Ang taas ng tingin mo sa sarili mo

311 1 0
                                    

Paano kung dumating yung araw na bitiwan ka na niya
na hindi na kayang hintayin ka pa
sa sobrang tagal na panahong nandyan siya
hindi mo na naisip na siya'y napagod na

Ang taas kasi ng tingin mo sa sarili mo
na akala mo lahat ng tao magkakagusto sayo
umaasang may darating pang bago
kaya hindi mo na napansin kung sino ang tunay na nagmamahal sayo

At ngayon ay pagod na siya
ano na ang iyong napala?
nagsisi ka na,
iniwan ka pa.

J.

Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon