Chapter 6

48 0 0
                                    

Aeisha's POV

"6:00 am," basa ko sa oras ng wristwatch ko. Saucemayo, ang aga pa! Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at pinagtuonan ng pansin ang batong kanina ko pa sinisipa.

Pagkatapos noong drama ko kay Jayden, napahiwalay agad ako sa yakap niya n'on. Nag-sorry ako at sinabi kong nadala alng ako sa emosyon ko. Siguro nga, namimiss ko lang talaga that time si Clover kaya parang nasaktan ako.

Napatingin ako d'on sa bato. Sinipa ko iyon ng mahina at gumulong pauna. Pero nang maabutan ko ulit siya, sinipa ko muli.

Para siyang tanga.

Para siyang tangang umaasa na hindi na ulit sisipain, hindi na sasaktan. Kaya bumabalik siya at naghihintay, na darating yung time na pupulutin na siya at pahahalagahan. Patuloy siyang aasa, magpapakatanga, hanggang sa pagsawaan siya at iiwan na lang basta. Pero ang malala, iniwang basag na. But someday, darating yung taong pagtyatyagaan siyang buuin. Pagkatapos, itatago ang bato at pahahalagahan.

Napabuntong hininga ako at napangiti. Pinulot ko iyong bato at mahigpit na hinawakan sa mga kamay ko.

"Huwag kang mananatili kung alam mong nasasaktan ka na."

Parang tanga naman akong kinausap pa 'yung bato. Itinapon ko ito sa malayo at nagsimula nang maglakad patungong school.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bukas na ang gates pero wala pa roon si Manong guard. Pumasok na lamang ako at nagwander-wander sa mga hallway. Tinahak ko ang daan patungong likod ng HighSchool building. Medyo maliwanag na pero malamig pa din. My favorite time in the morning.

"🎵Someday, things will be perfect. It will be worth it all this time. STUCK IN THE MIDDDLEEEE----!!🎵"


"Please be quiet. I'm trying to sleep here."


Napatigil ako sa tangka kong pagbirit sa tapat ng paborito kong puno nang marinig ko iyon. Naningkit ang mga mata ko at napatingin ako sa itaas. Agad akong umakyat sa puno.


Naabutan ko si Jeremiah na nakapamulsa pa habang nasa tapat nang paborito kong pwestuhan.

Nakatitig lang siya sa akin.

"Good morning!" Bati ko sa kanya at ngumiti. Tinanguan lang niya ako at pumikit na. Sungit nito! Pero sa totoo lang, ang gwapo niya lalo 'pag tulog. Ang amo ng mukha niya.

"Okay ka na sana eh. Kaso PMS ka." Natatawa kong bulong nang wala sa katinuan pero napatingin ako bigla kay Jeremiah nang imulat niya ang kanan niyang mata.

"What did you say?"

Nasindak naman ako sa kalamigan niya at ng boses niya. Mabilis akong umiling at ngumiti, "N-nothing. Sabi ko, ang gwapo mo lalo 'pag tul------ "

Agad kong tinakpan ang bibig ko at nanlaki ang mata ko. Ang daldal mo talaga kahit kailan Aeisha! Now you're dead!

Iminulat niyang tuluyan ang mga mata at kumunot ang noo.

"Ah.. eh... a-ano... 'Wag mong intindihin 'yun. Hindi mo naman narinig di'ba? W-wala kang narinig. Minsan kasi, kung ano-anong lumalabas sas bibig ko. Gan'on nga. Ang daldal ko na masyado, sorry, sorry----"

"Stop it already. Don't be so defensive. Thanks by the way."

I was mesmerized when Jeremiah smiled at me for the first time. My jaw dropped literally and I can't even say a word.

FallenWhere stories live. Discover now