Aeisha's POV
"Waaaaaaaaaaaah! Ayoko na, bababa na akooooo! AAAAAAAAAAH!" Sigaw ako nang sigaw habang nasa Anchors Away kami. Guess what, sa foodtrip namin, nakarating kami ng theme park!
'Yung walang hiya ko namang kasama, tawa nang tawa kahit pinagtitinginan na siya. Lagot talaga sa akin 'to mamaya!
"Wooooooh! Most awesome trip eveeeeerrrrrrrr!" Sigaw niya at humalakhak. Grabe. Sayang-saya siya, samantalang ako, naduduwal na dito! Get me out of here, please!
Nang matapos ýung ride, nauna na akong bumaba at naupo sa isang bench. Parang may mga star pa at mga ibon na umiikot-ikot sa ulo ko.
"How was it?" Nakangising tanong sa akin ni Jayden habang nang-aasar ang mga tingin niya.
"How was it mo mukha mo! Parang feeling ko, bumaligtad ang bituka ko!" Pumikit ako at hinawakan ang tiyan ko. Hala, Ayoko magkalat dito!
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Jayden at inihilig ang ulo ko palapit sa kanya.
Pumikit na lang ako at hinayaan siya. Hinihilot yata ulo ko. Kailan pa naging manghihilot si Jayden Drew Garcia?
"Bili lang ako ng tubig." Paalam niya kaya tumango lang ako at iminulat ang mata ko. Hinding hinding hinding HINDI na ulit ako sasakay d'on!
Pero nagulat ako ng pagbalik niya, may kasama siyang batang babae na sobrang cute! Kaso umiiyak siya habang may hawak na ice cream.
Tiningnan ko si Jayden habang inaabot niya sa akin yung tubig. "Galing kang bahay-ampunan?"
Binatukan niya ako kaya naasar ako at sinapak ko naman siya. Hihiritan ko pa sana kaso baka sagutin na naman ako ng "bakit, babae ka ba?".
"'To naman, binibiro lang!" Binelatan ko siya at hinila palapit sa akin 'yung bata. Inupo ko siya sa lap ko. "Hi baby! What's your name?" Ngiting-ngiti kong tanong sa kanya. Humina 'yung paghikbi niya at pinunasan ko ng panyo 'yung mata niya. Siguro, napahiwalay 'to sa mommy niya. Poor kid.
"My n-name is J-Jewel."Nakasimangot niyang sagot pero nagtwinkle ang mga mata ko.
"Oh my, We've got the same name!" Kinurot ko sa pisngi yung bata habang gigil na gigil. Pero umiyak na naman siya kaya nagpanic ako. "Jewel, I'm sorrry! sssh, sorry!"
Inagaw naman sa akin ni Jayden si Jewel at pilit na pinapatahan.
"Tabunan mo kasi mukha mo, para hindi matakot." Pang-aasar niya kaya sinapak ko siya sa braso.
"Baby, sssh... Don't cry. The monster is over there, right?" Tinuro ako ni Jayden habang nakatingin sa bata. "She can't harm you."
"She can't harm you, she can't harm you... Sapakin kaya ulit kita diyan? Akin na nga si Jewel! Every child needs a mommy-----"
Napatigil ako sa pangangaral ko. Mommy? What the hell am I saying? Napatingin sa akin si Jayden at ngumisi.
"What I mean is, E-Every child needs a m-mommy-mommyhan. Wala pa naman yung nanay niya kaya ako muna." Kinuha ko si Jewel at pinaupo ulit sa lap ko. "Jewel, kainin mo muna ice cream mo, 'kay? Baka matunaw na 'yan. Huwag ka matakot sa akin, hindi ako monster," paliwananag ko sa kanya. "Hindi tulad nung IBA DIYAN." Tiningnan ko si Jayden ng masama bago inirapan. Tinawanan lang niya ako sa pagpaparinig ko.
YOU ARE READING
Fallen
Teen FictionBeing bestfriends for almost 12 years, Aeisha Jewel Alejo forgets the law of love and friendship and falls for her bestfriend, Jayden Drew Garcia. Meeting new people and opening new chapters of her life, will she have the results she's been wanting...