Chapter 11 - Cream of the Crop

172 12 0
                                    

Author's Note:

Ito na ang pinakahuling chapter ng Part 1. More to come at down na tayo sa last 20+ chapters ng tropa. Sa part 2, marami na ang secrets na irereveal sa buhay ni Macario. Pinapangako kong maiinspire niya pa kayo lalo na kapag nalaman niyo kung sino nga ba siya at anong sikreto ang tinatago niya sa eskuwelahan, sa mga kaibigan niya at higit sa lahat makikita niyo kung paano niya pa babaguhin ang buhay ng kaibigan niya...

Well, enjoy reading!

---------------------------------------------------------------------------------------

Madilim na madilim na ang langit. Wala na masyadong tao ang tumatambay at naggala sa kalsada. Tanging ang tunog nalang ng mga kalabog ng pusa sa bubong at tahol na ng aso ang iyong maririnig. Maski sasakyan, bihira nalang din.

Ganitong oras na ng gabi umuuwi si Macario kapag weekends. Naglalakad na siya sa sobrang tahimik nang kalsada na masayang-masaya. Di mo malaman kung saan ba talaga siya galing ngayon dahil lagi nalang siyang nakangiti at parang walang iniintinding problema. Maya-maya lang, nasa harap na siya ng gate ng Don Diego’s Academy. Nakatingin sa kanya ngayon ang mga guards na may pagsusupetsa.

“Good evening kuya!” bati ni Macario sa mga guards.

“Good evening—oh, magkano nanakaw natin?” sabi ng isang guard. Nagtawanan naman ang mga kasama niya pati si Macario.

“Kuya talaga oh, galing magbiro… ingat ka. Kapag ako nainis, nanakawan rin kita,” sagot ni Macario. Natahimik naman ang mga guards at hinayaan na siyang pumasok ng eskuwelahan.

“Pakielamero. Di naman estudyante,” bulong ni Macario sa sarili ng masigurong wala na sa earshot ang mga guwardiyang ito.

Inayos ni Macario ang backpack niya sa kanyang likod habang naglalakad papunta sa fountain. Huminto muna siya rito at bigla siyang yumuko. Pinagmasdan niya ang mga isdang nagsisitalunan sa tubig at napangiti ulit.

“Gutom na naman kayo no. Saglit lang, dinalhan ko kayo ng pagkain,” sabi ni Macario sa mga isda na tipong, tao lang ang kanyang kausap.

Tinanggal ni Macario ang kanyang backpack at nilagay sa kanyang harapan. Nilapag niya ito sa pavement sa may fountain at binuksan. May kinuha siya ritong supot ng ice candy na naglalaman ng iba’t-ibang colored pellets. Kinagat niya ang plastic hanggang sa nagkaroon ito ng kaunting butas. Naglagay siya sa palad niya ng mga pellets at sinaboy sa tubig. 

“Alam niyo mga isda, naawa ako sa inyo. Kaming mga tao, nagpapakasarap kumain ng burger, french fries at hotdog tapos kayo—sa butlig butlig na kinakain niyo, masaya na kayo?” 

Nang maubos na ang laman ng plastic, binulsa ito ni Macario. Sinuot niya na ulit ang kanyang bagpack at naglakad na papunta ng dorm building.

Ang dorm building ay walang pinagkaiba sa kalsadang nilakaran ni Macario. Parehas kasi itong tahimik, madilim at walang mga estudyanteng pagala-gala kung saan dahil siguro’y tulog na ang mga ito. Ang pinagkaiba lang nila ngayon, wala kang maririnig na tahol ng aso o kalabog ng pusa sa bubong pero kapag tumingin ka sa pinakadulong hallway, wala ka lang kasiguraduhan kung anong madadatnan mo.

Wala namang takot si Macario kahit siya lang ngayon ang maglakad mag-isa sa hallway. Sumisipol pa nga siya habang nakatago ang kamay niya sa kanyang bulsa. Para lang siyang naglalakad sa isang parke kasama ang babaeng pinakamamahal niya. Maya-maya lang, nakarating narin si Macario sa pintuan ng kanilang kuwarto.

Binuksan niya ang pintuan at nadatnan niya ang sobrang dilim na paligid. Halos wala siyang makita kahit na isa. Di niya rin makita kung tulog na ba sila Tommy o si Armand. Ang bumungad lang sa mata niya ay napakadilim na kuwarto. 

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon