***Jocine Velasquez***
Papalapit ako sa aninong iyon. Ang mga sunod na pangyayari ay hindi ko na matandaan. Nagising ako sa sinag ng araw. Una kong nakita ang mga dahon ng puno na lumulusot ang sinag ng araw doon. Ilang minuto pa tinakpan ng ulap ang araw. Pumatak ang tubig ng ulan hanggang sa lumakas ito. Hindi ako makagalaw at ang bigat ng pakiramdam ko. Naririnig ko ang yabag na malapit sa gawi ko. Tumingala ako, nakikita ko siyang naka-squat malapit sa akin.
"Nakikita mo na ang anino ni Alexa"
"Anong anino pinagsasabi mo?" paos na tanong ko, naguguluhan ako.
"Gusto mo ba marinig ang katotohanan sa lahat ng ito?"
Tahimik lang ako nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim pinapakalma ko ang sarili ko na sobrang kinakabahan. Ito ang matagal ko ng gusto pero bakit pakiramdam ko ayaw kong malaman?
Tumango lang ako pakiramdam ko ang bigat ng loob ko para magsalita. OA na kung OA eh ganito ang nararamdaman ko.
"Ang pinsan ko na si Alexa, ang shadow huntress na kaya kang kontrolin. Siya ang dahilan ng pagiging pihikan sa babae ni Zetroid. Kaya ka pinipigilan ni Lucia sa katangahan mo dahil may ideya siya na sumusunod sayo ang pinsan ko. Once na gagawin kang di niya gusto mas lalo kang papahirapan"
Lumaki ang mata ko sa narinig. Ano?! Shadow huntress?!
"Bakit niya ako kinokontrol?"
"Para makaiwas ka sa gulo. Ngayon ginagamitan ka na ng pwersa, hindi na siya natutuwa sa paglapit mo sa bampirang minamahal mo, ang totoong masama sa lahat"
"Hindi ako naniniwala sayo. Mabuti siyang tao, hindi niya magagawa iyon"
"Iyan ang linyahan ng mga taong nagtatanga-tangahan, hindi porket siya lang ang lalaking nagmamahal sayo ay siya na sa huli. Bukod sa pinsan ko sinusundan ka rin ng anino ng nakaraan. Wag kang lapit ng lapit sa tatlong asungot na kasama ng mahal mo, babait-baitan lang pero may ulterior motive"
"Che- -"
"Wag mong banggitin ang pangalan ko may nakakabit na sumpa kapag tinawag mo ako na walang permiso"
"Anong anino ng nakaraan?"
"Ang bagay na dahilan kung bakit siya naging masama"
Tumayo siya at mabilis na naglaho. Naigalaw ko na ang mga daliri ko sa paa. Naramdaman ko ang mabalahibong bagay. Tumingin ako sa sa may paanan ko. Kinikiskis ng pusa ang ulo niya sa mga paa ko. Tumalon ang pusa sa may tiyan ko. Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa malapit na ang mukha ng pusa sa akin. In-adjust ko ang aking katawan. Umatras ang pusa at tumalon. Bumangon ako at umupo. Niyakap ko ang tuhod ko at binaon ang mukha ko. Ang bigat ng naramdaman ko. Di ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Parang pinipihit paalis ang puso ko sa sakit. Umulan ng malakas. Nanginginig ako sa lamig ngunit di ko alintana iyon. Ang alam ko lang nasaktan ako sa nalaman ko.
Bumalik ako sa tinutuluyan namin. Nagkagulo ang kabatch mates ko. Nakita nila akong basang sisiw. Lumapit ang best friend ko at inabutan ako ng tuwalya. Ang dami nilang tanong tapos ang lagi kong sagot ay nagpahangin lang sa labas tapos nawili ako sa view doon. Nagsorry din ako kasi pinag-alala ko sila. Buti na lang daw nakabalik ako hindi ako naligaw. Good thing na right on time ang schedule ng activity.
Kumain kami ng breakfast. Nagsimula ang activity ng games. Nakisali ako sa kanila. Kulitan at nakaka-enjoy. Sumapit na ang gabi nakaupo lang ako sa kama pagkatapos kong kumain ng dinner. Nandito lang ako na nag-iisip para ma-process sa utak ko ang pangyayari. Nagitla ako ng bumulaga sa akin ang pusa sabay halik sa pisngi ko. Kung tao ito iisipin ko na maharot ito. Hinihamas-himas ko ang ulo ng pusa. Anong oras na kaya?
