A/N: Nasaan si Jeremiah?
Aeisha's POV
"Sis, sandali, sandali...w-wait huwag ka muna---hindi! Sandali lang!"
Napabuga ako ng hangin at napairap bago humalukipkip. Why do they treat me like I've been in coma for 10 years? This sucks big time.
Pinanood ko si Krizelle habang tinatanggal ang kung ano mang bagay sa daraanan ko mapa-bato o mapa-sanga.
"Jusko naman. Bakit ba pakalat-kalat kayo. Wala ba kayong mga bahay at pamilyang inuuwian, ha? Nakakaperwisyo kayo. You're wasting my time and ener---Aba't sumasagot ka pang sanga ka?"
Kumunot naman ang noo ko kay Krizelle sa hindi kalayuan nang pulutin niya ang isang sanga at sinermonan. Seriously? Ako ba ang nabagok o ang babaeng 'yon?
Napailing na lang ako bago napahalakhak. Baliw talaga ang babaeng 'to.
Sinamantala ko na ang pagkakataong nakatalikod sa akin si Krizelle at naglakad na ako.
"Ayusin mo ha! Hindi ka maganda! Aka---" Bigla siyang lumingon sa akin and I don't know if it's just my instincts, pero natigilan ako bigla sa panlalaki ng mga mata niya. "ANONG GINAGAWA MO?!"
Oh god.
This is the first time na masigawan ako ni Krizelle at unang beses na makita ko siyang nagalit. Gumapang ang kaba at takot sa katawan ko lalo na ng bitawan niya ang sanga at lumapit sa akin.
Naglaro kung saan-saan ang mga mata ko at hindi rin mapakali ang mga kamay ko. Oh shit, malapit na si Miss Minchin---I mean, si Krizelle!
"Hindi ba sinabi ko sa'yong d'on ka lang?" Malamig na boses ni Krizelle ang sumalubong sa akin kaya dahan-dahan akong napalingon sa kanya habang kagat-kagat ang ibabang labi ko.
Parang pakiramdam ko, pinapagalitan ako ni Mommy. Juice colored, maiihi na yata ako sa takot.
Tumingin ako sa mata ni Krizelle pero blangko ang mga ito. Shems, I can't find my words. Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago ako umubo.
"Ano kasi...h-hindi n-na naman kailangan...na...n-na gawin mo pa 'yon---"
"I'M DOING IT FOR YOUR SAKE! Paano kung natisod ka sa isa sa bato o sanga? Tapos tumumba ka, nabagok na naman 'yang ulo mo? Magwala ka na naman at mag-iiyak? Sa tingin mo, kakayanin ko pa ulit na nakatanga lang doon at umiiyak? Kasi hindi ko alam kung paano ka dadamayan sa sakit mong nararamdaman? Kasi hindi ko alam kung paano tatanggalin yung lecheng sakit na 'yan sa'yo? Sa tingin mo, makakayanan ko pang tingnan ka lang habang naghihirap at binabalewala ni Jayden habang ako, walang magawa?"
Sandali akong napanganga at dahan-dahang lumingon kay Krizelle nang marinig ko ang mga hikbi niya. Bumigat na naman ang dibdib ko nang nakita kong umiiyak si Krizelle. Wala akong alam kung anong nangyari pagkatapos kong ma-black out at habang natutulog ako. Wala akong alam.
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...