Epilogue

12 3 0
                                    

Tumigil kami sa isang abandonadong building. Umiiyak ako nang nakikita ko siyang lumalabas ang itim na ugat sa kanyang balat. Nagiging kulay abo ang kanyang mga mata.

"William Shakespeare says life is too short to love you in one, 'I promise to look for you in second life' Indeed he found her in his next life which her wife is also Anne Hathaway. My hope is extreme to look for you in the next life when there's no forbidden between us and everything is ok. I'm not a vampire anymore. I will love you every minute of my life. We will grow old till death we will never be apart" paputol-putol niyang sabi na mabibigat niya ang kanyang hininga. Pinasandal ko siya sa binti ko.

Hikbi lang ako ng hikbi "Iiwan mo na ba ako?"

"Yes"

"Bigyan mo ako ng limang minuto bago ka mawala. Marami akong gustong sabihin sayo at ito ang sigurado mahal kita. Ikaw lang ang nagmahal sa akin ng ganito. Ayaw ko sanang mawala ka pero wala na akong magagawa. Mahal kita higit pa sa inaakala mo at hahanapin kita sa kabilang buhay at sa susunod nating buhay"

"I love you no one can replace you" huling sabi niya bago malagutan ng hininga. Lumuluha akong hinalikan siya ng may buong pagmamahal.

Naramdaman kong tinangay ng hangin paitaas ang naabo niyang katawan.

"Mahal kita" bulong ko sa hangin at tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Mabigat at hindi mabilang na espada ang tumusok sa puso ko. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko.

"Flosuel hon" hinaplos ko ang sumasakit kong dibdib.

*****

Nagising akong sobrang bigat ang aking pakiramdam. Patuloy akong lumuluha at hindi makapagsalita. May ilang machine nakapasak sa katawan ko, may oxygen tapos benda sa ulo, mga braso at paa.

"Doc gising na po ang pasyente!" sabi ng nurse na tumawag sa intercom.

Sampung araw na akong nakaratay sa ospital. Sabi ng doktor sa akin naaksidente ako pero wala naman akong naalala na ganoon kaya baka nagkaroon ako ng amnesia. Nagkaroon ako ng bangungot tuwing gabi tapos may insomnia pa ako. Lagi akong nalulungkot at nadatnan ko na lang ang sarili ko na sinasaktan ang sarili kaya nagpakonsulta ako sa psychiatrist. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Every month bumabalik ako sa doktor para sa check-up.

Ilang araw na hindi ako mapakali na parang may hinahanap ako kaya nagdesisyon akong bumalik sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Flosuel. Sakay ng taxi pumunta ako sa lugar na iyon.

"Dito po manong"

"Sigurado ka Miss? Parang abandonado na itong lugar baka mapaano ka" pag-aalala ni Manong Driver

"Opo at mag-iingat din po ako"

"Sige mag-ingat ka ha" sabi niya sabay harurot paalis.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa subdivision. Sira-sirang bahay at natutuyong halaman ang nakikita ko ngayon. Sumakit ang ulo ko at nag-pop-up sa alaala ko.

"Oh how sweet"

Bago nanlabo ang mga mata ko. Nakikita ko ang mukha ng lalaki.

"Flosuel" sambit ko nang naalala ang mukha niya na nakangisi. Nag-iba ang naalala ko.

Dalawang lalaki naglalaban. Si Flosuel at Zetroid. Nasinghot ko ang kakaibang amoy nagmula sa alingasaw ng kapangyarihan ni Zetroid kaya parang apat ang nakikita ko.

At ano itong alaala?

Nakikita ko sa imahe ko ang pakikipag-usap ni Zetroid at Cheryl tungkol sa pagbabago ng tadhana. Isang libro ang binigay kay Zetroid. Na kung ano man iyon hindi nangyari ang kagustuhan nila sa tadhana.

Pagpatay ni Flosuel sa ikalawang pagkatao niya na muling nagbalik ang tunay niyang pagkatao.

