Chapter 16

32 0 0
                                    

Aeisha's POV

I kissed dad on his forehead and pulled his blanket up to his arms.

"Take a rest dad," sabi ni kuya. 

Ngumiti si dad at tumango, "Yes, captain," and he playfully saluted at kuya. Tumawa kaming tatlo bago ko inayos ang unan ni dad.

"We'll stay here for the night. Umuwi po muna si mom. Matulog po muna kayo." Ngumiti ako at hinawakan ni dad ang balikat naming dalawa ni kuya as he mouthed 'thank you' before closing his eyes.

Tiningnan ako ni kuya at tumano bago siya umupo sa sofa sa tabi ni Krizelle. Sumunod naman ako at tahimik na umupo sa kabilang tabi ni Krizelle.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng hiya dahil sa nangyari kanina. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya at maging kay Krizelle. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari simula sa naging pag-uusap namin ni Jayden.

"Aeisha," Narinig kong tawag sa akin ni krizelle kaya napatingin ako sa kanya. "Aalis muna ako, bibili lang ako ng pagkain. Nasa labas pala yung tatlo. And if ever you need me, text mo lang ako."

"Salamat." I smiled and Krizelle stood up. Ngumiti siya kay kuya bago siya lumabas ng pintuan.

Okay. So she left to give me and kuya space to talk. 

Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin at mahigpit na isinara ang mga labi ko. Hindi ko alam kung paano sisimulang kausapin si kuya o kahit kung paano ko sasagutin ang mga tanong niya. 

Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang maka-ilang beses na pagbuntong hininga ni kuya at pagtingin sa akin na parang may gustong sabihin. Huminga ako ng malalim bago muling pumikit.

Bahala na. Kakausapin ko lang naman si kuya at ipapaliwanag kung bakit ko 'yon ginawa. Pero bakit kailangan ko ba kasing magpaliwanag? Hindi naman siguro big deal kay kuya 'yon diba?

Muli akong nagmulat at huminga ng malalim para sa huling beses.

"God, ikaw na pong bahala sa akin," bulong ko bago humarap kay kuya.

Sakto rin namang humarap sa akin si Kuya Kevin at nagkagulatan kami nang sabay rin kaming magsalita.

"Aeisha..."

"Kuya, kasi ano..."


Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at napatingin kaming dalawa sa pumasok na doktor. God, ipinadala niyo po ba ito upang iligtas ako sa kahihiyan? 

Napasulyap ako sandali kay kuya na ngayon ay seryoso na bago ako tumikhim. 

 "Kayo ba ang mga anak ni Mr. Alejo?" Tanong ng babae na bakas na ang katandaan sa mga puting buhok nitong nakatago. Her warm smile almost resembled the warmth of the nurse back in the nurse's station. Nagkatinginan naman kami ni kuya bago tumayo at ngumiti sa doktor.

"Good evening po, doc. Kami nga po. Umalis lang po sandali si mommy," sagot ni kuya at tumango naman ang doktor. "Ano po palang nangyari kay daddy?"

The doctor took the seat beside daddy's bed at lumapit naman kami sa may gilid ng kama niya. Pinasadahan ko ng tingin ang maamong mukha ni daddy habang natutulog ito. Napangiti ako at hinawakan ang kamay ni daddy.

"Since nasabi ko naman na kay Mrs. Alejo ang tungkol dito, kakausapin ko na lang rin kayo." Chineck niya ang noo ni daddy na may band-aid. "Huwag na kayong mag-alala. It's really not that serious. Luckily, the air bag saved him when his car hit the tree. Medyo malakas lang ang pagkakatama ng ulo niya sa upuan ng sasakyan kaya nahilo ito at may ilang bubog ang tumama sa binti niya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FallenWhere stories live. Discover now