Ama

1.5K 6 4
                                    

Maswerte ang mga batang lumaking may ama
Lalo na kung ginabayan at inalagaan sila
Di katulad kong ni minsan ay hindi ko nakilala
Maski isang sulyap o litrato ay wala akong nakita

Alam ko naman na masamang mainggit
Pero hindi ko talaga maiwasang mapaisip
Na kung bakit sa lahat ng bata ay sa akin pinagkait
Ang kalinga ng isang ama na gustong makamit

Ako'y naniniwala na lahat ng bagay ay may dahilan
Dahilan kung bakit ito'y aking nararanasan
Pinapasa-Diyos na lang ang aking mga hiling
Na sana balang araw ang tanong ay masagot na rin

Alam siguro ng nasa taas na malakas ako
Dahil hindi Siya magbibigay kung hindi ko kakayanin 'to
Na kahit man walang ama sa tabi ko
Alam kong maswerte parin akong tao.

J.

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon