Jeremiah's POV
"My god, Alonzo! I've been waiting for you all night and you were just drinking with your said 'friend'?!" I heard the sound of the broken vase na sa tingin ko ay kagagawan ni mommy.
I took a deep breath as I turned the speaker louder.
"Can you just shut the hell up, woman?! Pagod ako at kagagaling ko lang sa trabaho! Pagpahingahin mo naman ako kahit ngayon lang!" Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Trying to sleep would be nonsense if I can still hear them.
Nagsuot ako ng sando at pinatay ang Music player.
"Another sleepless night," bulong ko at napahinga ng malalim. Hindi ko pa nararansang makatulog ng gabi sa kwarto 'kong 'to. Halos buong gabi na lang kasi simula nang bumalik si Daddy from somewhere, puro na lang sigawan ang naririnig ko mula sa baba.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng kwarto ko. I stayed at the balcony. I can feel the presence of December as the cold air pass. Tumingala ako sa langit at iginala ang mata ko to look for that bright star.
"Hello, lola," napangiti ako. Si lola, siya yung taong laging nasa tabi ko at nag-aalaga sa akin tuwing wala sila mommy. Siya lagi ang kakampi ko, tagapagtanggol, at matalik na kaibigan. She was always the reason why I'm still trying to live with my parents.
Sabi niya kasi sa akin noon, kahit pagbalik-baliktarin ko ang mundo, sila pa rin ang magulang ko. She told me to always understand them dahil masyado lang silang pagod sa trabaho.
Pero dumating ang time na nagsimulang manghina si Lola. Madalas akong mag-absent para mabantayan siya. Pero nagalit siya dahil huwag na huwag ko daw sayangin ang pagkakataon na nakakapag-aral ako.
Many children strive to experience being in school, pero madali ko nang nagagawa 'yon. Hindi ko rin daw dapat sayangin ang perang pinangpaaral sa akin nila mommy. Siya lang lagi ang nagpapayo sa akin at nagtatama. And she always understand mommy and daddy.
Pero kahit anong pagkalinga para kay lola na mula kay mommy at daddy, hindi ko nakita. Kahit anong pag-intindi sa kalagayan niya, hindi ko nasaksihan. Pwes, sinigawan pa nila, sinaktan, at pinadala sa Home for the aged si Lola.
Iyak ako nang iyak n'on. Gusto ko sumama kay Lola but mom pulled me back and locked me in my room for a week.
I was 13 years old that time nang mawalan ako ng tunay na kapamilya. Hindi na ako kumakain, natutulog at nag-aaral. Sinusubukan kong tumakas para puntahan si lola sa Home for the Aged pero hindi ko na kinaya dahil nanghihina na ako.
Sa pagmulat ko ng mata, puti agad ang nakita ko. Nanlalabo ang paningin ko as I roam my eyes around the room. But I was shocked when I saw the hospital bed beside me.
Natigilan ako.
"Lola... L--lola.. LOLAAAAAA!"
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...