan ko kasi kung bakit mo yun nagawa kaya walang dapat ikagalit doon—aray!” nasaktan si Macario ng ngumiti siya pagkatapos niyang magsalita. Sariwang-sariwa pa kasi sa kanyang mga labi ang sapak ni Joey kahapon.
“Ayos ka lang?” pag-aalala naman ni Maylin.
“Oo, ayos lang ako. Sige, maliligo na ako. Aalis pa ako eh,” sabi naman ni Macario at pumasok na ulit siya ng kanyang kuwarto pagkatapos niyang magpaalam kay Maylin.
Si Tommy naman, agad nagising ng may narinig siyang katok mula sa kanyang kuwarto. Pagkamulat ng mga mata niya, nakita niyang wala na sa kani-kanilang mga higaan sila Hubert at Ferdinand. Tinatamad pa siyang tumayo pero sa wakas ay nabuksan na niya ang pintuan.
“Kuya Tommy,” sabi ni Maylin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong naman ni Tommy.
“Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa’yo kaya ako pumunta dito. Alam kong mali yung ginawa ko kaya ako dapat ang managot. Kaya kuya Tommy, please, patawarin mo na ako,” nagmamakaawang tono ni Maylin. Pero sa pagkakataon na ito, di na sumagot si Tommy.
“Kuya Tommy,” iyak pa ng dalaga pero maski ang pag-iyak niya ay di parin kumuha ng kaunting atensiyon kay Tommy.
Wala ng nagawa ang dalaga. Napansin niya ring masasayang lang ang oras niya kung ipagpapatuloy niya ang pag-iyak at paghingi ng tawad dahil kahit anong gawin niya, di siya pinapansin ni Tommy.
Napagdesisyunan ni Maylin na umalis nalang kahit malungkot ang mukha niya. Pinagmasdan nalang siya ni Tommy kahit na medyo galit pa sa kanyang pinsan.
Nang makaalis na si Maylin, sinara naman ni Tommy ang pintuan ng kanyang kuwarto at dumaretso narin siya papunta ng canteen. Pagdating niya ng fountain, nadatnan niya sa may gate ang naglalakad na si Macario.
“Macario!” sigaw ni Tommy. Pero nabigo siya na kunin ang atensiyon ni Macario dahil nakalabas na ito ng gate ng eskuwelahan at papalayo na ng papalayo...
˜˜˜
“Alam niyo, kahit ano mang mangyari, di na natin kailangang kuwestiyunin kung saang lugar pumupunta si Macario. Alam naman nating wala siyang ginagawang masama diba?” sabi naman ni Armand nang samahan nila si Tommy sa canteen ilang minuto palang ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Tropa
Novela JuvenilIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...