***Jocine Velasquez***
Umuwi ako ng probinsya kasama si Hon para sa engagement. Pagdating namin sa bahay sinalubong ako ng kapatid kong si James. Napaiyak ako yakapin ang kapatid ko. Miss na miss ko na talaga sila. Nakita ko ang papa ko na unti-unti nang gumaling. Agad ko siyang niyakap. Biniro ako niya ako napaka emosyonal ko parang one thousand years kaming di nagkita. Napasimangot ako sa biro niya. Nawala ang ngiti ni Papa nang nakita si Hon.
"Sinong Pontio Pilato na kasama mo?" tanong ni Papa na kumunot noo
Nakakatakot siya!
"Ah.. si--"
"I'm Flosuel Lehman, Jocine's officially soon to be husband"
"Jocine, totoo ba ang sinabi niya?"
"O-opo"
"Bakit hindi mo siya pinakilala sa akin bago ka pumayag magpakasal?"
"Uhm..." Waaah! Walang salita lumalabas sa bibig ko
"Because she's too in love and overwhelmed with me so she forgot to tell you about us Sir" magalang na sabi niya
Uminit lalo ang ulo ni Papa! >.<
"Bumabanat ka ba hijo? Dahil kung oo babanatan kita ng buhay"
"No, I'm serious Sir"
"Wala... may nanalo na Papa" sabat ni James
"Tsk! Tsk! Sige pasok!"
Pinapasok kami sa bahay. Naghanda ang kapatid ko ng meryenda. Nag-uusap kami tungkol sa buhay at mga dakila at kalokohan kong ginawa sa Maynila.
Sa hapon ginawang alila ni Papa si Flosuel. Pinasibak ng kahoy, pinatrabaho sa bukid at bahay, mag-alaga ng hayop at kung ano-ano pa para sumuko ang fiance ko. Siyempre lahat ng task na binigay niya ay accomplished bampira pa naman iyon mas malakas sa ordinaryong tao.
"Sige papayag na ako na pakasalan ang unica hija ko" pagdeklara ni papa.
Ngumiti kaming dalawa ni Flosuel. Hinawakan namin ang kamay sa isa't isa.
"Sa isang kondisyon..."
Napasimangot kami bigla "Huwag mo siyang sasaktan"
Ang simangot namin napalitan ng sobrang saya. Nangingilid ang luha sa saya.
"Papa" lumapit ako kay Papa at niyakap siya ng mahigpit.
"Kailan ang kasal?" tanong ni Papa.
"Next week" sagot ni Hon.
"Ano? Ang bilis!" sabay na sambit ni Papa at James.
"Atat kasi siyang pakasalan ako Papa" biro ko.
"Of course I can't wait to marry a great woman" sabi ni Hon sabay yakap bewang ko sa likod.
Isang linggo ng nakalipas nang nag-prepare para sa kasal. Settled na lahat. Three months niya pala pinaghandaan niya. Pati papeles at seminars sa pagpapakasal siya na mismo ang gumawa para sa amin. Sobrang na-touch ako sa ginawa niya talagang mahal niya ako. Pagkatapos ng pag-make-up at pag-prepare nakasakay ako sa bridal car pumunta na kami sa simbahan.
Heto ako ngayon naglalakad sa aisle. Red ang theme ng suot ng mga abay. Red carpet, pink flowers and white designs. Nakasuot ako ng wedding gown na hanggang talampakan ang haba, long sleeves at v shaped ang sa harapan ko. Nakapusod ako ng tali tapos manipis na tela natatakpan ng mukha ko. Tinutugtog ang kantang Beautiful in White. Sa harap ng altar naghihintay ang pinamamahal kong groom. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil baka masira ang make-up ko.
BINABASA MO ANG
Darkness Holding The Light
Vampire"Cold as snow,irreplaceable beautiful Undefined nightmares slowly show in your mind A darkness that you hate the most would probably your circumstances. No one in this world can live without" Jocine Velasquez encountered a mysterious people, danger...