Chapter 15

24 0 0
                                    


Aeisha's POV

Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at tumakbo papasok ng ospital. Naririnig ko pang tinatawag ako nila kuya pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Nanlalabo na ang paningin ko at basang-basa na rin ng luha ang mukha ko.

Dumiretso ako sa nurse's station at hingal na hingal habang nagsasalita. Narinig ko ang pagtakbo nila Kuya sa likod ko at naramdaman ko namang inaalalayan ako ni Krizelle.

"Aeisha, okay ka lang?" Tanong ni Krizelle at tumango na lamang ako habang kinakalma ang sarili ko. Hinagod niya ang likod ko at pinunasan ng panyo ang basang-basa kong mukha.

Sa sobrang hingal ko ay hindi na halos maintindihan ng nurse ang sinasabi ko kaya si Kuya na ang nagtanong.

"Excuse me miss, dito po ba dinala si Liam Alejo?" Nag-aalala ring tanong ni kuya. Humarap ang nurse sa computer at nag-type bago muling humarap sa amin.

"Room 2648 po. Just take the elevator to the 6th floor then turn right." The nurse answered politely and she looked at me. "Kailangan mo ba ng tubig, iha? Mukhang pagod na pagod ka."

Tiningnan naman ako ni kuya at dumoble ang pag-aalala sa mukha niya.

"Are you alright?" He touched my forehead to check if I am sick before he caressed my cheek. It felt warm and comforting.

"Okay lang po ako, kuya." Kahit ang totoo, halos matumba na ako sa panginginig ng tuhod ko. Nginitian ko lang siya bago ko tiningnan at kinuha ang baso ng tubig na inaabot ng nurse.

The nurse looked at me and stretched her arm to tap my shoulder while smiling warmly.

"Don't worry too much, iha. The man seems okay." Ininom ko ang tubig at nawala ang pagka-disyerto sa lalamuna ko. "Kakalabas lang niya ng ER an hour ago. Calm down, okay?"

Tumango naman ako bago ngumiti. Nagpasalamat na si kuya at pinauna ko na sila ni Krizelle sa paglalakad. Naglakad naman akong mag-isa sa likod nila at tulala.

Ayoko kasing makita nilang umiiyak ako dahil ayokong mag-alala sila. Ayokong madamay pa sila sa kadramahan ko sa buhay. I won't let anyone be dragged by my own mistakes and failures.

"Everything's gonna be okay."

Natigil ako sa paglalakad.

Nag-angat ako ng tingin at nilingon ko ang nurse na ngayo'y nakangiti pa rin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya bago ko siya niyakap na siyang ikinagulat niya.

I silently cried as I closed my eyes.

I felt that I needed those words. Hindi lang para hindi na ako mag-alala kay Daddy kundi para isantabi ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. The nurse tapped my back before I loosened my hug. Pinunasan ko ang mga luha ko bago natawa.

"Sorry po. Nadala lang ako masyado." Umiling naman ang nurse bago natawa rin.

"Okay lang. Naaalala ko rin kasi sa'yo iyong anak ko sa probinsya. Pareho kayong dalaga na at may magandang mukha." Nginitian ko naman siya.

"Salamat po. Huwag po kayong mag-alala, magkikita rin po kayo n'on. May tamang oras naman po para sa lahat ng bagay."

May tamang oras ng paglimot, may tamang oras ng paghilom ng sugat, at may tamang oras ng paglakad palayo.

"Sige po, mauna po muna ako. Babalikan ko po ulit kayo kapag na-check ko na si Daddy."

Tumakbo na ako papuntang elevator at nagmadaling makarating sa ika-anim na floor.

FallenWhere stories live. Discover now