Hi guys! Gusto ko lang sana magpasalamat sa inyo dahil umabot kayo sa puntong ito. Ibig sabihin, matagumpay niyong natapos ang Tropa.
Isa itong accomplishment para sa akin dahil nakatapos ako ng novel na may kakaibang twist at plot. Masaya ako dahil after 1 year natapos ko rin :)
Ito pala ang mga dapat niyong abangan sa susunod na gagawin ko:
1.) Astra Docere
Synopsis: Ang mundo ay di na ligtas pang tirahan. Kung kaya ang gobyerno ay gumawa ng paraan upang iligtas ang buong sangkatauhan. Ngunit sa isang masamang iglap, nahati sa dalawang grupo ang tao sa mundo; ang mga Maxifadon at Surazal. Ang Maxifadon ay mga mga mayayamang nakatira sa Frequency 087 habang ang mga Surazal ay ang mga mahihirap na nakatira sa underground. Hanggang sa isang araw, nagbago ang tadhana. Isang paligsahan ang ginanap kung saan isang Surazal ang nagkaroon ng pagkakataong mag-aral sa pinakatanyag na eskuwelahan ng mga Maxifadon, ang Astra Docere.
2.) Kuwento ng mga Bulalak, Sulat at Diary
Synopsis: Si Isabel, bata pa lamang ay kilala na sa tapang at boyish nitong ugali. Nang mamatay ang ama niyang sobra niyang ka-close, ay mas lalo pa naging iba ang ugali nito. Ngunit sa laro ng tadhana ay nakilala niya ang isang batang lalaki sa tapat ng kanilang abandonadong bahay na nagpabago ng ugali niya. Hanggang sa isang araw, ay umalis ito na labis niya naman ikinalungkot. Ito rin ay kuwento ni Isabel sa kanyang transformation into Ladyhood.
Bukod pa niyan, gusto ko rin sanang mag subscribe kayo sa aming youtube channel:
THE ANCHOR PROJECT
--> Sooner or later, magpopost kami diyan ng mga short films. So please as early as now, suportahan niyo kami. :)
Twitter: @PNSteban
Facebook: /stevetsaygreat
BINABASA MO ANG
Tropa
Teen FictionIsang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila nang nakasama. Pero sa gitna ng kanilang kasiyahan, isang pangyayari ang di nila inaasahan. Subayb...