Tumingin ako sa orasan na nasa side table 8:45 pm. Tumayo ako kaya napatalon paibaba ang pusa na nakahiga sa kandungan ko. Pumasok ako sa banyo dala ang kakailanganin kong gamit. Binuksan ko ang tubig sa bathtub at naglagay ng liquid soap. Lumublob ako sa bathtub na tanging ulo ko ang naiangat. Tulala pa rin akong nakatingin sa kawalan. Pinaglalaruan ko ang bula na wala talaga sa sarili. Narinig ko ang pag-akyat ng pusa sa gilid ng bathtub. Nagulat ako ng tumalon ito papunta sa akin na nag-anyong tao. Muntik na akong malunod!
Mabilis na hinawakan niya ang dalawang braso ko para maiangat ako. Ngayon kitang-kita sa harapan ko ang taong ito. Namula ako ako na napagtanto kong lalaki siya. Hindi lang basta lalaki dahil kilalang-kilala ko siya. Walang imik na tiningnan niya ako sa mga mata. Ang awkward ng posisyon namin parang...Argh!
Umiwas siya ng tingin at maiangat siyang umalis sa bathtub.
"I'm sorry" sabi niya na kinakabahan saka lumabas
Hinawakan ko ang dibdib ko, ang bilis ng tibok "Shete nakita niya lahat"
Pinilit kong kalimutan ang awkward moment. Nairaos kong maligo kahit na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nangyari. Lumabas ako ng nakatapis. Saktong paglabas ko ang paglingon niya. Tumingin siya sa ibang way pero nahuhuli ko ang pagsulyap-sulyap niya. Nilakihan ko siya ng mata na nagsasabing umalis siya muna.
Hindi siya sumunod subalit humakbang siya ng ilang pulgada. Magkatapat kami ng nakatitig "Anong ginagawa mo Flosuel?" kinakabahan kong tanong
Magsasagot na sana siya ng biglang bumukas ang pinto. Hindi siya prepared ni hindi siya makapag-transform into cat agad. Ngayon ang awkward na talaga. Nakita na ni Lia at Chelsea na magkasama kami at ano nga ba ang iisipin ng mga nakakita.
"OMG ATAT na ATAT kayo hah" pagbibiro ni Lia samantalang si Chelsea tiningnan si Flosuel mula ulo hanggang paa in a malandi way.
Ngumiti kami ni Flosuel na waring nahihiya. Naiinis na ako sa titig ni Chelsea kaya tumakbo ako sa pintuan at isinara iyon.
"Wuut! Excited ka besh!"
"Sino iyong guy na kasama niya?"
"Asawa siya ni Jocine kaya wag ka ng umasa bruha"
Sorry besh kung di kita pinapasok. For privacy purpose. Mahina na iyong boses nila kaya di ko na alam kung ano ang pinag-usapan nila. Nakaramdam ako ng ginaw. Kinuha ko agad ang damit sa drawer pagkatapos kumaripas ng takbo papasok sa cr. Nagsuot ako ng pantulog. Paglabas ko nakita ko siya na nakahiga sa sofa.
"Flosuel"
"I guess it, you're asking me why I followed you? I'm here to protect you. I'm afraid that you already know the half of the truth about me"
"Care to explain? Because honestly I'm so confused about everything"
"Would you believe me?" sabi niya na nakatitig sa akin
Hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya na nakagat labi. Huminga siya ng malalim "Are you ready to tell you the truth?" tanong niya
Kaya ko ba?
Sa huli tumango ako sa tanong niya. Umupo ako sa kama paharap sa kanya. Huminga ulit siya ng malalim, this time iyong malalim na paghinga. Nakatitig ako sa kanya na naghihintay ng paliwanag. Umiwas siya ng tingin.
"It all started....."
BINABASA MO ANG
Darkness Holding The Light
Vampir"Cold as snow,irreplaceable beautiful Undefined nightmares slowly show in your mind A darkness that you hate the most would probably your circumstances. No one in this world can live without" Jocine Velasquez encountered a mysterious people, danger...