Aeisha's POV
"THE HELL, MONTEMAYOR! WHY ARE YOU EFFIN' NAKED?!"
Napahalakhak naman si Yexel bago ngumisi.
"Relax, babe. I'm not naked. JUST. HALF. NAKED." Sagot niya bago kumindat. Uminit naman ang pisngi ko bago nag-iwas ng tingin. Jusko! Gan'on pa rin y'on! I'm still an innocent girl with virgin eyes!
"Oh, c'mon! That's not a big deal!" Tumawa siya ng malakas at pinilit ko na lang magpakatatag at tiningnan ko na ulit siya sa video call. Oh God, forgive me that I saw a man's body! Hindi ko po sinasadya!
Hindi naman kasi nagta-topless si kuya dito sa bahay kasi lagi siyang naka-shirt at short or boxer. Subukan lang niyang magtopless, bugbog at sermon ang abot niya kay Mommy pa lang.
"It's a big deal for me! Babae pa rin ako 'no! I'm not like your flirty slutty girls na sanay na sa mga ganyan. Get a shirt Montemayor, sasapakin talaga kita bukas!"
Humalakhak na naman siya at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Okay, okay. I'm gonna get a shirt boss. Ang highblood mo masyado, babe. Hindi pa nga kita nililigawan, parang girlfriend na kita kung umasta. I love that." Kumindat pa siya bago umalis sa kama niya.
Kumunot ang noo ko at napailing na lang pagkatapos. Geez. Someday, iiyak din sa babae ang lalakeng 'to.
"Babe, wanna see me slowly putting on my shirt?" Sigaw niya habang nagpapalit at uminit na naman ang pisngi at ulo ko.
"PWET MO, MONTEMAYOR! TIGIL-TIGILAN MO 'KO! MAGBIHIS KA NA LANG DIYAN!"
Tinawanan niya ako bago sumagot.
"Ang sarap mong pagtripan at inisin Aeisha!" Sigaw niya pabalik kaya napasimangot ako. Akala ko ba, ako manti-trip? Bakit ako napagtripan ngayon?
Bumalik na siya sa pwesto niya at may suot na siya ngayong itim na shirt. Hindi mawala yung nakakaloko niyang ngiti kaya inirapan ko siya.
"Bakit ka napa-video call ng biglaan? Parang hindi naman tayo nagkikita sa school."
"Yeah. But I miss seeing that gorgeous face of yours. Wala rin 'yung mga kapatid ko kaya wala akong mapagtripan."
"Naks. Mangpupuri sabay sabi ng ganyan? Ako pa talagang napili mong pagtripan sa dinami-rami ng mga babae mo, ha?"
Tumawa naman siya ng walang humpay. All the time na tumatawa siya, poker face lang ako sa kanya. Nang huminahon siya, tumingin siya sa akin at bigla na namang natawa.
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...