DHTL 5.1

62 10 5
                                    

Nakatayo pa rin ako sa pwesto habang tumitingin sa papalayong lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo pa rin ako sa pwesto habang tumitingin sa papalayong lalaki.Ibinaling ko ang tingin ko sa duguang lalaki hanggang sa may napansin ako.Iba ang logo ng uniform ngunit magkapareho ang style na katulad ng uniform nina Flosuel at Zetroid.Tumingin ako sa paligid.O.O Nagkamali ako ng lugar na pinuntahan kaya pala wala hindi ko sila nakita.Lumingon ako sa gilid, mayroong malaking pader na mahaba na parang hinati ang campus.Sa kabilang building ako napunta.

WAAAAH ANG TANGA KO!

Nakakahiya na talaga pinanggagawa ko pati ba naman sa pinapasukang building di ko na tanda T^T.Kailangan ko na talagang uminom ng memory supplement pero.....umiling ako ng maraming beses.Tumakbo ako palabas ng campus na naguguluhan, ang totoo niyan ngayon lang ako nagkaganito simula nang pumasok ako sa mundong ito...mundo na kasalungat sa buhay ng pangkaraniwang tao.

Marami dapat akong malaman sa mundo nila...

Subalit papaano? sa paanong paraan ko malalaman yun kung sa una palang ay di ko maintindihan ang lahat.

Sinong tao ang makakatulong sakin na gawin ang misyong inaatang sakin.Lagi na lang ako napapahamak...tapos si Flosuel ang laging sumasalo sa problemang nagawa ako at nararamdaman ko na tila pabigat na ko sa kanya.Si Zetroid na kahit masungit tinutulungan niya pa rin ako kahit na naiinis na siya sakin.Pinipigilan naman ako ni Lucia sa mga di dapat gawin kahit sobrang kulit ko.Isa itong desisyon at sikreto na di ko maaring ipagsabi sa kanila.Sikretong magpapabago sa buhay nilang lahat..

Ang hirap WAAAAHHHH!!!!!





*TUUUGGGGGSSS*



"AM-ARAY!!!! S**TE!!!" sigaw niya, nakabangga ako ng isang babae dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ako tumingin sa dinadaanan ko.Parehas kaming napadapa sa lupa na hirap na hirap tumayo.Ang lakas ng impact pareho kaming nasugatan dahil sa katangahan ko.Kasalanan ko na naman.

"TSK" reaksyon niya bago siya tumayo "Ah-Sorry" umupo ako sa lupa habang siya naman nakatayo.Inaaninag ko ang mukha niya TEKA siya yung babae na pumasok sa room kanina na may kasama ring babae."Ikaw..." tinititigan niya ako at sa totoo lang nakakatakot ang mga nanlilisik niyang mga mata parang siyang serial killer na papatay ng isang inosenteng tao TOT.

"AH! hehe" napakamot ako sa ulo ko, no say ako sa tingin niya.Nakakapigil hininga ang sitwasyon na ito tila wala akong takas.

"Bakit ganyan ka makatingin? di naman ako nangangain sadyang ganito talaga ang mga mata ko" nakahinga ako ng maluwag grabe nakakatakot ang mga mata niya.Tiger eyes.

Inilahad niya sakin ang kamay niya at kinuha ko yun.Pinatayo niya ako.

"Tama nga sabi nila" ngumiti siya sakin "Na ano?" na ganito ako ka-shunga?

"Tsss wala, umuwi ka na kanina ka pa ata hinahanap ng kasama mo sa bahay" si Flosuel ba tinutukoy niya? ohhh meessh kakilala niya...

"Wag kang sasalita" sabi niya nung may mga bata dumaan.Pagkatapos ng ilang minuto nagtanong na ako "Bakit?", huminga siya ng malalim "Dahil sa hindi nila ako nakikita kapag magsasalita ka mag isa dyan iisipin nila na takas ka sa mental kaya kung makipag-usap ka sakin dapat walang taong nakakakita sayo" explain niya sakin.Multo siya.. O.O

Darkness Holding The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon