chapter 19 : Revelations

153 5 1
                                    

GY's POV

"Sweetheart, mauna ka na dun sa kotse Cr lang ako" sabi ko

"Hindi hihintayin na kita" sabi pa niya

"Hindi, mauna ka na lang sa kotse" 

"Hindi. Mag-c-cr nalang din ako. najejebs ako eh" sabi niya at pumasok agad sa cr.

ano ba yan ! naiihi na talaga ako kanina pa. Oo nga pala malapit na kaming mag 3 years. ehhh. kinikilig talaga ako. oh well. naging maayos naman ang relasyon namin. Biruin niyo hanggang college naging kami. oh well third year college na kami ngayon pero malay niyo dba ? hanggang sa matapos ang college years namin eh magiging kami parin.  ngayon ko nga lang nalaman member pala siya ng dance troop dito sa school.

Si Allen? ayun nagkikita kami hindi nga lang nag-uusap.  

Habang hinihintay ko si Cedric sa labas ng Cr may biglang tumabi sakin.

"A-allen"  actually hindi na ako galit sa kanya. move on na nga ako eh. Thanks to Cedric :)

"Hi Gianna ! " with smile pa yan

"H-hi"  nag smile narin ako. Anubayan! nauutal ako.

"uhmm. pwede ba tayong mag-usap kahit saglit?"

"ha? ok. teka lang papaalam lang ako kay Ced--"

"Huwag na, sandali lang naman tayo mag-uusap. Please?"

ayun pumayag nalang ako. Sandali lang daw naman. Since pagabi na wala na masyadong tao. Umupo kami sa may hagdan.

"Kumusta na?" panimula niya

"Eto, ok naman. ikaw?"

"Ok naman. Are you happy, Gianna?" biglang tanong niya sakin.

"Ano bang klaseng tanong yan ! of course I am happy. Ikaw ba? I'm sure happy --"

"No . I'm not happy but I'm happy for you."

pagtingin ko sa kanya may luha na ang mga mata niya.

"A-allen why are you cr--""

"Diba nagtanong ka sakin noon kung totoo lahat sinabi ni mama ? Gusto mo malaman ang sagot?"

"Allen.." wala akong masabi ! naman oh ! ba't siya umiiyak ?

"Gianna, totoo yun. Habang nandun kami wala akong inisip kundi ikaw. Kung kumusta kana? Ayos ba ang kalagayan mo? kumakain ka ba ng nasa tamang oras? Tinawagan kita pero hindi mo naman sinasagot akala ko may nangyari sayo. Tinawagan ko si Rosella pero ganun din hindi sinasagot. Kaya nagpabook ako ng flight pero hindi pumayag si mommy dahil baka lumalaatbiglang umatake ang sakit ko"

Like A Boss ! *o*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon