Chapter 5

49 2 0
                                    

A/N:

Hi guys! I made some changes sa previous chapter! I changed Jeremiah's playful character to cold character para mas exciting. HAHAHA. At isa pa, baka po nagtataka kayo kung bakit ang bilis magbago ng flow, kasi ayon nga sa sinabi ko, since nursery e magbestfriend na sila. Kamangha nga at elementary e hindi pa nagka-crush si AJ kay JD. So 'yun lang!


Aeisha's POV


"Lahat nang ginawa ko, ano pa bang gusto mong gawin ko?! Pu****ina naman Bash! GANYAN KA BA KATIGAS?! HA?! PARANG AWA MO NA, SUMAGOT KA NAMAN!"


Isinubo ko ng buo ang tatlong popcorn sa bibig ko habang humahagulgol.


"Ano?! Sumagot ka!"

"Poy! POY, TAMA NA!"


Lalong dumami ang mga luha na umaagos pababa mula sa mata ko at patuloy ang paghagulgol ko. Why does he need to be hurt like that? Napasimangot ako at sumasakit lalo ang lalamunan ko.


"Bash..."


He paused.


"Mahal na mahal kita.... at ang sakit sakit na."


Umalis siya sa scene at halos ngumawa na ako sa kinauupuan ko habang pilit na naghahagilap ng popcorn ang mga daliri ko. Para naman akong tanga na 'yung lalagyan na mismo ang kinakagat ko. Nagpapadyak ako sa sofa at iyak pa din ako ng iyak. I've watched this movie almost 55 times already! But I always end up crying so hard.


Biglang pi-nause ni Kevin---este, Kuya Kevin 'yung TV at umupo sa tabi ko. Kinuha niya 'yung mangkok na kagat kagat ko at tiningnan ako sa mata.


"Kuya... Bakit gan'on? Bakit may mga taong nagpapaka-tanga sa isang taong hindi naman sila maha-----ARAY NAMAN!"

Hinimas ko ang batok ko at sinimangutan ko siya. Kaasar. Bigla na lang akong binatukan. Huhugot pa naman sana ako!

"Ka-gabi gabi, nagpapaka-emote ka? Umakyat ka nga doon at matulog na!"

"Hay, naku. Wala nga sila mama kaya nagpupuyat ako kasi Sabado naman bukas, ikaw naman nagpapaka-istrikto sa akin." Huminga ako ng malalim at tumayo na sa sofa. "Palibhasa kasi, laging PMS tapos bitter pa sa lovelife dahil nagayuma! HAHAHAHAHA!" Nagtatakbo ako paakyat sa hagdanan pero dahil tanga nga ako generally involving love, nadapa ULIT ako.


Pero hindi na ako umakyat at naupo na lang ako sa hagdanan. Joke lang na nagayuma si Kuya. Ako lang kasi yata at si Mama ang kinakausap niyang babae. Pero totoong para yang babaeng may dalaw sa kasungitan.

Naglakad siya habang nakahalukipkip paakyat sa baitang na kinauupuan ko. Shunga mo talaga, Aeisha Jewel ALejo. Akala mo naman hinahabol ka talaga. Sa katangahan mo, halos magkandahulog ka na sa hagdanan sa maling akala mo. Maling akala na maari ding ikapahamak niyang puso mo.


"Hi Kuya!" Bati ko sa kanya habang natataranta. Champion sa taekwondo 'yan eh. Baka makita na lang ako nila mama na gutay gutay sa Pasig river.

Umupo siya sa tabi ko kaya niyakap ko naman siya sa braso at nagpaka-paawa effect. "Kuya, sorry naman na! Joke lang 'yun ah. Alam mo namang lagi akong bumabanat ng mga waley na jokes. So, don't take it seriously, 'kay? Sarreh, okay? sarreh."

FallenWhere stories live. Discover now