Pagbangayan ni Jandro at Flosuel. Nakangiting mapang-asar si Flosuel tapos nagngingitngit sa galit si Jandro.

Tumigil ako sa sira-sirang mansyon. Pumatak ang luha nang makita iyon. Kung ganoon totoo lahat iyon. At itong bracelet binigay sa akin ng babae. Nabigo ako sa misyon ko. Napaluhod ako sa panghihina nang malaman ang totoo. Totoong nawala sa akin ang pinakamamahal ko.

Iniwan talaga ako ni Flosuel Lehmann na asawa ko.

"Flosuel hon hahanapin kita sa kabilang buhay at sa susunod pang buhay. Ikaw lang ang lalaking iibigin ko sa buong buhay ko. Wala na akong hahanapin pa katulad mo"

Tinakip ko aking bibig at hinahaplos ang durog Kong puso.

******

Nag-undergo pa rin ako ng check-up. Wasak pa rin ako hindi maka-move-on at nanatili sa masayang alaala kasama si Flosuel.

Nagpahangin ako sa terrace. Malakas ang hangin pero hindi nakakabawas sa sakit ng nararamdaman ko. Manhid na ako.

Nakarinig ako ng bulong "I love you"

Nang napagtanto kong siya iyon bigla naman pumatak ang luha ko.

"I love you too" sagot ko

Hikbi lang ako ng hikbi. Titigil tapos iiyak hanggang sa hindi namalayang nakatulog na ako. Iyon ang nangyayari sa araw-araw. Sobrang sakit tipong hindi ako makahinga at makasalita tapos lagi akong nagdudusa sa nararamdaman ko. Araw-araw hindi maalis ang pagka-miss ko sa kanya. Miss na miss ko na siya. Gusto ko nang sumama sa kanya pero pinipigilan kong gawin dahil alam kong ayaw niya mangyari sa akin iyon. Pipilitin Kong mabuhay para sa kanya.

******

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor.

"Ganoon pa rin" sagot ko.

"Iniinom mo ba ang gamot?"

"Oo pero walang gamot sa sakit nararamdaman ko"

"You need to live with meaningful life. Don't settle on one person who already gone instead settle for a new beginning and love yourself Jocine"

Umiyak lang ako sa sinabi. Tama siya at alam kong ayaw ng pinakamamahal ko nagkaganito ako.

"Iiwan muna kita para makapag-isip sa sinabi ko"

Umalis ang doktor. Pinunasan ko ang luha ko. Huling luha na ito at bukas magsisimula ulit ako. Aayusin ko ang sarili ko para sa aming dalawa. Siguradong iyon ang gusto niya.

Sa paglibot ng mga mata ko sa office ng doktor napansin ko ang singsing nakapatong sa isang circular table. Nanlaki ang mga mata ko, ang singsing na iyon kapareho ng wedding ring namin. Mabilis na tumayo ako sa kinauupuan ko at aalis na sana sa office pero huli na ako.

Ngumisi ang doktor at marahas na hinablot ang kamay ko.

"AAH!!!!!"

"Hon"

"Hmm?"

"Kapag nakita mo ulit ang singsing na ito sa ibang lalaki wag kang sasama sa kanya" babala niya na pinakita ang wedding ring namin.

"S-Sige" di siguradong tugon ko.

***The End***

Copyright 2015
All rights reserve 2020

Must read Author's Note

Salamat sa pag-add at PAG-ALIS sa library. Pagbasa ng story ni Jocine at Flosuel KUNG meron man.

Next stories na SIGURADONG magugustuhan ninyo:

Ace of Elementians: Book 1 A Road to become Ace

Saturday: His Gift of Endlessly

Memorable Petals

23 to 18

Sorcerer Toy| Sorcerer Diary Series 1: Water Sorcerer

Blazing Secret| Sorcerer Diary Series 2: Fire Sorcerer

Catching Wind| Sorcerer Diary Series 3: Air Sorcerer

A Modern King | Sorcerer Diary Series 4: Earth Sorcerer

And many more!

Sa muli maraming salamat! ☺️

Darkness Holding The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon