Aeisha's POV
"Uy, diba si Alejo y'un?"
"Yes girl! 'Yan 'yung malanding laging nakadikit kay Papa Jayden."
"Correct ka diyan, sister! Hahaha!"
"Oo nga eh. Akala mo naman yaya ni Jayden kung makasama kahit saan pumunta---Wait, mukha naman siyang katulong di'ba? Hahaha!"
Alam mo 'yung pag-uusapan ka na lang e masyado pang obvious? Tsk. Patuloy pa din ako sa pagkain nung Strawberry cake. I told you, I have haters.
Nandito kasi ako ngayon sa canteen. Missing in Action si Jayden kaya nagpapaka-loner ako.
Napapalibutan ako ng mga titig at bulungan. Nagbibingi-bingihan ako sa mga pang-iinsulto nila dahil ako lang naman talaga ang nakakaalam ng totoo.
"Aray!" Reklamo ko at napatigil ako sa iniisip ko. May kutsara kasing biglang lumipad papunta sa direksiyon ko at tinamaan ako sa pisngi. I never knew telekinesis was still existing. Pagpalain na lang sana siya ni God kung sino man 'yung bumato.
"Aray! ANO BA?!" Muling sigaw ko dahil tinidor naman ang binatong sunod. Tinamaan ulit ako sa pisngi. Hahayaan ko na lang sana ulit kaso baka plato naman na ang sunod na ibato sa akin.
I stood up and found on the other table the group of "Asosasyon ng Malalanding Tagahanga ng Bestfriend ko". Sa madaling salita, Bitches. They keep looking at me while snickering. NIlapitan ko sila habang naka-crossed arms.
"Anong trip niyo at binabato niyo ako?" I asked them. "Oh, sorry guys. Nakalimutan ko nga palang buhay na buhay pa pala ang mga bitches sa paligid. FYI, bestfriend po ako ng lalakeng patay na patay kayo."
"I wish, I can give slaps to each of you as a reward. But I realized I will just waste my time sa inyo. So y'un lang. At sana, next time, pagkain na lang binabato ninyo at nang kahit papaano, e shoot sa bibig ko. Bye my beloved fans!" I winked at them bago bumalik sa table ko. Kinuha ko na ang gamit pero bago ako umalis ng tuluyan, binato ko ng plastic bottle ýung sinabihan ako ng malandi at mukhang katulong.
I walked down the hallway alone. Hallways have always been like this; Kanya-kanyang mundo. May mga nerds, mga varsity players, cheerleaders, glee club, tambay, mean girls, bullies and bullied, mga manyak, maporma, bitches, at y'ung mga 'why-should-I-care' type.
Napataas ang kilay ko nang makarinig ako ng tilian. Oh, well. Looks like the campus heartrob/my bestfriend, is finally here.
Tama nga ang hula ko nang mabuwag ang linya ng mga babae at iniluwa noon si Jayden na todo ngiti habang may tatlong rosas sa kamay niya.
Nang tuluyan siyang makalapit, niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Hi, Aeisha! Sorry ngayon lang ako. I just picked roses from the garden for a special someone." Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako magkabilang balikat bago tumingin sa mga mata ko. "I already found the girl of my dreams."
Napalunok ako sa sinabi ni Jayden at nararamdaman ko na naman ang mga weird flying things sa tiyan ko. But I chose to change the topic.
"Teka nga, pumitas ka lang ng bulaklak pero halos kalahating oras ka nawala?" Takang tanong ko sa kanya but he just bit his lower lip at bigla-bigla na lang akong niyakap ng sobrang higpit.
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...