Lumipad kami papuntang amusement park nasa likod niya ako na nakakapit.Habang nasa ibabaw kami ng ulap nakikita ko ang magagandang bituin.Gagabi na pala, meron akong nakita na shooting star na kakaiba kulay blue yun.Natutuwa akong pagmasdan yun.Ang gaan ng feeling pag nasa sky ka sapagkat carefree ka na tila walang pinoproblema.Palapit ng palapit nakikita ko na ang amusement park.Namamangha pa rin ako sa nakikita kahit dalawang beses ko na itong nakikita ng malapitan.
Ang saya saya sa pakiramdam lalo na't....
lalo na't kasama ko ang kaibigan ko...
ang special friend ko
Nararamdaman ko ring gumagaan na ang loob niya sakin.Tinaas ko ang dalawang braso ko na tila lumilipad pero dahil nakakapit lang ako sa likod niya na di man niya ako hinawakan sa likod, aksidenteng nahulog ako.Nakita ko ring nagulat siya't pilit niyang inaabot ang kamay ko.
Narinig ko ang chime na tunog na papalapit sakin,pagtingin ko sa likod pakanan merong kumikislap na kulay blue na papunta sa direksyon ko parang dinadala ng hangin, sa bilis nun nakita ko na lang na papunta ng kalawakan.Kung titingnan ng mabuti parang bughaw na dyamante sa langit sa kislap nun.
Lagi na akong nahuhulog sa tuwing nasa panganib ako!
Sa di malamang dahilan gumaan ang katawan ko unti-unti akong lumulutang sa hangin.
Inangat ako paitaas ng hangin na kumikinang sa ganda tumingin ako sa itaas kahit malayo ang agwat namin nakikitang kong nagtataka siya.Ganun pa man pinipilit niyang hawakan ang kamay ko.Ilang sandali nang konti na lang na mahahawakan niya na ang kamay ko,lumakas ang ihip ng hangin na pati ako nadala paitaas.Nakakapigil hininga ang sandaling yun at nalaman ko na lang nahawakan niya na pala ang kamay ko.
Namumula akong tumitig sa kanya ganito rin ang eksenang nangyari nung first time kami lumipad.Kinikilig ako, ilang beses na ba akong nagsabi na 'kinikilig ako'? eh sa nakakakilig talaga.Very magical moment.
Nakatungtong na kami sa lupa nakatitig pa rin ako sa kanya samantalang nakangiti siya ng malumanay kung titignan mabuti para siyang na-mesmerize sa sandaling ito.Ang ganda talaga ng mga mata niya."Nandito na tayo" nagsimula na kaming maglakad,wala pa rin akong imik.
After 30 minutes naglalakad-lakad lang kami and speechless pa rin ako di ko alam kung saan kami sasakay sa rides ,siguro nabobored na itong kasama ko pero infairness nakangiti pa rin siya kanina pa.Umupo kami sa bench pinagmamasdan lang namin yung umaandar na ferris wheel.Napaisip tuloy ako....
Bakit parang laging may kulang?
Kinikilig na nga ako sa kanya
I appreciate his care for me and he's perfect at all
Perfect prince charming
with a perfect attitude and looks
Lahat na ata nasa kanya na niya
BINABASA MO ANG
Darkness Holding The Light
Vampiros"Cold as snow,irreplaceable beautiful Undefined nightmares slowly show in your mind A darkness that you hate the most would probably your circumstances. No one in this world can live without" Jocine Velasquez encountered a mysterious people, danger...