Chapter 8

30 0 0
                                    


Aeisha's POV

"Aeisha! Look! The icing looks delicious!"


"Yeah! JD, come on! Let's taste it!"


"Yummyyy!"


"Jayden, pahingi! I kn---Hey! Stop it! Jaaydeen! Eeew!"


"Hahahaha! Ang cute cute mo talaga!"


"Yuuuck! Get back here, you piglet!"


"Catch me if you can, princess!"


Napangiti ako ng malawak habang pinapanood ang video sa camerang hawak-hawak ko. It was taken from Jayden's birthday when he turned 9. Tandang-tanda ko pa itong nakakabwisit na araw na 'to.


Jayden was pulling my hand habang hawak ko sa kabilang kamay ang camera as we ran to the cake, tapos bigla na lang akong pinahiran ng icing sa buong mukha. 


Piglet pa ang asar ko sa kanya noon hindi dahil sa mataba siya kundi kasing-cute niya 'yung alaga niyang biik na nasagasaan dati. Prinsesa naman ang tawag niya sa akin dahil iyon naman daw talaga ako.


"You're a princess that should be treasured and loved."


Ang bata-bata pa namin noon pero ang dami na niyang alam na ka-kesohan. Ako naman, may oras na maaasar ako ng sobra, meron din namang inaabot ng kalandian---este, kakiligan.


Marami akong compilation ng videos namin noong bata pa lang kami. Ako lagi ang may hawak ng camera na ito. Tsaka, hiningi din ni Jayden ang mga picture ng kadora-han ko noon kaya tinutuloy-tuloy na niya ang pag-photo shoot sa mukha ko tuwing anniversary namin which started nang magsimula raw kaming magkamuang which is 1 year old---ayon kay Jayden. 


Pinagtagpo raw kami talaga ng tadhana. Kaya para sa kanya, we already celebrated 16 anniversaries. 16 years na kami......magbestfriend.


I treasure everything, and I keep them always as a remembrance. Kaya lagi kong hawak ang camera na ito. Karamihan dito ay childhood days pa namin, kaya ito ang isa sa pinakamahalagang materyal na bagay sa akin.


Sumandal ako sa pader sa likod ko at umupo ng maayos sa kahoy na upuan. Mahigpit kong hinawakan ang camera sa kamay ko.


Inilibot ko ang tingin ko sa walang kalaman-lamang hallway sa harap ko. Kadalasang iniiwasang daanan ang shortcut na hallway na ito papuntang college department dahil haunted daw ito. Pero wala pa naman akong nakikitang manifestation dito kaya madalas ako dito kapag gusto ko ng katahimikan at malayo sa magulong reyalidad.



"Ang tagal namang tumila ng ulan," napabuga ako ng hangin at napatingin sa wristwatch ko. Malapit na mag-ala singko ng hapon at dumidilim na lalo. Mula pa kanina ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Hindi pa rin ako maka-uwi dahil wala akong dalang payong.

FallenWhere stories live. Discover now