Mahimbing na natutulog si Tommy sa sofang katabi ni Macario. Sa may pintuan naman ay nakatayo si Raisa habang pinagmamasdan ang asawa. Awang-awa siya dahil sa nangyari kanina. Gusto man niyang pagaanin ang loob ni Tommy pero mas minabuti niya nalang na hayaan itong matulog ng mahimbing.
Doon naman ay kakapasok lang ni Aling Merly. May dala siyang dalawang baso na naglalaman ng kape. Agad naman niyang inabot ang isang baso kay Raisa ng makita niya ito. Tumabi siya rito, sabay higop sa kanyang baso at tinitigan rin si Tommy.
“Suwerte mo kay Tommy,” banggit ng ginang.
Hihigop narin sana si Raisa sa kanyang baso nang bigla siyang napalingon sa ginang.
“Ano po?” tanong ni Raisa.
“Ang sabi ko, suwerte mo kay Tommy,” ulit ng ginang na may kaunting tawa.
Para balikan ang puri sa kanya ng ginang ay natawa rin si Raisa. Naghintay siya ng dalawang segundo bago tuluyang humigop ng kape.
Nang may kumpiyansa sa tono, nagsalita si Raisa. “Oo nga po eh—at suwerte niya rin po sa akin.”
“Oo naman no! Ang ganda mo kaya,” papuri pa ni Aling Merly kay Raisa. Nagtawanan naman silang dalawa.
Kakatapos lang tumawa ay bigla nagsalita ulit si Aling Merly. “Yan ang laging sinasabi sa akin ni Macario noon,” ngayon ay nakatingin na siya sa kanyang anak.
Di pa man lubusang nakakabawi sa tawanan nila kanina ay agad napalitan ng seryosong mukha ang itsura ni Raisa. Ito rin ay sa kadahilanang bigla niyang naalala ang masasayang araw kasama ang kaibigan.
“Alam mo, kung naging artista lang kayong dalawa ni Tommy, kung yung lovestory niyo nasa t.v, aba! Sigurado akong si Macario ang magiging number 1 fan niyo!” dagdag pa ng ginang.
Nakatingin parin kay Macario ay biglang natawa si Raisa.
“Akalain mo ba naman buong araw puro pangalan mo at ni Tommy ang binabanggit niya. Kinukuwento niya pa nga kung paano niya kayo sinet-up dati,” sabi ng ginang.
Nang may gulat at pagkamangha ay nagsalita si Raisa.
“Ano po?! Sine-sinet up niya kami ni Tommy?” ng may halong tawa.
“Ha? Di mo ba alam?” tawa naman pabalik ng ginang habang hawak-hawak ang kanyang dibdib gamit ang kaliwang kamay.
“Di po,” tawa pa ni Raisa sabay tingin kay Macario at biglang pumamewang. “Loko-loko talaga,” dagdag pa niya.
“Sinabi mo pa! Eh bata palang yan, hay naku sakit sa ulo!” sambit pa ng ginang sabay higop ng kape.
“Kung puwede nga lang po buhusan ng kape—,”
“Ay! Ako ang unang papayag diyan!” putol naman ng ginang sa sasabihin ni Raisa. Nagtawanan ulit silang dalawa.
Ilang sandali pa, ang masayang tawanan nila ay biglang nagbago nang parehas silang dalawang tumahimik. Ang mga matatamis at masasayang ngiti nila ay napawi at kung ano-ano’y napalitan ito agad ng matinding lungkot at pangungulila.
Lumapit si Aling Merly kay Macario at naiwan naman si Raisa na nakatayo sa pinto habang tinitignan ang ginang. Nilapag naman ni Aling Merly ang kape na hawak niya isang bedside table at naupo sa tabi ng anak.
Nang may lungkot sa mga mata nito at kahit di man siya magsalita na namimiss niya ang kanyang anak, ay hinaplos ni Aling Merly ang buhok ni Macario. Lalabas narin sana ang luha sa mga mata nito nang maramdaman niyang dumampi ang mga kamay ni Raisa sa kanyang balikat.
Nilapag niya rin ng kape sa bedside table at tumabi kay Aling Merly.
Wala nang sumunod na pag-uusap pa sa pagitan nila Raisa at Aling Merly. Kung hindi ang walang humpay nalang na iyak mula sa ginang habang nakayakap kay Raisa.
BINABASA MO ANG
Tropa
Ficção AdolescenteIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...