"Hoy, Jayden Drew! Give that back! Mapapatay na talaga kitang tae ka!" Hinabol ko siya sa damuhan habang dala dala ang bag niya. This was his favorite thing to do---Getting my bag without me knowing it and afterwards, he let me chase him while I have his bag. Parang mga bata lang diba?
By the way, I'm Aeisha Jewel Alejo. A-YI-SHA. 16 years of age, 4th year highschool at Gateway State College. Pangalawa ako sa dalawang magkapatid.
That's my boy bestfriend, Jayden Drew Garcia. I call him Jayden, Drew, or JD. Pero kapag yang dalawang pangalan na niya, beastmode na ako sa katigasan ng ulo niya. Masyado ng gamit ang salitang 'HEARTROB' diyan kaya habulin na lang ng babae. May pagka-babaero pero he knows his limits. Gwapo naman talaga ýang bestfriend ko, may pagka-chinito na may pagka-Español.
Medyo mayabang at mahangin, pero minsan lang. May mabuting puso rin ýan kahit kalahati. Number 1 siya sa klase namin and I got the number 2 slot. Kayo ganon na lang siguro kadami ang haters ko na gumawa pa ng group sa facebook. Kasiyahan nila yata ýun, hayaan na.
Hanggang tumatakbo ako, dahil sa katangahan ko o yung katangahan nung bato, nadapa ako. KATANGAHAN? Kadalasang sinisisi kapag nasasaktan. Yan yung kadalasang dahilan ng mga umiibig kung bakit patuloy pa rin sila kahit nasasaktan na. Tulad---
"Okay ka lang?" Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Jayden na nakaluhod na din sa damuhan habang tumatawa at hinihingal. Tiningnan ko naman siya ng masama at sinuntok ng mahina. Kitang humuhugot ako e!
"Alam mo, panira ka talaga ng moment ko kahit kelan. Humuhugot ako dito, e!" Tinawanan niya muna ako bago hinila palapit sa kanya at nag-indian sit kami sa damuhan. Inakbayan niya ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya bago ako kinurot sa pisngi.
"Sorry AJ," sagot niya sa akin and he chuckled. Ginantihan ko lang siya ng kurot sa pisngi that made him smile. Ay juice colored, machichismis na naman kami sa kasweetan naming dalawa at machichismis na naman ako ng mga haters ko. "So, by the way, ano na namang pinaghuhugutan mo?" Dagdag pa niya habang nakatingin sa akin.
"Katangahan." poker face kong sagot. Natawa naman siya sa sinagot ko sa kanya. Ano bang nakakatawa 'don?
"What's with stupidity?"
"Yung sinisisi ng mga taong nagmamahal---oh wait, yung dahilan ng mga taong nagmamahal kapag pinapatigil na sila dahil nasasaktan lang naman sila kasi hindi naman sila... h-hindi naman sila yung... mahal." Napasimangot ako sa sinabi ko. Naiisip ko kasi yung mga taong napapanood ko at nababasa. Trying to make the one you truly love happy while sacrificing your own happiness and freedom is the hardest thing to do. So bakit nga ba napunta dito ang habulan namin ng bag?
"Are you one of those?"
"Y-yeah. I mean NO! Teka nga, bakit ba english ka nang english? Grabe ha." Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. Kanina pa english nang english 'to e.
"Eh ano naman? Ikaw kayang magrounded sa South Carolina ng 1 year. Let's see kung hindi ka masanay mag-english."
Nagkibit balikat na lang ako at pinaglaruan ang braso niyang nakaakbay sa akin. Muntik na kasi ýang makabuntis. Hindi, joke lang. Ang hilig kasi niyang makipag-barkada back then. Araw-araw na lang yata yang nasasangkot sa gulo. Si lolo Frank, lolo ni Jayden, na-beast mode sa kanya sa araw-araw na pagpapatawag sa kanya sa school. Yung mom and dad kasi niya eh nasa South Carolina para intindihin ang mga lupain nila doon. So na-beastmode nga si lolo Frank at ipinatapon siya sa SC. I lost contact with him the whole year. Buti na lang, pagbalik niya 3 months ago, nagbago na siya. Hindi na mahilig maki-gulo kasi ako na lang lagi ang pine-peste niyan. The whole 13 years naming magbestfriend, laging sira ang araw ko sa pang-aasar niyan. Simula Nursery kasi, pareho na kami ng school, kung saan nabuo ang bestfriendship namin.
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...