DHTL 6.1

57 10 1
                                    

A/N dedicate po ito sa kanya hindi kami close pero interesado talaga ako sa story niya.

**Jocine Velasquez**

Sinuot ko ang gown na binigay sakin ni Flosuel.Sobrang ganda white na mahaba tapos pabilog yung style ng nasa shoulders ko at natatakpan ang leeg ko.Gumaganda ako sa suot kong ito ^_^,pumuputi pa ako nito.Kulot ang style ng buhok ko.Bagay pala sakin ito.

Umupo ako sa tapat ng half body mirror.Ipinatong ko ang kanan kong braso sa gilid ng mesa.Hinihintay kong dumating si Flosuel, sabi niya aalis lang daw siya sandali pero as usual ang tagal niya bumalik.

Meron siguro siyang pinagkakaabalahan nu, kung tinatanong ko naman kung ano pinagkakaabalahan niya,ang laging sagot "Basta busy lang talaga ako"

Nakakatampo naman :( masikreto siya masyado >.< Alam kong hindi ako mapilit na tao kung ayaw sabihin ng pinagtatanungan ko ang sikreto niya kasi naman nag-aalala ako na ewan sa kanya.Ewan ko ba masyado talagang paranoid sa kalagayan niya eh hamak na katulong at kaibigan niya ako hindi naman gf o kung ano pa man.

Tiningnan ko ang wall clock "6:34 na wala pa siya, 7:00 pa naman ang party"

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako.Tatayo na sana ako ngunit iba palang tao ang pumasok.

"Ah, sino ka?" malumanay kong tanong where in nakita ko na siya dati "Wag ka ngang magkunwari na di mo ako kilala,nakita mo ang ID ko nung una nating pagkikita" sabi niya.Nakita ko ang ID niya tila wala naman ah.

Ah nung niligtas niya ako sa kapahamakan? wala naman akong sinabi na nakita ko ang ID niya?

"Eh wala naman akong matandaan na nakita ko ang ID mo tsaka bakit ko naman gagawin yun?" paliwanag ko

"Tsk tsk ikaw lang sa buong mundo ang hindi nahumaling sa kagwapuhang taglay ko" nakangisi siya anong konek? "Bahala na nga,pinapahatid ka ni Flosuel sakin meaning ako muna ang magiging partner mo" kinamot niya ang kanyang buhok waring naiilang siya sakin.Tumawa ako sa gawi niya.Sobra siyang kinakabahan sa gagawin niya.

"Haha oo na gwapo ka talaga" ngumiti ako

Natulala siya sa sinabi ko tapos namula siya "Aish! ewan" lumapit siya sakin at pinatayo ako.Pinulupot niya ang braso ko sa braso niya "Oh wag kabahan mamaya siguradong pagkakaguluhan ka dun"pinipigilan niyang tumawa

"Huh? ako pagkakaguluhan? hindi ako maganda nu! ang sabihin mo pagpipiyestahan akong kainin!" biro ko

Ngumisi lang siya at nagkibit balikat pagkatapos pumunta na kami sa party.

****

Ang daming tao puro gold ang nakikita ko mula sa bubong hanggang sa mamahaling gamit.Iba't ibang tao aang nakikita ko may foreigner at mangilan-ngilan ding Filipino.Mga respetadong nilalang ang mga nandito.Kung titingnan mabuti akala mo normal na nilalang sila pero naku wag kang magkamaling makipag-usap sa kanila ng basta basta baka buhay mo na pala ang kailangan nila.

Hindi ko nakikita si Flosuel dito,matanong nga sa temporary partner ko "Nasaan siya?"tinitigan ko ang kausap ko na di pa nagpapakilala sakin.Tumingin siya sa relo niya "Ewan ko, sabi niya nag-aabang na siya sa gate" nagkibit-balikat niyang sagot.

Kumunot noo ako sa sagot niya.Tinignan kong mabuti ang mga tao baka sakaling mahanap ko siya kaso nahihilo ako sa sobrang dami ng tao.

Tinignan kong mabuti ang mga tao baka sakaling mahanap ko siya kaso nahihilo ako sa sobrang dami ng tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Darkness Holding The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon