Chapter 30 - Tommy's Motivation

145 9 0
                                    

“Check his vital signs,”

“Yes doc,” sagot naman ng isang nurse.

“Anong nangyayari kay Macario?” sabi naman ni Raisa habang umiiyak sa bisig ni Tommy.

“Wag kang mag-alala hon, everything will be fine,” sagot naman ng asawa niya sa mahinahong tono. Pero ang totoo, kinakabahan narin siya ng husto. Di niya lang pinapahalata upang di rin mag-alala si Raisa.

“Doc, it’s unstable,” sabi pa ng nurse na nagbabantay sa may ECG.

Maya-maya pa, dalawang nurse ulit ang pumasok sa pinto. Isang lalaki at isang babae habang hila-hila ang isang makina ng defibrillator. Nang makita ito ni Tommy, mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mabuti nalang at kinakabahan rin si Raisa kung kaya di niya masyadong halata ito.

Agad namang tinanggal ng doctor ang kumot na nakataklob kay Macario, ngayon kitang-kita na ng mas malinaw ang mga sugat nito sa kamay. Upang magamit naman ang defibrillator, binuksan pa ng doctor ang damit ni Macario sa bandang dibdib at idinikit ang dalawang bakal mula sa makina na hawak niya sa kanyang magkabilang kamay.

“Clear,” at kung may anong tunog ang nanggaling sa makina. Bigla namang tumalbog ng kaunti si Macario sa kanyang hinihigaan.

“Still unstable doc,” sabi parin ng nurse sa tabi ng ECG.

“Clear,” sabi pa ng doctor ng dinikit pa ang defibrillator sa dibdib ni Macario. Ngunit parehas parin ang nangyari. Nanatili paring nakatitig sa kisame ang binata.

“Macario,” iyak pa ni Raisa. Humigpit pa ang yakap sa kanya ni Tommy.

“Ayos lang, Raisa, ayos lang,” pagsisinungaling pa ni Tommy.

Nang umiinit na masyado ang tensyon ay nagsimula ng pagpawisan ang doctor at mga nurse. Nangiginig naman ang buong katawan nila Pierre, Armand at ni Orli habang yakap-yakap at pinapatahan rin sa bandang pintuan si Aling Merly. Di katulad ni Tommy, di nila naitago ang kanilang emosyon. Lumuluha rin sila kasama ang ginang.

“Sorry pero kailangan niyo po munang lumabas,” pakiusap ng nurse. Nainis naman si Raisa ng marinig.

“Lumabas? Eh hindi niyo nga maayos si Macario tapos lalabas ano bang—”

“Lalabas na kami, sorry,” singit naman ni Tommy.

“Tommy, ano ba? Bakit mo ako—”

“Raisa, doctor sila. Mas alam nila ang gagawin kesa sa atin,” mahinahon pang sabi ni Tommy.

“Anong sinasabi mong alam? Kung alam nila edi dapat kanina pa naano si Macario diba?” iyak niya naman. Niyakap nalang siya ng kanyang asawa ng mahigpit.

Si Aling Merly naman na kahit di mapigil ang emosyon ay nagdesisyon nalang munang maupo. Sinamahan naman siya ng tatlo na medyo nakakayanan ng pigilan ang luha.

Ilang saglit pa, sumandal naman ang ginang kay Armand at pinagpatuloy ang kanyang pag-iyak. Nang marinig ito ni Tommy, pinaupo niya muna saglit si Raisa upang lapitan ang ginang. Nang matanaw naman siya ni Aling Merly, mas lalong bumuhos ang luha sa mga mata nito.

“Tommy, anong nangyayari sa anak ko?” tanong ni Aling Merly.

“Wag kayong mag-alala nanay Merly, matibay si Macario. Makakayanan niya yun lahat,” sabi nito.

Mukhang sinusubok ang tibay ni Tommy. Sinusubok rin kung hanggang kailan niya ba kayang magsinungaling para lang mapagaan ang loob nila Raisa at Aling Merly. Kung may choice lang siya, kung puwede lang sana ay gustong-gusto na talaga ni Tommy na umiyak. Pero di ito ang tamang panahon para doon. Kailangan niyang maging matibay dahil siya lang ang pinagkukuhanan ng lakas ng dalawa.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon