***Jocine Velasquez***
Nag-ayos ako ng gamit ko para sa out of town namin. Nagpaalam ako kay Flosuel at pumayag naman siya. Huminga ako ng malalim hindi naman ako mahilig mag-attend sa Alumni pinipilit lang ako ng best friend ko na um-attend pero di niya ako mapilit kaya nga nagtaka ako sa sarili ko na bakit ako pumayag e puro kayabangan ng mga batchmates ko ang maririnig ko doon. Nakapag-aral ako sa private school dahil sa tita ko at sa totoo lang simula ng nakapasok ako doon nagsimula rin ang kalbaryo ko sa buhay lalo na napunta ako sa section one.
Chine-check ko kung kumpleto na ang lahat. Lumabas ako ng kwarto na nakasabit sa likod ko ang backpack "Aalis na ako" paalam ko kay Flosuel na nagluluto ng pagkain niya.
"Take care don't forget to call me when you already there" paalala niya
Aalis na sana ako nang tumawag siya "Hey! wait I will give you this" sabay tutok ng hintuturo niya sa akin. Kinuha niya ang lunch box na nakapatong sa mesa at saka lumapit sa akin na nilagay sa bag ang adobo, naamoy ko kasi. Napangiti ako feel na feel ang pagiging nanay.
"Well I can be your mother, father, brother, sister, wife and most especially husband" he winked
Natawa ako sa kanya "Sige aalis na talaga ako" hahakbang na sana ako pero
"Wait!"
Ang kulit! Di pa ako umaalis namiss niya agad ako. Ang haba ng buhok ko.
"Malalate na ako Flosuel!" impit na tili ko iyong pabebe. Pinipigilan ko kasi ang kilig kaya iyon ang reaksyon ko. Ayokong magpahalata na kinikilig ako baka may masabi siyang salita na makakalimutan kong umalis at mag-stay na lang dito.
Hinawakan niya ang chin ko na agad niya akong hinalikan ng malalim. Inalalayan niya ako sa likod at sa bewang. Naku! Sabi na e! Bumalik ako sa ulirat tinulak ko siya ng dahan dahan sa dibdib.
"Uuwi rin naman ako Flosuel"
"Siguraduhin mo kasi may gagawin pa tayo" pilyong ngisi niya sabay kindat
Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko dapat ito maramdaman. Si Flosuel kasi!
"Don't blame me I know you like the idea" inilapit niya ang kanyang mukha sa akin
"Oo na gustung-gusto ko ang iniisip mo pero pag kasal na tayo"
"We're already married remember? You agreed to be my wife" biro niya
"Tse! Di pa! "
"You're really want to be mine forever?" ang tono ng tanong niya parang hindi siya naniniwala na papakasalan ko siya.
"Bakit nag-aalangan ka ba na papayag talaga ako?" pabulong na tanong ko. Hindi ba siya naniniwala na mahal ko siya?
Nagbuntong hininga siya "I thought..." napayuko siya ng ilang minuto tapos tumingin siya sa akin "Argh! Nothing just come back home safe ok?" pag-iwas sa topic
Tumango ako at inayos ko ang strap ng backpack ko.
Paano ko papatunayan na totoong mahal ko siya?
Mga tatlong oras sakay ng bus nakarating ako sa resort. Ang gara ng ambiance pang mayaman talaga. Pumasok ako sa hotel at sinalubong ang mga ibang maarte at mayayabang ko na schoolmates. Doon ako pumunta sa mababait kong kaklase kung saan nandoon ang mga nerds, good persons at mga disiplinado.
"You're just in time Joci" sabi ni Zian, ang dating crush ko, ang successful billionaire business man. Dating school president namin.
"Yeah"
"Guys alam niyo ba may asawa na yan si Jocine naku! Makita nyo lang sobrang papable, kabog si Zian doon!" sabi ni Lia the chismosa!
Kumunot ang noo ni Zian pagkarinig niya iyon tapos umiwas ng tingin. Parang may something sa kilos niya o masyado lang ako na assumerang palaka. Masyado kasing malihim ang isang ito tipong di mahulaan ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Darkness Holding The Light
Vampir"Cold as snow,irreplaceable beautiful Undefined nightmares slowly show in your mind A darkness that you hate the most would probably your circumstances. No one in this world can live without" Jocine Velasquez encountered a mysterious people, danger...